Long chapter ahead.Enjoy reading :)
Alas onse y medya na ng gabi, at kailangan ko nang maghanda upang makaalis dito sa bahay ng mga Dela Cruz.
Napag usapan namin ni Jose na kokontrolin nya lahat ng bantay sa bahay at maghihintayan sa lupain ng mga bulaklak namin sa mansyon.
Tulog na tulog na sina Samuel at mga kasamabahay at mga guardia civil. Naglagay naman si Jose ng hagdan dito sa ibaba ng bintana ko upang makatakas.
"Pumunta ka na sa inyo. Heto ang pamasahe mo! Sa likod ka ng mansyon dumaan ha? Hindi ka maaaring makita ng Don at Doña!" paalala no Jose sa akin.
"T-teka? Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Hindi nila pwedeng malaman ang tunay mong katauhan. Hindi nila pwedeng malaman na hindi ikaw si Victoria, Rebecca."
"P-pero.."
"Wala na tayong oras, Rebecca. Humayo kana! Kailangan ko nang maitakas si Danilo!" sabi nya at ipinagtulakan ako sa kalsada sa harap ng bahay ng mga Dela Cruz.
Pumara na ako ng kalesa kahit na labag sa loob kong lumisan doon nang hindi sila kasama.
Nagpababa nalang ako sa kabilang kalye kung saan ang likod ng mansyon namin. Maigi nalang mababa lang talaga ang bakod at kayang kaya kong akyatin.
Palihim akong pumasok sa taniman namin ng bulaklak at nagpahinga sa gitna nito upang hindi ako makita ng mga guardia civil namin ng mansyon.
Mamimiss ko dito. Mamimiss ko din ang mga tao sa panahong ito. Hindi ko sila makakalimutan dahil minsan na rin silang naging parte ng buhay ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may narinig akong kaluskos. Mukhang may paparating na tao mula sa likod ng mansyon!
Nagulat ako nang makita ko si Jose at ang nanghihinang si Danilo. Punong puno ng sugat ang katawan nya at hinang hina. Maputla din sya at magulo ang damit. Sa lagay nyang yan ay parang ayoko munang umalis. Di ko yata kayang iwan sya ng ganyan ang kalagayan nya.
"M-mahal koo!" sigaw ni Danilo habang pilit na tumakbo kahit hinang hina at niyakap ako. "Ayos ka lang? Sinaktan ka ba ni Samuel?"
Nag unahang bumaba ang mga luha ko nang maaninag ko ang itsura nya. "A-ayos ka lang ba, Danilo?"
"Ayos na ako basta't makita kong nasa mabuti kang kalagayan." sabi pa nya at hinalikan ako sa noo.
Nakita ko naman si Jose na nakatingin sa amin. Bumaling din sa kanya si Danilo.
"Salamat nga pala Jose sa pagtulong sa amin ha?" sabi ni Danilo.
Tumango lang si Jose sa amin. "Walang anuman iyon, Danilo. Sya nga pala, may nais sayong sabihin si Rebecca."
Bigla kong naalala ang mga sasabihin ko. Ngunit ayoko pa.
"Ano yon, mahal ko?" tanong nya pa sa akin.
Sasabihin ko ba o hindi? Ayoko nang umalis sa panahong ito.
"Alam kong nagdadalawang isip ka ngayon, Rebecca. Ngunit mas maganda kung sasabihin mo na." sabi pa ni Jose.
"Ano ba kase yon, Jose?" naguguluhang tanong ni Danilo.
"Ahmm, Danilo.. Hayaan mo na yon. Wag mo nang isipin yon." pag iiba ko ng pinag uusapan.
"Rebecca, sabihin mo na! Nauubusan na tayo ng oras! Malapit na mag alas dose!" nagagalit na sigaw pa ni Jose.
Wala na talaga akong magagawa. Hanggang dito nalang siguro kami. Hanggang dito nalang ata ang kwento namin..
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...