Ikalabing Anim na Kabanata

1K 38 5
                                    


Alas sais ng umaga ay nakasakay na kami sa kalesa patungong sakayan ng barko papuntang Laguna upang mabilis ang byahe. Ewan ko ba, ang desperado na ng Don na paalisin ako at dalhin sa Laguna.

"Mag iingat ka, Victoria." Sambit ng Don nang nandito na kami sa daungan.

"Mag iingat ka anak. Nandyan naman si Lucinda upang gabayan at pagsilbihan ka habang nasa byahe." Sabi ng Doña at hinalikan ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

Nauna na si Lucinda upang iakyat at hanapin na ang magiging kwarto namin sa barko.

Tatalikod na sana ako sa kanila upang umakyat na sa barko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Victoria! Aalis ka?" Malungkot na tanong ni Ginoong Danilo na nandito din pala sa daungan.

"Oo e," maikli kong sagot.

"Huwag kang mag alala, Danilo. Babalik din ang anak ko. Magbabakasyon lang sya sa kanyang Lola sa Laguna bago kayo ikasal." Sagot ni Don Alejandro na sinungaling.

Malungkot pa din ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Basta, ipangako mo sa akin na susulat ka." Sabi nya sa akin.

"Oo, magsusulatan tayo habang nasa malayo ako." pangako ko sa kanya upang hindi na sya malungkot.

"Paalam." Sambit nya at niyakap ako ng madali.

"Paalam." Sambit ko din sa kanya.

"Binibining Victoria, halika na't aalis na ang barko sa loob ng tatlong minuto!" Sigaw ni Aling Lucinda na nasa itaas ng barko.

Nagwave ako sa kanila bago ako umakyat sa barko.

Sana maging maayos na lahat pagbalik ko dito..

Don Francisco's POV

Kakauwi lang namin sa mansyon ni Luciana nang makita namin si Don Gabriel sa aming silid tanggapan.

"Magandang Umaga, Don Francisco at Doña Luciana." Bati nito habang sumisimsim ng tsaa.

"Magandang Umaga din sa iyo, Don Gabriel. Mawalang galang na, ngunit maaari ko bang malaman ang iyong sadya?" wika ko sabay upo sa pang isahan na sopa.

"Nais ko lang malaman kung nasaan ang munting binibini ngayon. Nais sana ni Samuel lumabas kasama ang binibini." Wika nya na ikinalamig ng mga kamay ko.

"A-ah.. Hinatid namin si Victoria sa daungan." Sabi ko.

"Bakit? Saan ba tutungo ang binibini?" Tanong pa nito.

"Magbabakasyon sa kanyang Lola bago ikasal." Maikling paliwanag ko.

"Ganoon ba, Don Francisco? Sige, ipapaalam ko sa anak ko kung ganoon." Sabi ni Don Gabriel. "Ngunit maaari ko bang tanungin kung ano itong kumakalat?"

T*ngina..

"Nabalitaan ko kasing lumabas sila Binibining Victoria at Ginoong Danilo kahapon. Hindi ba't hindi iyon maaari dahil ipinagkasundo na sya sa anak kong si Samuel?"

Mas lalong nanlamig ang kamay ko na hinawakan naman ng asawa kong si Luciana.

"Ganoon ho ba, Don Gabriel? Ngunit ang paglabas na iyon ng Ginoo at Binibini kahapon ay hanggang pagkakaibigan lamang. Matalik silang magkaibigan ni Ginoong Danilo." Paliwanag ni Luciana na ikinaluwag  ng paghinga ko.

"Ganoon ba, sige. Yun lamang ang sadya ko dito." sabi nya at tumayo na. Sinamahan ko syang pumunta ng tarangkahan ng mansyon. Saktong kakadating lamang ng kalesa na susundo dito.

Nagpaalam na ito at sumakay sa kalesa at umalis na.

Bubuksan na sana namin ang tarangkahan ng mansyon nang may tumigil na naman na karwahe sa tapat namin.

Bat ba parang kinokonsensya na ako. Sunod sunod ang dating problema ko ngayon. Una si Don Gabriel. Ngayon naman ang Gobernador-Heneral.

"Magandang Umaga, Don Francisco at Doña Luciana. Nariyan ba ang anak ko?" Tanong nito mula sa bintana ng karwahe.

"Wala ho, Balae." Ngiti ng asawa ko sa kanya. "Ngunit nakita namin sya nang ihatid namin sa daungan ang anak namin."

"Bakit, Doña Luciana? Saan papunta ang munting Binibini?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Sa Laguna, balae. Tuturuan sya ng gawaing bahay ng kanyang lola bago ikasal kay Ginoong Danilo."

"Ganoon ba? Magaling.." Ngiti ng Gobernador-Heneral. "Ngunit hindi nyo ba sya napansin kung saan sya pupunta? Kailangan ko sya ngayon."

"Hindi na, balae. Nagpaalam na rin kasi kami pagkasakay ng anak ko sa barko." Paliwanag pa ni Luciana.

"Ganoon ba? Salamat.." Sabi nito at pinaandar na ang karwahe.

Binalingan ako ng masamang tingin ni Luciana. "Mag usap tayo sa opisina mo."



"NAKITA mo na, Francisco? Nakita mo na ang mga kamalian mo? Dapat talaga sinunod natin si Victoria!" Sigaw nya sa akin pagkapasok namin ng opisina ko.

"Gusto ko lang namang mapabuti ang anak natin, mahal ko." Suyo ko sa kanya.

"Sa sobrang kagustuhan mong mapabuti ang anak natin ay napahamak tayo!"

"Paano na yan, Francisco haa? Paano na yan?"

"Kailangan nating mamili sa dalawang lalaki." nakapikit kong sagot.

"Kay Danilo ako.." Sagot nya. "Hindi natin hawak ang puso nya. Hayaan nating sya ang magdesisyon kung sino ang mamahalin nya. At si Danilo iyon diba?"

"Kailangang pauwiin natin si Victoria upang tanggihan si Samuel." sabi ko. "Hindi na makakapilit si Samuel kung si Victoria na mismo ang tumanggi."

"At hindi na tayo aangal pa dahil sya na rin ang nadesisyon."

Nagpaparaya nako..

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon