1st Person's POV
Nang magising ako ay inaasahan ko nang sa sa SFC Hospital ang gising ko. At dalawang oras na ang nakakalipas nang magising ako at nakatulala lang sa puting kisame. Kinakausap ako ni Renee pero hindi ko naman siya maintindihan at mabalingan ng atensyon.
Am I already pregnant?
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Hindi iyon malabo.
Matapos ang isa pang kalahating oras ay napagdesisyunan kong tumayo. Tulog si Ren sa sofa at batid kong nasa labas si Klein dahil galing siya dito kanina.
Lumapit ako sa may bintana at dumungaw sa labas. Madaling araw pa'rin pala at ilang oras lang ang tulog ko, gayunpaman ay kita ko pa rin ang iilang mga kotse na naka park sa baba dahil sa sky blue na kalangitan. Dungaw ko kasi mula dito ang parking lot.
Nanatili akong ganon nang may maamoy akong nakakaliyo. Lumukot ang itsura ko at tumalikod at hindi na ako nagulat nang siya ang bumungad sa'kin sa likod.
His impassive expression makes me think that he's digusted of what I did. And that thought is enough to make my eyes watered.
Ito na nga at ang babaw na ng emosyon ko.
"Alam ko na ang lahat," Rinig kong bulong niya habang nakatungo lang ako sa harap niya.
"Hindi mo sinabi sa'kin na malaki pala ang problema mo, pati nga ata utak mo may problema eh," He sarcastically added na parang natatawa. At alam kong naramdaman ko iyong sakit. Tumulo na luha ko sa hindi malamang dahilan at naiinis na ako dun.
"Hindi ko kailangan ng awa ng ibang tao kaya hindi ko na sinabi ang tungkol sa pagkakautang ko," malamig kong sagot.
"Ibang tao ba ako sa'yo?" Balik tanong niya dahilan upang tumingala ako sa kanya.
"H-hindi." Sagot ko.
"Then why? Bakit ganito? Bakit humantong sa ganito?" Halos pasigaw na niyang sabi.
"Hindi ko alam." Nababasag na ang boses ko sa pagsagot dahil sa pagpipigil na umiyak.
Mahabang katahimikan ang dumaan at walang nagsalita. Nakatungo lang ako at naka pameywang naman siya sa harap ko.
His heavy sigh broke the silence.
"Gabayan ka ng Diyos sa ginagawa mo," pagkasabi niya noon ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin. At unti-unti iyong humuhigpit.
Ilang minuto kaming ganoon at ramdam ko na ang basa sa damit niya dahil sa luha ko.
"Wala na tayong magagawa. Andito na 'to," Tumigil ito at sarkastikong tumawa. "T*ngina," ramdam ko ang paghigpit pa lalo ng yakap niya at tuluyan na akong humagulgol.
Hindi ko naman maintindihan kung gusto niya ba talaga ako o dahil lang ito sa papaging matalik na magkaibigan namin. Pero kahit na anong mangyari naman ay nakababatang kapatid parin ang turing ko sa kanya.
Habang tumatagal sa loob si Klein ay pasakit ng pasakit naman ang ulo ko dahil sa umaalingasaw niyang pabango. Nakakahilo ito sa amoy at hindi ko gusto. Hindi naman ako makapagsabi sa kanya dahil hindi naman magandang paalisin ko siya dito, kaya tiis ganda nalang ako.
Ilang oras ang lumipas ay dumating na ang inaasahan kong darating na si Doctora Herrero. As usual ay malaki ang ngiti nitong pumasok at lumapit sa'kin.
"Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos?"
Kulang nga tulog ko eh.
Ngumiti lang ako sa kanya dahil ayokong magsalita dahil sa nakakahilong amoy sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...