1st Person's POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o magiging reaksiyon ngayon sa mga naririnig ko. Handa ba talaga ako sa kahit na anong mangyari? Masyado akong maraming katanungan at iniisip sa kung anong maaaring maging consequences ng desisyon ko. Paano nga kapag nabuntis ako? Hahayaan ko nalang ang bata sa sinapupunan ko na hindi ako makikilala bilang kanyang ina?
Pero ayokong matulad siya sa'kin. Pero, hindi rin naman ako magkaka problema ng ganito kung sana'y nakinig nalang din ako kay Ren. Oo nga pala, ang akala ko ba ay gagawan niya ng paraan ito? Nasaan na siya?
Habang nakatingin lang ako sa doktor at hindi naman talaga iniintindi ang iba pa niyang sinabi ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng naka formal attire. Wearing a black pencil skirt, white polo and a black fit suit. She's holding an envelope at diretso itong nakatingin sa'kin habang naglalakad papasok.
"I'm late. Sorry for that." Baling niya sa doctora at ngumiti lang ito. "Miss Ziaren Corvado?" Tanong niya sa'kin na may nangingilatis na mata.
"Yes," I implied.
"You obviously know why you're here right?"
"Yes,"
"Before everything, I am Francine Marcial. The secretary," Inilahad nito ang kamay niya sakin at tinanggap ko. "I am here to clarify and inform some things or more like declaring the rules upon this transaction. But, first of all, I would like to ask you. Are you really, whole-heartedly willing wanted to do this? Because if not so, you can go." She frankly speaks.
"Can I have a second please?" Paalam ko na ikinatigil niya at kalauna'y tumango rin. "Excuse me," Tumayo ako at lumabas, hawak ang celllphone ko ay di-nial ko ang number ni Renee.
"Yes, Ms. Corvado? How can I help-"
"Nandito ako ngayon sa Southville Fertility Center Suarez. I passed. And we're currently discussing about my first session!"
Sandaling katahimikan ang nangyari sa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang pagsinghap nito.
"Wait what?! What do you mean? Paanong nangyari iyon?! Kulang ang binigay kong files! Hind-" Hindi ko na ulit siya pinatapos at pinatay ang tawag. Walang mangyayari kung makikinig lang ako sa complains niya. Wala na rin naman siyang magagawa. I just want to inform her and that's all.Bumalik ako sa loob as I composed my self at umupo. Nabaling ang tingin nila sa'kin hanggang sa inilapag ni Francine sa harap ko ang mga papeles na mula sa envelope.
"The decision is yours, pipirmahan mo iyan and you have to take the responsibility of your decision. At kung hindi naman, then the door is open." Sambit ni francine na walang makikitang emosyon sa mukha at mukhang pinalalayas talaga ako.
Hindi ko na binasa ang mga kung ano mang nilalaman ng mga papel sa harap ko at walang ano-ano'y wala sa sarili ko nalang iyong pinirmahan isa isa. Nang ibinalik ko ang ballpen sa kanya at ang mga papeles ay naka kunot ang noo nito at nagsimula ng magsalita.
"The company will pay you whether you'll get pregnant or not. However, mas malaki ang matatanggap mo kapag nabuntis ka at kalahati naman kapag hindi. Hindi ka parin malulugi. Once you get pregnant, you'll have to live to a place that is assigned for you to stay at so, you'll get monitored. Ibibigay ang lahat ng kailangan mo roon even your personal needs. You'll stay there until the day of your due. And once the contract ended or a months after you delivered the baby, you'll leave, just with all of your money. This is more like an early warning Ms. Corvado and don't be tense, that's part of the deal. Are we clear here? "
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
Любовные романыZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...