Tahimik lamang kami ni Ginoong antonio sa loob ng kwarto na iyon. Medyo akward nga dahil pareho lang kaming nakatitig sa kung saan. Niayaw nga naming magkatinginan kami, nakakailang. Tahimik itong nakaupo sa may sofa habang nakadekwatro pa samantalang ako naman ay naka indian sit pa sa taas ng kama.
Nakabusangot pa din ang aking mukhang. Hindi ko alam kunh bakit ako naiinis pero galit talaga ako sa kanya dahil nandito siya sa lugar na ito. Nagagalit ako on behalf of celestina agoncillo.
"Antagal naman ng mga kasama mo" sabi ko sabay higa sa kama.
Bagot na bagot na ako at the same time ay ngawit na ngawit na. "May pagkain dito binibini. Gusto mo bang kumain?" Tanong niya sa akim sabay offer nung mga pagkaing pang insik na ibinibigay nila sa tuwing may magchecheck in.
Grabe, nagulat din ako ng malamang may mga hotel na din pala sa panohong ito. Tumayo ako para tingnag iyon. Noodles at siopao iyon, may kasama ding malagkit na kulay puti. Hindi ko alam kung anong tawag.
"Ano ba palaman niyan? Asado o bola bola?" Wala sa sariling tanong ko dito.
Napaawang ang bibig ni ginoong antonio kaya naman napanguso na lamang ako. "Wag mo na ngang sagutin" inis na sabi ko pa.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko sa may kama at nagiwas ng tingin sa kanya.
"Narito ako dahil pinilit akong isinama ng Gobernador Heneral. Linggid sa aking kaalamam ang lugar na ito binibini" malumanay na pagpapaliwanag niya sa akin pero mas lalo lamang humaba ang aking nguso.
"Edi kung wala ako dito pipili ka ng babae?" Mapanghamon ko pang tanong sa kanya pero napailing lamang ito.
Kaagad akong napamake face kaya naman gumihit nanaman ang pagkaamaze sa mukha ni ginoong antonio.
"Naku nakita ko nga yung mata mo kanina, kumikislap pa habang pumipili" akusa ko pa sa kanya.
"Marahil nung oras na iyon ay nasa iyo na ang aking mga mata" sagot pa niya sa akin kaya naman tumaas ang kabilang sulok ng aking labi.
"Aba't babanat ka pa ha" bulong bulong ko sa kanya.
Matapos anh ilan pang oras ay natapos na din ang gobernador heneral at ang gobernadorcillo ng maynila. Kaagad akong napatayo para lapitan si ginoong antonio. Biglang naglaho na parang bula ang tapang ko kanina.
"Paano ako lalabas dito?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Ako ang bahala binibini, hindi ako aalis sa lugar na ito ng hindi kita kasama" paninigurado niya pa sa akin kaya naman kahit papaano ay gumaan na ang aking pakiramdam.
Pagdating sa parang may reception area nila ay nanduon na ang gobernador heneral, anh gobernadorcillo ng maynila at si madam zhen ying. Nasa tabi na din nito si Xing wei na kasama na ngayon ang dalawang babaeng napili din.
Napaawang ang bibig ko ng makita ko si lei yen. Nakayuko ito, hindi makatingin sa aming gawi. Mabilis akong hinila ni Xing wei patungo sa kanilang gawi. Kaagad naman akong napatingin kay ginoong antonio dahil sa takot.
"Kamusta ginoong antonio? Nasiyahan ka ba?" Tanong ng gobernador heneral sa kanya.
"I.to ba.go gobrrnadorcillo ma.lo.los ba.ta pa. At .saka. ma.ki.sig" nakangiting puri ni madam zhen ying dito.
Hinawakan ng gobernador heneral ang balikat ni ginoong antonio. "Siya ang pinakabatang gobernadorcillo sa buong lalawigan ngayon, at malaki ang aking tiwala dito" pagmamayabang nito.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Ficción históricaHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...