Nagising ako ng marinig kong mag ring ang cellphone ko. Kinapa kapa ko ang ilalim ng unan ko, nakasanayan ko na kasing ilagay doon ang cellphone ko. Nang makuha ko ito nagflash sa screen ang pangalan ni Aciel.
"Hello, ang aga mong mambulabog. Ano bang kailangan mo?" antok na antok kong tanong sakanya.
"Maaga?! Seriously Lalaine?! Paalala ko lang sayo na ngayon ang alis natin papuntang Ilocos" nagising ang diwa ko ng sabihin niya iyon.
Oo nga pala ngayon pala yun! Paano ba naman ako hindi mapupuyat? E kahapon niya lang din sinasabi sakin na pupunta kami ng Ilocos at sa sobrang excited ko hindi na ako nakatulog!
Bumangon agad ako at tumingin sa bintana. Pakiramdam ko napanganga ako dahil sa nakikita ko. "Wag ka na ngumanga diyan, bilisan mo na ang kilos!" sigaw ni Aciel sakin. Nagmamadali naman akong kumilos dahil baka magwala na siya.
♥•♥•♥•♥
"Paano mo nga ba napapayag sina mama at papa?" nagtatakang tanong ko sakanya kaya napasulyap siya sa akin at ngumiti "Syempre ako pa? Well, malakas ata ito sakanila" pagmamayabang niya at tinaas niya ang kaliwang kamay niya at pinakita niya sa akin ang braso niyang nagmumura sa laki. Naka sando din kasi siya kaya nagmumukhang malaki yung braso niya.
Edi siya na may malaking braso.
"Malakas ang hangin" bulong ko.
"Ay nga pala nasan na pala yung girl na niligawan mo? Bakit hindi mo siya sinama?" pag iiba ko ng usapan.
"Anong nililigawan sino nagsabi? Patayin ko-" napatigil siya sa pagsasalita niya dahil sinuntok ko siya sa braso niya.
Seryoso ba siyang hindi niya nililigawan yun?
"Ako! Kakasabi ko lang diba?" mataray kong sagot sakanya. Kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa.
Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko aber?
"Diba nga may inabot kang chocolates sakanya noong last day natin sa school?"
"Ah ayon ba? Nakita mo pala yun. Actually, bigay yun ni Clerance bale pinaabot lang. Hindi ka man lang ba nagselos?" this time ako naman ang tumawa.
"Why are you laughing? Am I joke to you?" kahit naka side view siya sa akin kitang kita ko yung pagkunot ng noo niya.
Nakakatawa lang kasi yung sinabi niya na hindi man lang daw ba ako nagselos? Bakit naman ako magseselos sa ganoon aber? E ilang beses niya na akong nabigyan ng chocolates e!
"Yung mukha mo kasi mukhang nagjojoke!" sabi ko sabay tawa. "Ah ganoon?" sabi niya.
I heard his sighed.
Mukhang nainis si Kuya mo.
"Akala ko naman may ipapakilala ka na sakin na girlfriend mo." Pailing-iling na sabi ko "Bakit ba kasi parang mas atat ka pa sakin magka jowa?"
"Nag woworry kasi ako na baka..."
"Baka?" dugtong niya na para bang hinihintay niya yung sasabihin ko.
"Na baka tumanda kang binata!" sabi ko sabay tawa ng malakas, narinig ko din siyang tumawa ng mahina at napailing.
Sinabi ko lang yun kasi nag-aalala ako sakanya, na baka dumating yung araw na magka boyfriend ako e hindi ko na makilatis yung babaeng liligawan niya. Mahirap na no, kapag nasaktan tong best friend ko nako hindi ako magdadalawang isip na saktan din yung babaeng yun! Kaya mas maganda makilatis ko yung pag-uugali nun.
"Alam mo Laine, hindi naman kasi dapat minamadali yung pag gigirlfriend. Tsaka sa totoo lang may hinihintay lang talaga ako. Matagal ko na siyang hinihintay at naghihintay lang talaga ako ng pagkakataon" nagtataka akong tignan siya dahil napansin kong nakangiti siya habang naka deretso ang tingin sa kalsada.
YOU ARE READING
Birthday Gift
General Fiction[COMPLETED] May 20, 2019 ♥•♥•♥•♥ My best friend becomes my boyfriend