Nang makapahinga na ako at alam kong time ko na bumaba na ako. Malapit na ako sa pwesto nina Ivy ng mapansin ko ang isang payat na babae na nakikipagtawanan sa kanila. Ang sexy nya sa suot nya, nakasport bra at short short sya. Ng malapit na ako sa kanila nakilala ko kagad sya. Natuwa naman ako dahil ibang iba na ang aura nun last na magkausap kami, mukhang ok na sya. Natanong ko naman ang sarili ko, bakit kaya sya nagbalik dito. Sana dahil saken, feeler lang..hahaha.
.
.
.
.
.
.
"Hi Guys, mukhang nagkakatuwaan kayo ah, pwede bang makisali?"singit ko sa kung anuman magandang pinag-uusapan nila.
"Hi din Ate Mika" sabay na bati naman ni Ivy at Len. "Si Ate Jessey po ang bisita natin na naghahanap sayo, nakakatuwa nga po sya ang bully"pabida pa ni Ivy patungkol kay Jessey.
Lumapit naman ako kay Jessey at nagbeso sa kanya. Hindi ko alam kung ano sumapi saken at nagawa ko yon. Feeler talaga ako today.hahaha."Hi pretty, naubusan ka ba ulit ng gas kaya ka napadpad dito"nakangite ko pang biro sa kanya.
"Actually no, naplatan naman ako now...hahaha" sakay naman nya sa biro ko. Lalo tuloy ako napangite ganun din sya. Dahil napansin ng dalawa namin tauhan na ok na kami nagpaalam na ang mga ito samen para umuwi. Si Jessey naman inaya ko sa canteen para makapagdinner at pagkatapos namin kumain inaya ko naman sya sa table na malapit sa pool at nagdala rin ako ng wine para inumin namin habang nagkukwentuhan.
.
.
.
.
.
Magkaharap kami sa table. At dahil nagpapakiramdaman kami kung sino una magsasalita, ako na ang tumapos sa katahimikan namin.
"So ano talaga reason mo bakit napabalik ka dito?"
"Dahil sayo?..."sabay ngite nya, na nakapagpawala ng mga mata nya at sobrang ikinakilig ko naman. "hahaha, oh parang kinikilig ka"sobrang obvious pala nahiya naman ako, at naramdaman ko nang-init ang mga pisngi ko. Ng mapansin naman nya na nagblush ako naging seryoso na naman sya pero hindi na kagaya ng last kami nagkita na malungkot sya. Ngayon parang gusto lang nya makapagrelax.
kinuha nya ang shot glass nya at uminom muna bago nagsalita"Sa totoo lang wala lang talaga ako mapuntahan umalis kase sina Mommy, tinatamad naman ako maggala sa mall. Ng makita ko ang bola ng mikasa ikaw agad ang naalala ko itong resort nyo actually."
"So ganun mukha na pala akong bola ngayon, sa cute kong to, hahaha"sabay inom ko ng drinks ko.
"wow lakas ha"pagtaas pa nya ng kamay nya." ewan ko ba ang dami naman dyan mas maganda na resort at mas sosyal ha pero pagtumitingin ako sa bawat sulok ng resort nyo hindi man nawawala ang problema pero pansamantala akong nakakalimot. Kahit san ka kase tumingin mga nakangiteng tao ang makikita mo. Parang ikaw."mahaba nyang litanya, at sa huli nya sinabi mas lalo tuloy ako napangite. Wala tuloy ako nasabi. "pwede ba ako magkwento sayo?...ahm alam mo na the last time na nagpunta ako dito, I know you knew I was hopeless that time at hindi ka lang nagtanong..gusto ko lang sana may mapagsabihan, sabi nga nila mas maganda daw magshare ng feelings sa mga taong hindi mo kilala. basta makikinig ka lang."