1st Person's POV
Nang matapos ang shift ko ay agaran ang pagbihis at paglalakad ko palabas para umuwi nang mamataan ko si Irah na nakatayo sa labas at parang naghihintay.
"Oh. Mag isa ka? Asan yung mga kasama mo? Ba't di pa kayo nauwi?" Tanong ko nang makalapit.
"Nauna na sila. Sasabay ako sayo, iisa lang naman tayo ng uuwian. Okay lang?"
"Ayoko nga," pabiro kong sabi na ikina nguso niya.
"Eeeh, Ate Zia naman eh." Maktol niya.
"Haha, joke lang."
Nang maka uwi ay mabilis kaming nakapag bihis ng pamalit at naghahanda na sa pantulog nang mapansin kong nakatitig si Irah sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko nang mapansin ang panliliit ng mga mata niya na para bang may iniisip na kung ano tungkol sa'kin.
"Wala ka bang sasabihin?" Pabalik niyang tanong.
"Uhmm? Good...night?" nag-aalangan kong sabi dahilan upang humagalpak siya sa tawa.
"Y-you're weird, hahaha" Nagpipigil tawa niyang sambit.
"Huh? Ikaw yung nagiging weird." Tatawa tawa kong iling.
Silence.
"Aren't you gonna ask me about dun kanina?" Nang lumingon ako pabalik sa kanya ay mabilis ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya na biglang naging seryoso.
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ang magtanong tungkol sa pamilya niya. May part sa'kin na pakiramdam ko ay ayaw niyang pag-usapan iyon.
"What's the big deal about it diba? Ang yaman mo pala, tapos nandito ka sa maduming apartment na'to. Ha-ha," I blurted without thinking and trying to lessen the awkwardness that's been raising. Pero para yata akong naging tanga sa sinabi ko.
"Uhmm, well your right but, to tell you the truth why I am here is..I want to be an independent. I want to reach my goal, all by myself. Yun lang. At first, against si Mommy syempre, lalo na't wala pa ako sa tamang edad. But, I survived. Diba?" Napangiti ako sa sinabi niya, getting amazed by her perceptions. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya ay mas gugustuhin kong dumikit sa mama ko, at hindi na siya hahayaang mawala sa paningin ko. Well, mag kaiba kami eh.
"Ano nga palang pangalan ng mama mo?" Tanong ko nalang bigla. Dahil naalala kong hindi ko pala nakuha ang pangalan niya kanina.
"HIndi nga pala siya nagpakilala kanina no? Tsk, tsk makakalimutin na talaga. Her name's Bridgitt Hyes and she's a british. My dad is Lucio Ruego. He's a Spanish-Filipino. Kaya natuto si mommy mag tagalog."
"Ang dami mo palang lahi." Alam kong may lahi si Irah dahil sa natural na kulay ng buhok niyang Hazel. Ngayon ko lang din napansin na medyo baluktot nga siya ng magtagalog at may accent katulad ng mommy niya. Hindi naman kasi ako mahilig mangilatis.
"Kaya ganito ako ka ganda." Natawa ako sa sinabi niya. Magaling siyang magtagalog kahit na medyo baluktot yung accent, magaling. "How about you?"
"A-ako? Wala akong lahi ano ka ba. Parehong pilipino magulang ko. Wala rin akong kilalang kamag anak."
"Really? Ang akala ko may lahi ka. You have an aura of brazilian beauty,"
"Oy, sobra naman. Half German-shepherd siguro haha," Namumula kong sambit na ikinatawa niya.
"Baliw. By the way, asan na yung mga parents mo?" Humarap siya sa'kin sa pagkakaupo mula sa kama niya gaya ko.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...