Ikasiyam na Kabanata

1.2K 46 0
                                    

Nagkagising ako sa nakakairitang boses na para bang bumubwelo at pag aaray mula sa hardin namin kaya naman magkadugtong kilay kong binuksan ang balcon ng kwarto ko.

At doon ko nakita si Ginoong Danilo na nakapulang longsleeves at pantalon na basang basa na ng pawis dahil sa kakasibak ng kahoy.

"Mang Tasyo, ang sakit na ng likod ko!" Reklamo nya sa hardinero namin.

Tumawa si Mang Tasyo. "Hijo, hindi ka kase sanay. At saka, sabi ko sa iyo ay mag ehersisyo ka muna bago magsibak upang hindi mabigla ang katawan mo."

Nagulat ako nang hubarin ng Ginoo ang kanyang basang basa na pang itaas at ipinaypay sa sarili. Napatago tuloy ako sa kurtina na malapit sa balcon. Doon nya lang ako napansin. Wala sa sariling naitakip nya sa matipuno nyang dibdib ang kanyang damit.

"Magandang Umaga, Binibini!" Bati nya habang nakatalikod na nagbibihis. "Kanina ka pa ba dyan?"

"Ahh, hindi. Kakagising ko lang, Ginoo." Sabi ko.

"Señorita Victoria, tawag ka na po ng Don para sa umagahan." Sabi naman ng kasambahay na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Papunta na ho!" Sigaw ko at nagpaalam na rin kay Ginoong Danilo.

•••

Pagkatapos ng umagahan ay inutusan ako ni Doña Luciana na dalhan ng meryenda ang aming bagong hardinero- si Ginoong Danilo.

"Kumain kana." Bungad ko sa kanya.

"Tsk, tsk. Ang lalaki ng sinibak mong kahoy. Hindi ito kakasya sa lutuan." Sabi ni Mang Tasyo.

"Pasensya na ho." paumanhin ni Danilo at nagsimula nang kumain.

"Kamusta?" Nakangisi kong tanong na ikinaismid  ng mukha nya.

"Di ako susuko!" Pagmamatigas nya at ibinaling nalang ang atensyon sa pagkain.

Kawawa naman ang Ginoo. Mukhang pagod na pagod at gutom na gutom na ito.

"Ako na ang tatapos sa pagsisibak, Ginoong Danilo. Pagkatapos mong kumain ay diligan mo nalang daw po ang buong hardin." Sabi ni Mang Tasyo at nawala din.


Pagod na pagod na nakatingin si Ginoong Danilo sa kabuuan ng aming hardin. Nagsimula na syang umigib ng tubig sa balon.

"Kaya pa ba?" nakangisi kong tanong.

"Wag mo nga akong asarin, Binibini. Basain kita dyan." Nakasimangot nyang sagot.

"Sige nga." Panghahamon ko sa kanya at naghahandang tumakbo papalayo anumang oras.

"Wag mokong subukan, Binibini." Nakabusangot nyang sabi habang hindi ako pinapansin.

"Dali na, Ginoo. Habulin mokooo!" Sabi ko sa kanya at naghandang tumakbo.

Nandun pa rin sya, hinihila ang tali ng balon pataas.

"Ginoo! Habulin moko sabi!" Pangungulit ko sa kanya.

Bigla nya akong hinarap na may malademonyong ngisi. Hawak na nya ang timbang may lamang tubig.

"H-hoy anong gagawin mo--AAAAAAAAAAAA!" Napatakbo ako ng wala sa oras dahil hinabol nya ako.

"Lagot ka sakin!" Sigaw nya habang nasa likod ko. Lintek, kasalanan ko to e.

Habang tumatagal ay lumiliit ang distansya namin hanggang sa hinablot na nya ang braso ko.

"Ayokooo!" Sigaw ko sa kanya habang sinasangga ang timbang ibubuhos nya sana sa akin. Nagtulakan pa kami ng balde kung sino ang mabubuhusan.

Hanggang sa nabuhusan na kaming pareho. Natawa kaming dalawa at naghampasan.

"Magdilig ka na nga ng halaman, Ginoo. Magpapalit na ako ng damit. Kasalanan mo ito e!" Sisi ko sa kanya.

"Pinapahabol mo ko e." Natatawa nyang sagot habang umiiling.

Nagkatinginan kaming dalawa nang may pumatak sa langit. Uulan naaaa!

"Mukhang may gagawa na ng trabaho ko ah? Hindi ko na kailangan magdilig.." Sambit nya habang nakatingin sa langit.

Lumakas na ang simoy ng hangin at bumuhos na rin ang malakas na ulan. Tumakbo na kami papunta sa mansion.

Nagalitan pa kami ni Lucinda, ang kasambahay namin dahil sa basang basa kami. Baka daw magkasakit kami kaya pinagpalit na nya kami ng damit habang inaaasikaso ang mainit na sabaw para sa amin.

Habang kumakain kami ay nagkekwentuhan kami. Sobrang gwapo nya talaga. Ugali lang talaga. Pero nagbabago na rin naman ito habang lumilipas ang araw.

Ibang iba ang ngiti nya ngayon. Makikita ko pa kaya yan ng matagal?

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon