Ika Dalawampu't Anim na Kabanata

1K 45 10
                                    

"Oye, ¿te manejarás con cuidado? ¿Son hijo de puta!" (Hey! Will you please handle her with care? You son of a bitch!) reklamo ni Danilo sa dalawang guardia civil na nakahawak sa akin.

"No hay un tratamiento especial aquí a menos que el señor Samuel nos ordene." (No special treatment here unless Mister Samuel commands us.) sagot ng isang guardia civil.

"Por favor? ¡Maníla con cuidado! Mi esposa está enferma, no lo entiendes, estúpido?" (Please? Handle her with care! My wife is sick, dont you get it, stupid?) Nangangalaiting sigaw ni Danilo sa dalawang guardia civil.

"¡Cállate! ¡Esta chica no es tu esposa! ¡Esta es la esposa de nuestro jefe!" (Shut up! This girl isn't your wife! This is our boss's wife!)

Natahimik kami sa pag aaway nang dumating si Samuel.

"Totoo ba ang narinig ko? May sakit ka, Victoria?" Nag aalalang tanong ni Danilo.

"Oo, may sakit ako, Samuel! Kaya pakawalan mo na nga kami! Tigilan mo na kami!" sigaw ko pa sa kanya at sinusubukang kumawala sa pagkakahawak ng mga guardia civil.

Nagbago ang naaawang ekspresyon nya sa pagiging masamang ekspresyon.

"Di ko kayo titigilan. Di ko hahayaang maging masaya kayo samantalang ako ay nagdurusa." Matigas na wika ni Samuel sa mukha ko at iniwas ang mukha nya pagkatapos nyang sabihin iyon.

"Pero pwede din," sabi pa nya habang naglalakad lakad sa harapan namin. "Sa isang kondisyon.."

"Ano? Sabihin mo bilis!" Sigaw ni Danilo.

"Pero mukhang hindi kayo papayag e." Sabi pa nito at nagsindi ng tabako.

"Ano nga?! Hindi namin malalaman kung hindi mo sasabihin! Estupido!" Sigaw pa ni Danilo at pinipilit na makawala sa mga guardia civil na may hawak sa kanya.

"Ititikom mo yang bibig mo o papasok sa utak mo ang bala ng baril kong ito?" Napupunong tanong ni Samuel.

"Malakas ka lang dahil may alagad ka!" Buwelta pa ni Danilo pero sinaway ko na sya.

"Wala akong pake sa sinasabi mo, Danilo." sabi pa ni Samuel. "Pero sa isang kondisyon lang talaga, tatahimik na ang buhay nyo."

"Ano ba kase yon?" naiinis na sigaw ni Danilo.

"Magpakasal ka lang sakin. Ganon lang kasimple yon. Tatahimik na ang buhay nyo." Sabi ni Samuel habang humihithit ng tabako.

"Nako, Samuel. Mukhang malabo atang mangyari yan." sarkastikong sagot ni Danilo. "Kahit tugisin mo pa kami kung saan saan, walang kasalang magaganap sa pagitan nyo."

"Edi wala. Magiging miserable naman ang buhay nyo." Sabi ni Samuel. "Pero kung sakaling gusto nyo nang matahimik, ang kondisyon ko ay nandyan lang."

"Ikulong na sa unang kwarto si Danilo! Siguraduhin nyong walang makakaalam na bihag natin sya ngayon!" Utos ni Samuel sa mga guardia civil nya.

"Señor Samuel, paano naman po itong si Binibining Victoria?" tanong ng isang guardia civil na nasa tabi ko.

"Dalhin sya sa kwarto ko. Mag uusap kami." matigas na utos ni Samuel na ikinagulat namin ni Danilo.

"Nababaliw ka na talaga, Samuel! Hindi maaari!" sigaw ni Danilo at mas nagpumilit pang makawala sa mga guardia civil.

"Hindi moko makokontrol, Danilo. At huwag kang mag alala, mag uusap lang kami. Wala na kaming gagawin pang iba." Sabi pa ni Samuel at ipinag utos na nyang ipasok si Danilo sa kabilang kwarto.

Hinampas ng guardia civil ng mahabang baril ang tuhod ni Danilo dahilan upang mawalan ng balanse si Danilo at hindi na makapalag pa.

Habang ako naman ay hinawakan ng guardia civil patungo sa kwarto ni Danilo. Hindi talaga ako magdadalawang isip tumalon sa bintana ng kwartong iyon kung sakaling may gawin si Danilo. Knowing him, baliw na sya.

Tinulak ako sa kama ng dalawang guardia civil at sinarado ang pinto. Niyakap ko ang sarili ko na nanginginig dahil sa takot.

Maya maya ay bumukas na ang pinto ng kwarto. Nakakatakot tingnan si Danilo nang pumasok ito. He's a psycho.

"Ano, nakapag isip ka na ba, Victoria?" seryosong tanong ni Samuel habang naghihithit ng tabako.

Buong tapang kong hinarap si Samuel. "Hindi na magbabago ang isip ko, Samuel! Hayaan mo na ako!"

"Walang mangyayaring kapayapaan.Hindi yan mangyayari hanggat di mo ako pinapakasalan. Hinding hindi iyan mangyayari. Tandaan mo."

•••

Dapat nakapublish na ang Kabanata 23-25 noong Lunes ihh! Ang hina nga lang ng hotspot :'(

Sana mapublish ito into a book after 2 years :) bibilhin nyo kaya?

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon