Kainis na lalaking yun. Harap-harapan! Arghhh, kung makatingin dun sa mga babae kulang na lang sunggaban niya. Hmmmp! E bakit ba kasi ako naiinis? Dapat wala na kong pakialam sa kanya.
Nauna na ko sa room namin na tinuro nung resort crew. Pumasok agad ako tapos nilock ko yung pinto. Kumuha siya ng sarili niyang kwarto noh, nakakairita siyang kasama. Haysss. Nahiga na agad ako sa kama pagpasok ko.
“RYZA!!” Tawag niya, habang kumakatok sa pinto. Nagtalukbong ako ng kumot at nagtakip ng unan, para di ko siya marinig.
“ryza, open the door.”
“Ryza, may ginagawa ka ba?”
“Uyyy, Mahal ko?”
“Babe?”
“Baby?”
Tignan mo tong mokong na to, daming tawag saken. Style niya bulok! Maya maya narinig ko bumukas yung pinto. Wahhhh, paano siya nakapasok? Tsk, di ko nga pala nahingi yung susi nitong room. Hayyysss. I’ll just pretend that I’m sleeping.
“Hey, Babe?” Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kanya. NR parin ako.
“Uyyy, Ryza.” Tinapik niya ng marahan yung likod ko.
“Hey, I know you’re not sleeping.” Patay na.Tinanggal niya yung talukbong ko. Nakapikit padin ako.
“Mahal ko, sorry na.” Hinawakan niya yung magkabila kong braso at marahan niya kong hinila mula sa pagkakahiga ko. Di parin ako dumidilat. Kiniss niya yung kaliwa kong mata. Enebehhhh.
>_<
“Ano bang minamaktol mo dyan? Di hamak naman na mas sexy ka sa mga yun.” Goooshhhh, his voice. Dinilat ko yung mga mata ko pero iniwas ko ang tingin sa kanya. Di parin ako kumikibo. Hinarap niya yung mukha ko sa kanya with his both hands.
“Magready ka na, we’ll eat lunch, then were gonna have some tour around the island.” He smiled and kissed my forehead. Sheeemmmsss! Ang gwapo lang! Parang nakuryente nanaman ako.
“I’ll just get our stuffs.” Sabay tumayo siya at lumabas ng room.
Waaaaaahhhh, literally na gumulong ako sa kama when I heard him shut the door. EEeeeeeeeee! Lord naman ee, torture ito! Bakit ganun kahit anong pigil ko parang bumabalik parin yung nararamdaman ko sa kanya. Ang lakas parin ng dating niya saken. Nemen e. Ayoko nito, ayoko ng nararamdaman ko.
I’d still leave my feelings hanging. I don’t want to make a wrong decision again. Wag puro puso Ryza, gamitin mo yang utak mo. Matalino ka naman e, wag kang magpapatalo.
…
We had our lunch then took a tour around the island. Grabe sobrang ganda talaga dito.White sand, ang linaw ng tubig, sarap ng simoy ng hangin, tahimik, paradise talaga. Gusto ko sanang magsurfing kaso may sugat yung paa ko dahil sa katangahan ko kagabi. Yung mga activities away from water lang pwede kong itry like rappelling and wall climbing. Paano ko naman magagawa yun e takot ako sa heights. Hayyys.
Habang nagtotour kame asaran parin kame ni Andrew, as usual. Bumalik ako sa pagiging masungit. I need to protect my heart noh. Pero aaminin ko unti unting gumagaan yung pakiramdam ko habang nakakasama ko siya. Papunta kame ngayon sa mini falls. Nauuna kong maglakad kay Andrew, nakasunod ako sa tour guide namin. Hanggang sa natanaw ko may tatawiran kameng hanging bridge.
>_<
“Hala, Kuya, tatawid talaga tayo jan? Wala na bang ibang daan?” Tanong ko kay Kuyang Tour Guide.
“Wala na po Ma’am. Ito lang po talaga yung daan, don’t worry Ma’am matibay naman yan and worth it pagnarating niyo yung mini falls.” Sagot niya.
>_<
“Naku, kuya. Hehe. Dito na lang ako. Antayin ko na lang kayo. Go lakad na kayo. Dali.” Habang tinutulak ko siya. Feeling close naman ako kay Kuya. Hehe. Pagtingin ko kay Andrew ang sama ng tingin saken. Automatic na lumayo ako kay kuyang tour guide baka magkoroon pa ng commotion. Naglakad na sila papalapit dun sa bridge pero nung aapak na siya, he looked back at me.
“You really wanna stay there Ryza? Bahala ka mamaya may ligaw na ahas dyan.” Sabi niya.Wahhh, oo nga noh dali-dali na lang akong sumunod sa kanya.
Nasa one-fourth palang kame nung bridge parang bumigat na yung paa ko, nalulula na ko. Bawat hakbang nila gumagalaw yung bridge. Parang mapapatid. Wahhhhhh. Juskolord, ano ba tong pinasok ko. Huminto muna ko. Naiiyak na ko sa sobrang takot. Huhuhuhuhuhuhu.
T_T
“Moe! Wait lang.” Nanginginig kong tawag sa kanya. Binalikan niya ko.
“Come on, hold my hand.” Parang bigla akong nagkalakas ng loob when he intertwined my hand with his. Narating naming yung dulo ng bridge ng hindi ko namamalayan. Tahimik kong kinakalma ang sarili ko habang naglalakad kame. Hindi niya na binitiwan yung kamay ko hanggang marating namin yung mini falls.
“Wow! Look Ryza ang ganda!” Para siyang bata na binigyan ng paborito niyang candy. Hala siya, tuwang-tuwa. Pero maganda naman talaga. Ang lamig ng talsik nung tubig, kulay blue yung dumadaloy na tubig paibaba. Ang sarap pakinggan ng agos nito kasabay ng ingay ng naghahampsang dahon sa paligid. May lugar pala talagang matatawag na Paraiso. Isa ito dun.
“Woohoooo!” Sumigaw siya tas tinaas niya yung magkahawak naming kamay. Sabay yakap niya sakin pagtapos. Nagulat ako, parang nagslow-mo lahat ng nasa paligid ko. Iba yung pakiramdam ng yakap niya ngayon. I felt happiness with his arms. Unti unti kong inangat yung kamay ko para gantihan yung yakap niya. Pumikit ako at naramdaman kong hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko. I rested my face on his chest, hearing his heartbeat. I smiled while feeling the moment.
“Hear my heart, Ryza. It only beats for you, only you my Baby.” I felt like floating in the air with him in that moment.