Ikalabing Dalawang Kabanata

1.1K 44 2
                                    

Kanina pa ako kinukulit ng kasambahay namin upang mag umagahan kasama ang Don at Doña. Ako naman tong panay ang tanggi. Ayoko ngang kumain sa isang mesa na kasama ang mga kaaway ko. Kaya naman wala nang nagawa ang kasambahay kundi dalhin nalang sa kwarto ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain ay patago akong lumabas ng kwarto ko patungo kay Danilo na nasa hardin. Naabutan ko syang pinuputulan ang sanga ng mga halaman namin doon.

"Magandang Umaga, Binibini." Bati nya sa akin nang makita nya ako at nagmadaling inayos ng sarili bago humarap sa akin. "Bakit hindi ka namin nakasabay sa umagahan kanina, Binibini? Nalulungkot pa naman ang Don at Doña."

Wao. May kapal pa pala ng mukha ang mag asawa para pakisamahan pa si Danilo kung gayong ayaw nila dito? At talaga bang nalulungkot sila? Tsk.

"May kailangan akong sabihin sa iyo, Ginoo." Bulong ko sa kanya. "Ngunit nais kong sa pribadong lugar ito sabihin sayo."

Kaya naman pumunta kami sa kwarto ni Mang Tasyo. Dito din sya nagpapahinga minsan.

"Ano ba iyon, Binibini?" Sabi nya habang pinupunasan ang pawis nya sa katawan.

"Nais akong ipakasal ni Ama kay Samuel.." Pagtatapat ko sa kanya.

"A-ano?!" Gulat nyang tanong at humarap sa akin. "P-paano ako? Paano tong paghihirap ko? Paano ang nararamdaman ko?!" Tanong nya sakin.

"Yun na nga e, kaya nag away kami ng Ama at Ina.." Sabi ko. "G-gusto kong m-magtanan tayo.."

Nanlaki ang mga mata nya sa mga nasabi ko. "S-seryoso ka ba dyan, Mahal ko?" Hindi nya makapaniwalang tanong.

"Hindi na ako magtatagal sa panahong ito. Ano mang oras ay maaari na akong magising sa kasalukuyang panahon kaya naman nais kong masulit ang mga panahong kasama kita." Paliwanag ko.

"Ngunit.. maaari tayong mahuli at maparusahan." Sabi nya.

"Pumayag kana, Danilo." Pilit ko sa kanya. "Ayokong magpakasal kay Samuel!"

"Binibini, hindi maaari. Mapaparusahan ako ng batas." Sabi nya.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Pero pursigido akong umalis dito kasama sya. "Hahayaan mo nalang ba akong makasal sa Samuel na yon?"

"Syempre, hindi.." walang alinlangan nyang sabi.

"Edi magtanan na nga tayo!" pilit ko pa sa kanya.

"Wala tayong takas sa batas kapag nalaman nilang tinanan kita. At maaaring mapatay pa tayo kung sakali." Paliwanag pa nya.

Okay, plan B...

Tumayo ako at naghandang lumabas ng kwarto, "Sige. Magpapakasal nalang ako kay Samuel. Hindi na rin naman ako magtatagal sa panahon nyo."

Makonsensya ka please, Danilo..

Aalis na sana ako sa kwarto ng magsalita sya.

"Pipilitin ko ang ama mo, Binibini. Pero kung hindi sya papayag, itatanan talaga kita." desidido nyang sabi sakin.

"Salamat.." Sabi ko nang hindi humaharap sa kanya.

"Pupunta muna ako kay Ama. Ako na ang bahala." sabi nya bago umalis.

•••


Pagabi na at napaparanoid na ako. Ano kaya ang ginagawa ni Danilo? Shit. Baka sinabi nito na ipinagkasundo na sya. Sana hindi..

Nakatambay ako ngayon sa terasa ng kwarto ko nang may matanaw akong sosyal na karwahe at papasok sa tarangkahan ng mansyon namin. At hindi ako nagkakamali, karwahe ito ng Gobernador-Heneral!

Mas lalo akong nataranta nang kumatok ang kasambahay namin upang pag ayusin ako dahil sa pagdating ng Gobernador-Heneral.

"ISANG MAGANDANG GABI SA IYO, BINIBINI." Bati ng Gobernador-Heneral sa akin nang dumating kami sa hapag. Tumawag pala ito kanina upang kamustahin ang panliligaw ng anak nya. Nandoon din si Danilo na mukhang inoobserbahan ang Don at Doña.

Nagdasal muna kami bago kumain..

"Kamusta naman ang panliligaw ng anak ko, Don Francisco?" tanong ng Gobernador-Heneral. "Sana naman ay nanliligaw syang mabuti."

"Magaling naman sya, Gobernador-Heneral." sabi ni Don Francisco na mukhang plastik. Haller, alam ni Danilo ang pinagagagawa mo.

"Hmmm.. Ganoon ba?" Sabi ng Gobernador-Heneral. "Kung ganoon, bakit hindi nalang natin ipagkasundo ang ating mga anak? Doon naman din yun tutungo, hindi ba?"

Nawalan ng kulay ang mukha ni Don Francisco at hindi nakaimik.

"Sang ayon naman yata ang Binibining Victoria, hindi ba??" Tanong ng Gobernador-Heneral.

Pinapatango naman ako ni Ginoong Danilo na kanina pa ako kinakalabit upang tumango.

"Tumango ka, ito nalang ang pag asa natin.." mahinang bulong sakin ni Danilo.

Nakapikit akong tumango. Pag mulat ko ng mga mata ko ay natigilan si Don Francisco at Doña Luciana.

"Ayun naman pala e, balae." nakangiting sabi ng Gobernador- Heneral.

Ayoko na yatang tumingin sa Don at Doña. Mukhang mag aaway na naman kami nito mamaya. Get ready self..

Buong hapunan namin ay nag usap ang Don at ang Gobernador-Heneral tungkol sa magiging kasal namin ni Danilo. Mukhang napipilitan lang na sumagot si Don Francisco.

Hanggang sa natapos ang hapunan at kailangan na magpaalam ng Gobernador upang umuwi na. Hinatid namin ito sa pinto ng mansyon.

"Oo nga pala, balae.. Sa pamamanhikan nalang namin bukas natin pag usapan ang iba pang detalye ng kasal.." Sabi ng Gobernador- Heneral.

"Sige po, Ginoong Gobernador-Heneral." sagot naman ng Don. "Magandang gabi sa iyo. Mag ingat ka sana sa iyong paglalakbay."

"Sige. Salamat!" Sabi ng Gobernador-Heneral at pumasok na sa karwahe.

Nagpaalam na rin si Danilo na matutulog na sa kanyang silid kaya umalis na rin ito. Akmang aalis na ako nang marinig ko ang maawtoridad na boses ng Don.

"Mag uusap tayo sa opisina ko, Victoria." maawtoridad na saad ng Don.

Nanghihina na ang tuhod ko. Patay..

•••

Hi sa  mga nabitin sa "Magkaibang Panahon"! Magbasa basa kase kayo dito sa "Ang Diary ni Lola"! Pampawi bitin hihi.

Hmmmm.. Gusto nyong teenfic? Kase may sinusulat ako nong story since i was grade 7. Poteeek! Ang jeje hahaha. Comment nalang kayo dito kung gusto nyong basahin ahihi.

PS: Mala He's into Her haha!

Vote and Comment!

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon