Prologue

0 0 0
                                    

"I saw you somewhere but I don't clearly remember when..."

Hindi siya umiimik tsaka malamig akong tinitigan. Inaral kong mabuti ang lalaking nasa harap ko. Kahit na ang maliit na detalye sa kaniya ay hinahanap ko.

"Sir! Dayo ka lang dito? Naging close ba tayo?" hindi ko alam sa sarili kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nagtatama ang paningin namin. Pakiramdam ko ang lahat sa kaniya ay pamilyar sa akin.

"Pwedeng makipag-friends lang?" iniabot ko ang kamay ko sa kaniya habang nakangiti.

I don't know! Bakit ako ganito sa hindi ko kakilala. I just want to fill my curiousity, I want to know why do I feel uneasy when it comes to my boyfriend...at sa taong hindi ko kilala makita ko palang siya...sobrang saya ko na. Crazy right?

"Friends?" hinihintay parin ang pagtanggap niya sa kamay ko.

"What do you want from me?" imbes na awayin siya dahil tinataboy niya ako. Mas ginalingan ko pa para lang maging kaibigan siya.

"I want you to be my friend!" masayahin kong sabi. Hindi parin nawala ang malamig niyang titig sa akin.

"Leave" medyo nagulat man sa sinabi ay hindi ko naman ginawa. Hindi ko siya sinunod sa gusto.

Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan. Bakit ba ayaw niya?!

"Ang sungit mo naman...ayaw mo yun may maganda kanang kaibigan" tinalikuran niya ako at dere-deretsong naglakad na parang walang nangyari, na parang hindi niya ako kausap kanina.

"Hoy!! Sungit ka!! Friends lang, hindi naman tayo hmm....magiging ano...tayo!!" pagalit kong sigaw para ipilit sa kaniya na friend lang talaga ang gusto ko. Baka iba iniisip eh! Nililinaw lang.

At tsaka may boyfriend na ako!

Hinabol ko siya nang medyo makalayo na. Hinihingal ako nang maabutan ko siya. Kaagad kong hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan siya at harapin ako.

"Friends lang please..." pagmamakaawa ko. Alam ko na mali ang pilitin siyang kaibiganin ako, hindi ko rin naman alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Maybe...kulang sa atensiyon at nanghihingi na sa hindi kilala.

Kulang sa pagmamahal ng magulang kaya kahit sa ibang tao ay nanghihingi na ng atensiyon...

"I told you...to leave me alone..." gusto kong maiyak sa tono ng pananalita niya. Sobrang saya ko nang marinig ang malamyos na tono ng boses niya.

"Friends?" ngumisi ako sa kaniya. Hindi man nagbabago ang reaksiyon niya. Patuloy parin akong nana-nalig na sana maging magkaibigan manlang kami.

"Hindi mo ba talaga maalala?" bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Parang malamig na hangin ang pumalibot sa katawan ko at naging kumportable ako.

Hindi ko maalala ang alin?

"Ano bang sinasabi mo?" humagikhik pa ako ng mahina para maka-adjust dahil nagulat talaga ako nang yakapin niya.

"Nakalimutan mo na ako?" nanginig niyang sabi habang nakayakap sa akin. Ganon ba kalakas ang kutob ko na kahit stranger sa paningin ko...sa huli kilala pala niya ako.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko nang umiyak ano mang oras dahil nararamdaman kong nasasaktan ang puso ko...sa hindi alam na rason.

"Hindi kita kilala...Haha!" I try to push him kahit konti lang para makita ko kung anong hitsura niya. Hindi niya ako pinagbigyan bagkos...mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap.

Tumayo ang balahibo ko nang bumulong siya sa akin. Feeling ko naibsan ang pangungulila ko sa isang mahalagang tao...

"I'm Franco...and we're not friends"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I met you in my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon