Chapter 11

331 12 0
                                    


1st Person's POV

His gaze are hot. Nakakatakot ang aura ng taong nasa harap ko kahit na blangko ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi na ako makakalabas ng buhay pagkatapos kong aksidenteng basagin ang mukhang mas mahal pa sa buhay kong flower vase.

"P-pasensya na ho, hindi ko sinasadya," Sambit ko at dali-dali kong pinulot ang piraso ng vase at lumuhod habang inaalala ang pigura niya.

Mas matured na siya kaysa sa larawan niya sa painting, at mas malalim na rin ang mga mata. Kung titignan sa kayumangging buhok niya pa lang ay mukha na siyang makapangyarihan at kinatatakutan.

Siya si Lucio Ruego?

"Papa?" Bumaling ang atensyon ko sa biglang dumating na si Irah at nagtataka itong nakatingin sa lalaki sa harap ko at sa'kin. "Estas aqui, (you're here) ," dagdag nito sa hindi ko maintindihang lenggwahe nila.

"Quien es ella? (who is she?)" Sagot naman ng ama niya na kunot ang noong hindi inaalis ang titig saakin.

Akala niya siguro'y akyat bahay ako -_-.


Nagtatakang tumingin sa'kin si Irah dahil siguro sa sitwasyon ko ngayon. "Ate Z, si manang fely na diyan. Iwan mo na iyan, baka masugat ka pa." Sabi nito saka naman agad na may lumapit nga saaking isang may edad na, na babae at nangingiting ipinatabi ako at pinagpatuloy ang paglinis sa nabasag kong vase. Hindi naman ako nakapalag dahil dinumog pa ng iba ang kalat ko.

Nakakahiya.

Nang mabaling ang atensyon ko sa mag-ama ay malalim ang pag-uusap nila. Mukha ngang pinapagalitan si Irah dahil naka yuko ito hinahayaang magdaldal ang ama niya sa kanyang harap nang sarili nilang salita na hindi ko talaga maintindihan at sa tingin ko rin ay salitang espanyol. Nang sumagot naman si Irah ay nagsimula na ang pagtatalo nila sa palagay ko.

I am so guilty.

Nagdadabog na lumapit sa'kin si Irah matapos ang ilang minuto at nakasimangot ang buong mukha nito.

"Aalis na tayo," Hinawakan niya ang braso ko nang nakanguso at sumisimangot na hinila ako papaalis.

"Irah Dean!" The voice of Irah's father bombarded within the whole room, mabilis na kumalabog ang puso ko at nanlalaki ang matang napalingon ako kay Irah na ni hindi naapektuhan sa pagsigaw ng kanyang ama at dire-diretsong naglakad papunta sa malaking pintuan.

"Huwag ka pupunta dito nang hindi ako kasama okay?" Sabi niya sakin at dire-diretso lang akong hinihila.

Kung ako siguro iyon, ay nanginig na ako sa takot. She just shrugged his father's warning na parang walang narinig!

Nang makalabas kami ay nagawa niya pang mag paalam sa ama niya.

"We're going papa," Sambit nito saka tuluyan na kaming makalabas.

Nang makalabas kami'y sumalubong kaagad sa'min si Zoren na kanina ko pa nahahalatang ilang sa kasama ko. Simula nang ihatid niya kasi kami dito ay ni hindi man lang sila nag-usap at parang nag-iiwasan pa. Mahahalata ng kung sino man iyon dahil masyadong halata ang ikinikilos nila.

Nakakapagtaka rin na iniiwas ako ni Irah everytime na parang lalapitan ako ni Zoren na ipinagtataka ko naman.

Mas lalo namang lumalaki ang hinala ko. May hinala na nga rin ako na baka may alam din si Irah sa sitwasyon ko.

"Irah, I really am sorry." Paghingi ko ulit ng dispensa.

"It's nothing ano ka ba," natatawa nitong saad.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon