Ikalabing Tatlong Kabanata

1K 42 0
                                    

Kulang nalang ay lumabas na ang puso ko sa ribcage ko sa sobrang kaba habang binabagtas ang daan papunta sa opisina ng Don. Grabe.. Ano kaya ang pag uusapan namin?

Malamang yong katangahan ko kanina..

Nasa harap na ako ngayon ng opisina ng Don at nakikipagtitigan sa pinto nito. Papasok ba ako o hindi?

"Pumasok kana, Victoria. Huwag mokong hintayin na kaladkadin kita papasok."

Napaigtad ako sa gulat nang magsalita ang Don mula sa loob ng opisina. Syet, mahihimatay yata ako sa kaba. Bahala na!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna sa loob nito. Nandito ang Don at Doña na nakaupo.

"Pumasok kana, dalian mo." Pilit na kinakalma ng Don ang boses nya. Mukhang nagpipigil ito ng galit.

Dahan dahan akong pumasok ng silid habang nakayuko.

"Ano ba ito, Victoria? Hindi ba't nag usap na tayo na hindi ka maaaring mahulog at magpakasal sa lalaking iyon?" Gigil na panimula ni Don Francisco.

Hindi ko alam ang isasagot. Im not planning to fall inlove with him, but my heart did.

Hindi ko alam. Nafall na siguro ako sa sweet gestures nya minsan kahit na medyo mayabang sya.

Nagpigil naman ako e, kaso malakas sya.

Nafall ako sa kanya kahit na halos isang buwan pa lang ako dito. Well, hindi naman basehan yon. Kapag tinamaan kana, tinamaan kana.

"Ano? Paano na to? Paano na ang mga Dela Cruz?!" Sarkastikong tanong ni Don Francisco.

Nanggigil ako nang mas inalala nya pa ang mga Dela Cruz na iyon.

"Diyosmiyo, paano naaa?" Tanong nya sa akin.

"Tumanggi kana po sa mga Dela Cruz." Mahina kong tugon.

"T-tanggi? Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Victoria?" sarkastikong tanong nito.

Mas lalo akong nanggigil..

"Bat naman kasi nakipagkasundo ka sa kanila ng hindi ko gusto ha?" Sagot ko sa Don.

"Anak, wag mong sagutin ang Ama mo!" Saway ni Doña Luciana.

"Hindi nyo man lang inisip ang mararamdaman ko.." Patuloy ko pa.

"Para naman sa iyo yun e! Mas sigurado akong hindi ka lolokohin ni Samuel! Bakit, ano bang ipagmamalaki ni Danilo, ha?" tanong ni Don Francisco.

"Nagbago na si Danilo, Ama. Hindi na sya yong dati na kilala nyo." Paliwanag ko pa.

"Nagbago? O nagbago lang para magustuhan mo ngayon?" Hamon ng Don.

Hindi ako nakasagot. Pero alam ko sa sarili ko na nagbago na talaga si Danilo.

"Paano na natin lulutasin ang problemang ito ha?" Tanong pa nya.

"Tumanggi na nga kayo sa mga Dela Cruz.." Sabi ko.

"Tatanggi? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba ang maaaring mangyari kung gagawin mo iyon? Hindi kana sisinagan ng araw!"

"Edi ako ang gagawa! Ako ang tatanggi kay Samuel upang hindi na sya makapag reklamo sa inyo tutal ako na ang umayaw." sabi ko.

"Paano na ang reputasyon mo? Gusto mo bang pag usap usapan ka ha?!"

"Wala na po akong pakialam. Basta, ayaw nyo man o hindi.. Gusto ko si Danilo. At wala na kayong magagawa pa." Matigas kong tugon at nilisan ang opisinang iyon.

Pagkalabas ko ng opisinang iyon ay idinikit ko ang tenga ko sa pinto nito upang pakinggan ang magiging reaksyon ng Don at Doña.

"P*t*ngina, ayokong mapunta ang anak natin sa lalaking iyon." Mahina ngunit naririnig kong sambit ng Don.

"P-paano na ang mga Dela Cruz? Paano na ang Gobernador-Heneral?" nag aalalang tanong ng Doña.

"Kailangan nating---" hindi ko na narinig ang plano  ng Don nang may humila sa akin at hinila ako papasok sa kabilang silid.

Si Danilo pala..

"Ano ang mga pinag usapan nyo, Binibini?" Tanong nito sakin.

Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa silya na pinakamalapit sa akin.

"Sumang ayon sya sa Ama mo kahit na labag sa kalooban nya. Namomroblema ngayon sya kung paano tatanggi sa mga Dela Cruz." Paliwanag ko. "Pasensya kana ha?"

Natawa lang ng sarkastiko si Danilo at umiling iling.

•••

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon