Love ? ha ? Di yan uso saken ---
Pero nung nakilala ko siya .. Ewan ko ba !
Gumunaw ang mundo ko. Naging Makulay ang Maitim na buhay ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ryza, apo, samahan mo naman akong bumili ng gamot dyan sa may Robinsons. Sumasakit na kasi itong tuhod at parang aatakihin nanaman ako ng rayuma ko. Naubos na kasi yung reserba kong gamot, hindi ako nakapagpabili kay Tita Lotay mo.”
Si Lola Tita. Kapatid ng Lolo ng matalik na kaibigan slash ex boyfriend kong taga London na kinamumuhian ko na ngayon, SI An—. Nevermind, ayoko na siya banggitin dahil hanggang ngayon di pa rin ako makamove on sa mga mga ginawa niya saken noon. Magisa lamang si Lola Tita sa buhay dahil tumanda siyang dalaga. Dinadalaw dalaw na lamang siya ng mga apo at pamangkin niya kung may pagkakataon sa kanyang tinutuluyan. Close kame niyan ni Lola mula pagkabata ko. Dahil na din siguro kay An— este sa mga pamangkin at kamaganak nila. Malapit din ang family ko sa kanila. Wala na rin kasi akong inabutan na Lola, kaya ganun na lamang ako kalapit sa kanya at tinuring ko na siyang tunay kong Lola.
“Ahh Lola gusto niyo ako na lang po bumili ng gamot niyo para hindi na kayo mapagod? May bibilin din naman po ako dun kaya hindi na abala.” Ngiti kong sagot sa kanya.
“Hindi gusto kong sumama para mabudget ko na din yung pera ko para sa iba pang bitamina, sige na apo magbihis ka na.”
o_O
“Sure po kayo? Sige po, pasok na po muna ko para makapagbihis.” Ako.
“Ahhh, Ryza teka, gandahan mo ang bihis ha.”
O_O
“Ho? Sus, si Lola naman, may ka eye ball po ba tayo kaya kelangan maganda pa suot at sa mall pa bumili ng gamot? dyan na lang po tayo sa kanto bumili! Hahaha!” Biro ko.
“Kurutin kaya kita dyan, pasok na dali, bago pa ko atakihin ng rayuma ko, alas-sais kailangan makaalis na tayo!” Akmang kukurutin ako sabay bahagyang tulak sakin papasok sa pinto.
Nagbihis ako, yung lagi kong suot pag nagmamall. Vans na sapatos, short shorts, FMCC shirt and snap back. Saka lumabas na ng bahay at kinatok si Lola sa bahay niya.
“Tara Lola Tita?”
“O bakit di ka man lang nagdress, sabi ko sayo gandahan mo ang bihis ee, di bale na nga. Halika na!”
“E Lola, kahit ano namang suot ko maganda parin ako! Haha” Pangontra ko sa kanya. Totoo naman e, maglakad lang ako palabas sa lugar namin, ang dami ng nakasunod. Legs ko palang. Choss. Kaya nga daming nagtataka kapag sinasabi kong wala akong boyfriend. Hehe.
…..
Di pa man kame nakakalayo may biglang humintong sasakyan na itim sa tapat namin. Wow ha Ford. Kintab. Pero ang epal bakit bigla naman tong huminto sa tapat namin, dahil ba sa legs ko? haha. Di ko naman maaninag ang loob nito dahil tinted.
O_O
“O ayan na pala sundo natin ee. Sakay na Ryza.”
<_<
“Ha?! Ho?! Kelan pa po kayo nagkaroon ng service?! Kanino pong kots-” Di ko na natuloy yung sinasabi ko. Tinulak na ko ni Lola sa back seat ng sasakyan sabay isinara ang pinto. Pinilit ko munang aninagin kung sino ang nasa loob ng sasakyan kaso mas nangibabaw sa isip ko si Lola, asan na siya? Wahhh, pinakidnap ba ko ni Lola? Nemen ee. Pinilit kong kumalma at nilibot ko ang tingin sa kanan ko. Takot na takot ako. Ohmay… Lord, mabait naman po akong bata diba. Help me, help me, marami pa kong plano sa buhay. Hindi pa nga ko nakakapagasawa kukunin niyo na ko. Kalma kalma Ryza. Napanatag lang ako ng kaunti ng may pamilyar na mukha akong naaninag.
Gumalaw siya para buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.
O_O
“ANDREWWWWWWWW????!!!”
Kinusot ko mata ko. Hindi, nasa London siya. Paano siya mapupunta dito. Ayaw nga siyang pauwiin dito sa Pinas dahil baka atakihin siya ng Asthma dahil sobrang inet dito, at sobrang maporma pa kaya baka mapagtripan lang dito ng mga loko loko. Arte lang ng magulang niya diba.
Kusot kusot ulit ng mata. Tapik tapik sa mukha ko.
>_< Ako.
^_^ Siya
O_O Ako.
“andrew!!!”
Naramdaman ko na lang may malamig na bisig na yumakap saken.. Ramdam na ramdam ko.. Ang bango bango niya.. Yummy, sarap kagatin.. eeee landi ko lang.. Hinalikan niya pa yung gilid ng ulo ko, na tumama ng konti sa tenga ko.. Nakiliti ako sa ginawa niya kaya napayakap na din ako.. Kasunod nun lalong humigpit yung yakap niya saken, hindi na ko makahinga… Sheeettttttt!!!
“I missed you so much, Ryza…”
Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh…………………….. Si ANDREW nga!!!
Yung puso ko… /\_/\_/\_/——————- Heaven.. :))
to be continued