Chapter 33 : Paloa Hotel Murder
Nol quickly went inside the room. Napasunod ako pati sina Winston at Henry. My heart beats faster than I expected. Siguro dahil naramdaman ko ng may mangyayaring ganito kanina pa.
Lumapit ako sa babae na ngayon ay umiiyak na.
“Call the police and the ambulance,” utos ni Winston kay Henry. He fished out his phone and dialed.
Nol took out his latex gloves. Sinuot niya iyon. Sinabihan niya ako noon na laging magdala ng latex gloves para kung sakaling may mangyaring krimen, handa kami.
He touched the victimʼs wrist. Trying to feel his pulse.
Sinubukan kong pakalmahin ang babae. “Oh my God, Jeremy!” may isang babae at lalaki na sumulpot sa likod ko. The girl who shouted covered her mouth out of shock.
Akmang lalapit na ang babaeng 'yon sa biktima pero agad na nagsalita si Winston habang busy si Henry na tumatawag sa phone niya.
“Stay there. This is already a crime scene.” aniya.
“Mga bata, umalis kayo riyan!” sabi ng isang bellboy na nakarinig din siguro sa sigaw nitong babae na hawak ko sa balikat.
“We are from Holmesʼ House of Detectives. Required kaming pumasok dito sa crime scene 'cause we are trainees.” inilabas agad ni Nol ang ID niya at ipinakita iyon sa mga nakikiusyoso.
Natahimik naman ang bellboy. Maski ang ibang mga nagbubulungan kanina.
I learned that the lady who saw the victimʼs body is Lilybeth Estrada. Iyong isa pang babae naman ay si Karen Romes. Tapos 'yung lalaki naman ay si Garth Climente.
“Kaano-ano po kayo ng biktima?” I asked.
“Kaibigan namin si Jeremy,” sagot ni Garth.
Habang wala pa ang mga pulis, nililibot na ng mga kasama ko ang kwarto kahit wala pang pahintulot.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang mga pulis at ang mga nurse.
“Mga bata, bakit nandito kayo sa loob?” salubong ng isang lalaki na mukhang isa sa mga pulis.
“Good evening, Sir. We are trainees from Holmesʼ House of Detectives.” Nol answered.
“Hihingi po sana kami ng pahintulot kung pwede kaming tumulong,” sabi ko naman.
“Pero—”
“Hayaan mo sila. Kilala ko 'yang mga 'yan.” pumasok naman sa loob ng kwarto ang isa pang lalaki. Mukha siyang Inspector. Iyong mga ibang pulis ay pinapaalis na ang mga taong nasa labas.
“Inspector Rory!” Henry greeted with a big smile on his lips.
“Yo, Henry, Nol.” anito at biglang tumingin sa akin. Katabi ko kasi si Nol. Tapos ay tumingin naman ito kay Winston.
“Kasama namin sila. Si Winston tapos si Keena. The Fair Lady of my life.” ngumisi si Henry.
Inspector Rory chuckled. Umubo si Nol at napailing naman si Winston. Pagkatapos kuhanan ng litrato ang crime scene, dalhin ang bangkay at i-trace ng chalk ang posisyon ng biktima kung paano ito nakita, nilagyan na ng kordon ang entrance ng kwarto.
It says “POLICE LINE DO NOT CROSS.”
“Inspector, nice to see you again.” Nol greeted.
“Hindi ko inaasahan na nandito kayo.” nakangiting sabi ni Inspector Rory. I think he is at the same age with Inspector Inugami.
Nakatayo malapit sa may pintuan sina Lilybeth, Karen, at Garth. Umiiyak pa rin ang dalawang babae, lalo na si Lilybeth.
“What do we have here?” Inspector Rory wandered his eyes inside the room.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Misteri / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...