Danilo's POVPagkatapos ng pag uusap namin ni Doña Luciana at Don Francisco ay dali dali kong binili ang mga pinapabili ni Ama at naglakad na lamang pauwi.
Sa paglalakad ko pauwi ay nagulat ako nang may sumabay sa akin na madre. Panigurado si Danilo ito na nasa impostor nyang kaanyuan ngayon.
"Kamusta kana, Danilo? Kasal na si Victoria." tanong nito habang naglalakad kami.
"Kailangan ko bang magluksa, Jose? Halos lahat nalang ata ay tinatanong ako kung ayos lang ba ako." reklamo ko sa kanya.
Hindi sya umimik noon at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Sa paglalakad namin ay nadaanan namin ang bahay ng mga Flores.
Ikukulong ko nalang siguro ang sarili ko sa nakaraan namin ni Rebecca.
"Jose," pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan na nabuo sa pagitan namin.
"Ano?"
"Maaari ba akong humiling?" usal ko habang nakatingin sa bahay ng mga Flores at tumigil sa harap nito.
"Ano yon?" tanong ni Jose.
"M-maaari bang patigilin mo ang oras.." tanong ko.
"Bakit? Ano ang nais mong gawin?" tanong naman ni Jose at tumingin sa akin.
"Nais kong patigilin ang oras.. At putulin na ang sumpang nasa litrato namin. Ayoko nang may sumunod pa." paliwanag ko.
"Masusunod." maikling tugon ng Jose at pinikit ang mata.
Maya maya ay dahan dahan nang tumigil ang paligid. Kung saan kami lang ang malayang nakakagalaw.
Nanguna sa paglalakad papasok si Jose. Pinapikit nya ang mga guardia civil na nakabantay sa tarangkahan. Habang ang mga kasambahay namang nakakasalubong namin ay pinapikit nya rin. Umakyat na kami sa ikalawang palapag ng mansion.
Hinanap ko ang kwarto ni Victoria at tinungo ang aparador nito. Kinuha ko ang may sumpang kwadra ng litrato at binasag yon. Inilabas ko sa kwadra ang litrato at pinunit punit iyon hanggang sa pinakamaliit na piraso nito.
The end.
(07/12/19)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...