A/N: halaaaa.. Malapit na pala ang katapusan :o
Nakahilig ako sa balikat ni Danilo habang nakatambay kami dito sa duyan ng mansyon nila sa Bicol.
Hinawakan nya ang braso ko ngunit natigilan sya at sinuri ang braso ko. "Ano ito, Victoria? Bakit may pasa pasa ka sa braso?" Nag aalalang tanong nya.
Nakita ko ngang may mga medyong kalakihan na mga pasa sa mga braso ko. Nangingitim na.
"Ano bang pinaggagagawa mo? Ano ito? Sinasaktan mo ba ang sarili mo?" Tanong pa nya.
"Hindi ko alam kung saan galing ito, Danilo. Hindi ko naman sinasaktan ang sarili ko." Sabi ko pa.
"May malubha ka bang sakit? Namumutla ka din o? Gusto mo bang magpatawag tayo ng doktor?" Tanong pa ni Danilo.
Halaa.. Ano to? May anemia ba ako?
"Saglit lang.." Sabi ko at pumasok sa mansyon at iniwan sya sa duyan. Nagtungo ako sa silid ko at sinarado ang pinto.
Hinubad ko ang suot kong saya. Nagulat din ako nang may makita rin akong pasa! Saan galing tooo?
Hindi na ako lumabas ng kwarto simula noong makita ko ang mga pasa sa katawan ko. Hindi ko alam. Nawawalan na ata ako ng gana. Feeling ko mamamatay na ako dahil sa mga pasang ito.
Kanina pa ako kinakatok ng kasambahay namin upang kumain. Kahit si Danilo ay hindi ko pinapansin. Hindi ko alam, saan ba kase galing itong mga pasa na ito. Feeling ko bilang nalang ang oras ko.
Habang naghahalungkat ako ng damit ko sa aking maleta, nakita ko ang Diary na bigay ni Jose.
Oo nga pala, hindi ko na nabababasa ang mga entries nito. Medyo matagal na rin ang last na pagbasa ko. Ano na kaya ang mga mangyayari?
Binuklat ko sa pinakahuling pahina ang diary habang binabasa ang mga previous entries nito.
Lumalabas na ang senyales ng katapusan..
Ang pinakahuling nakasulat sa bagong entry ng diary. Unti unti itong nagiging abo at nawawala.
Katapusan ko na talaga..
"Victoria, halika na. Kakain na. Kanina ka pa hindi kumakain." Sabi ni Danilo at binuksan ang kwarto ko. May dala syang tray na may mga pagkain.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Victoria? Anong nangyayari?" Tanong ni Danilo ngunit binalewala ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain.
"Kausapin mo naman ako, Victoria. Sumagot ka naman pakiusap. Para akong may kausap na multo." Sabi pa nya pero hindi ko pa din sya kinakausap.
"Victoria, pakiusap. Ano ba ang nararamdaman mo? Sagutin mo naman ako. Nag aalala na ako." Sabi pa nya.
Ano kaya ang magiging reaksyon nya kung malaman nyang bilang nalang din ang araw ko sa mundong ito? Pwera sa panahon nila.
"Danilo, malapit na ang katapusan.."
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...