Ikalabing Isang Kabanata

1.2K 47 5
                                    


"Ayos ka lang ba, Binibini? Mukhang malalim ang iyong iniisip." Tanong sakin ni Danilo. Nagpapahinga sya ngayon dahil kakatapos nya lang mag alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman namin at sunugin iyon.

"Oo ayos lang ako." Kahit na ilang araw na ako binabagabag ng sinabi ni Jose sa simbahan. "Aalis muna ako." Paalam ko at akmang tatayo ngunit pinigilan nya ako.

"Ayos ka lang ba talaga, Binibini? May problema ka ba?" Tanong nya pa. "Mukhang iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw."

Tama sya. Iniiwasan ko sya. Ayoko lang masaktan kapag napahiwalay na ako sa kanya. Malay ko ba kung kasama ko pala sya sa katapusan? Masakit yon.

Hindi ko rin alam kung kelan ang katapusan. Hindi pa ako handa.

"Binibini, may bumabagabag ba sa iyong isipan?" Usisa nya pa.

Tiningnan ko sya sa mata. "Aalis na ako." Sabi ko.

"Wag ka munang umalis, Binibini. Pag usapan natin ang bumabagabag sa iyong isipan. Nandito lang ako para makinig sayo." Nakangiti nyang saad kaya naman napawi ang mga iniisip ko.

"Hindi yon ang ibig kong sabihin, Ginoo." sabi ko at naupo. "Ang ibig kong sabihin ay malapit na akong umalis sa panahon nyo. Malapit na ang katapusan. Malapit na akong makalaya sa panaginip na ito."

Natulala sya sakin saglit.

"H-hindi maaari, Binibini.." Sabi nya nang makabawi na sa mga sinabi ko. "Paano na ako? Paano tong mga paghihirap ko? Paano tong nararamdaman ko?"

"Yon ang problema ko, Ginoo. Ayokong iwan kita sa ere. Lalo na't.. Nahuhulog na rin ako sayo.."

Napatigil sya sa sinabi ko. Kalaunan ay napangiti.

"Gusto mo na rin ako?" Tanong nya na ikinapula ng mukha ko. Bakit ko nga ba nasabi iyon?

"O-oo.." Sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Kung ganon, magkasintahan na ba tayo, Binibini?" Nakangiti nyang tanong.

"A-ano?" Ulit kong tanong.

"Maaari na ba kitang maging kasintahan?" Tanong nya pa.

"Aahhh, eeehhh.."

"Oo nalang." sabi nya at niyakap ako ng napakahigpit. "Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Rebecca. Mahal na mahal kita."

"Ngunit Ginoo, maaari ka bang mangako sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ano, mahal ko." Sabi nya at mas niyakap pa ako ng mahigpit.

"Maaari ba nating ilihim muna ang ating relasyon?" Tanong ko at kumalas ng konti upang makita ang reaksyon nya.

"Bakit, Binibini?" Tanong nya.

"Kasi sa totoo lang, ayaw ng Don sa iyo dahil sa ugali mo. Wag ka sanang magdamdam, Ginoo." nakayuko kong saad.

Huminga sya ng malalim. "Sige, maghihintay tayo ng tamang panahon." Sabi nya habang nakangiti sa akin.

•••

Pagkatapos kong ihatid ang meryenda ni Danilo ay umalis na rin ako. Aalis kasi sila ng mga kasambahay upang mamalengke. Sobrang saya ko ngayon.

He's my first love. My first love came from 1892. Sobrang layo ng agwat namin. Pero kahit anong layo yan, kapag tinamaan kana, wala kanang kawala.

Pero hindi ko akalain na mapapawi rin ang kasiyahan ko pagkauwi ko.

"Saan ka ba galing, Hija? Kanina ka pa namin hinahanap ng ama mo." Sabi ni Doña Luciana.

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon