Mandy's POV
"Hay... Monday na namaaaaaaan. Bakit ba kasi nauso yang Monday na yan eh."
Ako nga pala si Mandy Platt, BS Architecture student, 19 years old. At itong babaeng ito na nagsasalita ay ang aking kaibigan na si Lira Evans na ayaw na ayaw ng Monday. Sino bang may gusto ng Monday?
"Huy tumigil ka nga. Mag-aral ka muna may exam pa tayo." sabi ko sa kanya.
"Hindi ako makapag-concentrate kasi malapit na yung concert ng Skyfly!"
"Daldal-Lira pwede hinaan mo boses mo? Ako 'tong di makapag-concentrate sa nirereview ko."
"Asus ang grade conscious mo masyado, basta yung pustahan natin ah."
"Ha? Anong pustahan?"
"Ano ba yan. Ang tali-talino mo eh. Pustahan lang nakalimutan pa."
Ah yung pustahan pa kapag napasa ni Lira yung exam sasama ako sa kanya sa concert tapos 'pag natalo naman sya titigilan nya na ang pagtangkilik sa walang kwentang music ng bandang iyon.
"Oo na."
Tuesday
"Yes pasado ako! Oy Mandy yung pustahan ha. Mamayang 5pm dapat andon na tayo balita ko may bago silang kanta eh"
"ANO?! Eh 7pm pa yon diba? Tsaka bat tayo pipila eh reserved sitting tayo sa harap?"
"Ay OA? Wala akong sinasabing pipila.Tsaka anong 7pm? Nandun na sila sa backstage non di ko na sila maiistalk non dapat nga last week pa tayo nagcamping eh"
"ANO? Last week pa?"
"Ay hinde! Bukas! Magcacamping tayong dalawa don, good luck saten."
"Ang sarcastic mo"
"O sige na uwi muna tayo sa ating mga bahay at magbeauty rest"
"Sus rest lang wala kang beauty"
"Hoy!"
"Oo na uuwi na po ako kita nalang tayo don sa ministop malapit sa Concert arena"
"Okay, bye na"
Ministop
4:30pm pa lang, nandito na ako sa Ministop, kahit di ko gustong pumunta sa concert. Bibili muna ako ng maiinom, tagal kasi ni Lira. Kinakabahan nako dito kasi ako na lang ang customer, nagtakbuhan na yung mga tao sa concert hall. Tapos may creepy looking guy na naka hoodie na kakapaasok lang. Pasulyap sulyap sa akin tong holdaper na 'to pagtitingin kasi ako iiwas sya ng tingin at kunwaring may kinukuha na food, tapos may tattoo pa muka talagang adik. Nako kailangan ko makuha yung drink ko, bibilisan ko na nga.
Asan na ba yun? Ayun!
Naku na-giisa nalang. Kukunin ko na sana kaso lang di ko na kinaya kasi nasa likod ko na siya
PUTEK KELANGAN KO NG UMALIS DITO NOW NA.
Sa sobrang takot at naiwan ko na yung inumin dali dali akong naglakad palayo. Hindi ba totoo yung mga nasa movies na ililigtas yung bida tapos happy ending?Bat sa akin baligtad muka pang horror to kasi mamamatay ang bida. Ano ako yung bida? So ako yung mamamatay? Minsan na nga lang maging bida, papatayin pa.
"HOY!"
"Gah! Putek ka Lira nagulat ako!"
Hindi ko na sya pinag-salita hinatak ko na sya paalis dun tapos habang naglalakad kinuwento ko yung holdaper sa kanya.
"Pasalamat ka dumating ako, halika na nga at baka nagsisimula na yung concert" sabi niya.
Nakaupo na kami sa harap at sakto lang ang dating namin kakasimula lang ng concert. Mga gwapo nga arogante naman. Nasaktuhan ko na tinitingnan ako nung vocalist. Ano kuya ngayon ka lang nakakita ng tao? Titigan ko nga rin. Ayun iwas siya. Bakit? Dahil ako lang ang nakaupo na audience dito samatalang ang lahat ay nagsasayawan? O baka si Lira tinitingnan? Ito naman kasi tong babaeng to parang mamamatay sa ligalig eh. Hindi ko sila makita, ang labo na ng mata ko.
"Goodnight Manila!"
Natapos na din ang concert at nagpalakpakan na ang mga tao. Pero biglang nagkagulo dahil sa biglaang pagsugod ng mga fans dun sa banda. Grabe nasasaktan nako grabeng stampede 'to naiipit nako asan ba si Lira? Sinubukan kong makaalis ng stampede pero nawawalan nako ng lakas tinatapak tapakan nila ako and then everything went black, literally kasi naharangan na ng mga tao yung ilaw kasi naiipit na ako dito.
Lira, help!
A/N: Guys this is my first story so medyo nangangapa pa ako. Sorry for the grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Love at First Night
RomanceMandy is never a fan of music. Then she meets the famous band of her generation. Is it another waste of time? Or will it be the time of her life?