Pinasuot ako ng pinakamagandang saya ko. Ngayon mamamanhikan sina Danilo at ang Gobernador-Heneral. Kailangang presentable ako sa pamanhikan.Lihim lang ang pamanhikan na gaganapin sa hapag namin na kasalukuyang inaayos. Mahirap nang ibunyag, baka kumalat sa bayan, may atraso pa kami sa mga Dela Cruz.
Pinapalitan ng mamahaling kurtina ang mga kurtina sa mansion. Iniiba na rin ang pagkakaayos ng mga gamit. Busy na busy ang mga tao ngayon.
Ngayon ko lang to naisip. Hindi ba't sabi ni Samuel, kapag naipagkasundo ang dalawa upang ikasal, ibig sabihin ay kasintahan mo na ito? Edi jowa ko na pala silang dalawa? Ang two timer ko naman.
"Binibining Victoria, ipinapatawag kana po ng Don. Nakarating na po sa ibaba ang Gobernador-Heneral at si Ginoong Danilo." Sabi ng katulong na nasa pinto ng kwarto ko.
"Susunod na po ako." Sabi ko at dali daling nilagyan ng mga palamuti ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.
Ano na kaya ang nakasulat sa Diary? Malapit na ba talaga ang katapusan? Malapit na ba talaga akong umalis sa panahong ito? Bakit kung kelan napapamahal na ako sa kanila saka ko kailangang umalis?
Pagbaba ko ng hagdan namin ay nandun si Danilo, hinihintay ako at may hawak ng isang kumpol ng mga puting rosas. Inabot nya ito sa akin at iginiya sa hapag. Ipinaghila nya pa ako ng upuan.
Halos lumuwa ang mata ko sa mga dala nilang pagkain sa amin. Ilan lang kami dito sa bahay? Halos lima lang pwera sa mga kasambahay. Tas yong pagkain namin, pwedeng sakupin ang kapitbahay!
Nagsimula na kaming kumain habang pinag uusapan ng dalawang nakakataas tungkol sa magiging kasal namin. Mukhang napipilitan sumagot ang Don.
"Gusto ko sanang sa Espanya ikasal at patirahin ang mga anak natin, Don Francisco." suhestiyon ng Gobernador-Heneral.
Biglang sumingit si Doña Luciana. "Hindi po ba maaaring dito nalang? Nais ko sanang makasama pa rin ang anak ko, kahit bisi-bisita lamang sa magiging bahay nila, Balae."
Hoy wag nyo naman akong dalhin sa Spain! Paano ako babalik sa kasalukuyang panahon?
"Saan nga pala sila titira kung sila ay naikasal na?" Tanong naman ng Don.
"Kung hindi kayo sang ayon na mapalayo ang unica hija nyo sa inyo,may bahay ako na malapit lang sa Malacañang, Balae. Ang bahay na iyon ay nakareserba para sa anak ko kapag nagpakasal na sila. Doon sila titira." Paliwanag ng Gobernador-Heneral.
Nakahinga naman sila ng maluwag. Nagpatuloy kaming kumain at pinag usapan ang magiging kasal.
"Nais ko sanang isang buwan mula ngayon ang takdang araw ng kanilang kasal, upang maturuan ko pa ang unica hija namin ng mga gawain ng isang may bahay." Suhestiyon ng Doña ka ikinamula ko naman. Asang asa naman kayooo na tatagal kami ni Danilo? E malapit nang mag expire ang time ko dito sa panahon nyo.
"Maaari na rin, Balae.. Kung enggrande ang kasal at kung enggrande din ang magiging traje de boda ng Binibining Victoria." sang ayon ng Gobernador.
Marami pa kaming napag usapan tungkol sa magiging kasal. Nakasama nga dito ang tungkol sa pagkakaanak namin.
Si Danilo naman ay patawa tawa. Akala mo naman magpapaanak ako sa kanya? In his dreams..
Pagkatapos ay ihinatid na namin ang mag ama. Napagkasunduang hanggang bukas na lang kami maaaring magkita at sa mga susunod na araw ay hindi na maaari.
Nauna nang umakyat ang Don at Doña sa itaas. Ngunit narinig ko ang kanilang usapan sa opisina kaya naman napatigil ako at nakinig.
"Luciana, bakit naman sang ayon ka sa mga sinasabi ng Gobernador-Heneral? Hindi bat kay Samuel natin siya ipapakasal?" Tanong ni Don Francisco.
"Francisco, mahal na ng anak natin si Danilo. At mukhang nagbago naman na talaga ang binatang iyon. Bakit hindi nalang natin hayaan ang dalawa?" sagot ng Doña na ikinaantig ng puso ko. Iloveyou na po, Doña Luciana.
"Nalinlang lang kayo ng lalaking iyon!" Pagalit na sigaw ng Don. "Kung ganoon, paano ang mga Dela Cruz?!"
"Mukhang tama nga si Victoria, dapat hinayaan natin sya ang pumili at hindi tayo. Kaya nagkakaproblema." sabi pa ng Don.
Narinig ko ang mga yabag nito papalapit sa pinto kaya naman mabilis akong tumakbo sa silid ko at mahinang sinara ang pinto ko. Narinig kong papalapit na ang mga yabag at tumigil ito sa pinto ko. Sinundan pa ito ng mga mahihinang yabag na mukhang yabag ng Doña. Maya maya ay may kumatok na sa pinto ko.
"Bukas iyan." kinakalma ko ang boses ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.
Pumasok ang mag asawa habang ako naman ay nakaupo sa upuan na malapit sa terasa ng kwarto ko.
"Ito nalang ang tanging solusyon.." Sambit ng Don na mukhang desperado na.
"Po?" patay malisya kong tanong.
"Anak, iempake mo ang iyong mga damit. Sa Laguna ka na muna manirahan.." Sambit ng Don.
"Nababaliw kana ba, Francisco?!" sigaw ni Doña Luciana. "Tatakasan mo sila? Bat hindi mo nalang hayaan ang anak natin at magparaya?!"
"Magbabakasyon lang naman sya doon, Luciana. Aayusin ko lang tong mga problema natin." Paliwanag ng Don. "Mag empake kana, anak. Aalis ka bukas ng umaga."
"Ngunit hindi ba't huling araw namin ni Danilo bukas bago magsimula ang isang buwang hindi pagkikita?" Tanong ko.
Natigilan ang Don pero pumayag din. "Oo nga pala. Sa sunod na araw kana pala bumayhe."
"Salamat po, magandang gabi." Sabi ko at humalik sa mga pisngi nila bago sila umalis ng kwarto ko at magtungo sa kanilang mga silid.
Ang gulo na ng buhay ko. Hays.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Tarihi KurguRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...