Ikasampung Kabanata

1.2K 55 2
                                    


Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo akong naaawa kay Ginoong Danilo. Hirap na hirap na sya.

Patago akong nakaupo sa may balcon ng kwarto ko habang pinapanood sya na magpastol ng mga alagang hayop namin. Hindi pa naman sya sanay sa pag aalaga ng mga ito.

At habang lumilipas ang mga araw, nag iiba na ang itsura nya na tanda ng hirap nya sa panliligaw sa akin. Umiitim na ang dating malaporselanang kulay ng kanyang balat. Nagkakamasel na rin ang mga braso't hita nya. Nagiging maskulado na rin ang katawan nya.

Naghihirap sya sa babaeng hindi naman sya maaaring sagutin dahil sa utos ng kanyang ama.

Sa totoo lang, nahuhulog na rin ako kay Ginoong Danilo kahit na alam kong limitado lang ang oras ko sa panahon nila. Sino bang hindi? Nasa kanya na lahat. Dagdag pa tong pagiging pursigido nya para sakin. At saka, totoo pala ang kwento sa akin ni Mommy na nag iba ang malademonyo nitong ugali nang makilala nya ang totoong Victoria Luciana.

Paalis kami ngayon ng Don at Doña upang magsimba. Pagdating namin sa simbahan ay sinalubong namin ang sobrang daming tao. Ganito pala karelihiyoso ang mga tao sa panahon na ito. Hindi tulad sa kasalukuyang panahon, magsisimba kalang kapag may bago kang gamit na nais mong ipainggit, o kaya may gusto hingin sa Diyos.

Sa sobrang daming tao ay nabunggo ako sa isang madre. At hindi ako nagkakamali, ito yong tinawag ng Don at Doña  noong akala nila na nasapian ako ng unang araw ko dito. Si Joseee!

Ngumiti sya sa akin at hinila ako palayo sa Don at Doña. Hindi din ako napansin ng mag asawa dahil alam nilang nakasunod ako sa kanila.

"Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" Reklamo ko sa kanya.

Bumagal ng konti ang lakad namin nang makalayo kami sa mga tao. Hinila nya ako paakyat sa kampana ng simbahan. Pagkatapos ay umusok na naman ang katawan nya at nagkatawang lalaki na sya. Ngumisi si Jose sakin at sumandig sa bintana ng kampana.

"Kamusta na, Rebecca?" kalmang tanong nya habang nakatingin sa kabuuan ko. "Mukhang nag eenjoy kana dito ah?"

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Maigi naitanong mo, Binibining Victoria." sarkastikong sagot nya at ngumisi. Tatamaan to sakin ng wala sa oras, nakakairita ang mga tingin at ngisi nya kanina pa.

"Nandito lang naman ako para sabihin sayo na maghanda ka na. Malapit na ang katapusan." Sabi nya.

"Katapusan?" Ulit kong tanong sa kanya.

"Malapit nang matapos ang mga entry sa Diary. Malapit nang mag umaga sa kasalukuyang panahon. Malapit ka nang magising. At malapit kanang masaktan." paliwanag nya.

"Masaktan? Bakit?" Tanong ko na naman. Ang gulo nya.

"Wag mo nang ikaila, Rebecca. Alam kong nahuhulog ka na rin kay Ginoong Danilo." sabi nya.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Talaga naman. Wag mo na ikaila. Nababasa ko ang tumatakbo sa isipan mo. Pero kung ako sa iyo, itigil mo na iyan habang hindi pa malala. Ikaw lang rin ang masasaktan." Sabi nya.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmmm.. Oo. Binabalaan lang kita para di kana masaktan kung sakali. Pero parang gusto mo pang masaktan e." sabi nya. Nagbabago na ang anyo nya. Bumalik na sya sa pagiging Madre. "Paalam na, Binibini." Sabi nya at hinila ang tali ng kampana kaya kumalembang ito at nabingi ako sa lakas. Walanghiyaaa!

Kahit na nabibingi pa ako ay dali dali akong bumaba doon. Maigi nalang na mabilis ako, kundi mahuhuli ako sa kasalanang di ko naman ginawa. Dahil nasalubong ko ang galit na galit na prayle at mga sakristan na patungo sa kampana. Galit na galit ito dahil sa kupal na nagpatunog ng kampana habang oras ng sermon.

"Saan ka galing, Victoria?" Salubong sakin ni Doña Luciana na mukhang nag aalala.

"Wag po kayong mag alala, napahiwalay lang po ako sa maraming tao kaya nawala ako saglit." Sabi ko na mukhang pinaniwalaan naman ng Doña.

Habang nagsesermon ay binabagabag ako ng sinabi kanina ni Jose. Ano mang oras ay maaari akong mawala sa panahong ito at harapin ang umagang papasikat na sa modernong panahon. Sana may oras pa para maihanda ko naman ang sarili ko sa paparating na katapusan.

Habang iniisip ko ang nangyayari ay napatingin ako sa pinto ng simbahan. Naandun si Jose na nakadisguise bilang madre at nakangisi. Kinindatan nya ako bago nag usok ang katawan nya at nawala sa pwesto nya ngayon ngayon lang.

Mas lalo akong kinikilabutan. Tama nga bang itigil ko na ang nararamdaman ko kay Danilo?

•••


Binibining Mia, shabu ka ba? Kase nakakaadik ka talaaagaaa. Idol na idol keetaaaa.

At dahil inspired nya ako, parang gusto ko magsulat about reincarnation ng mga Flores hanggang sa mga Garcia at sa susunod nitong henerasyon. Pero bago yan, abangan nyo ang pangatlong sequel nito. Yeah, sequel.. Super inspired talaga ako ni Binibining Mia aaaAaaaaAaaaa..

Guess whuut? Pupunta si Ginoong Danilo sa ating panahon (2019) yeeey! Ngunit hindi na si Victoria at Rebecca ang makikilala nya! Sasampalin nya tayo ng katotohanan sa makaluma at makabagong panahon! Opsxzc, spoiler! Abaaangaaaan!

Vote and Comment! Looooveeeee!

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon