Title: Dysmenorrhea
"Wala akong pakialam Maria! Iyong palabasin sa pintuang iyan ang mahal kong si Juan! Hindi ko kayang sya'y mawala at ako'y iwanan!" Madramang binasa ni Mada ang script nya para sa gagawin nila mamaya sa na presentation sa isa naming subject.
"Grabe naman, napaka-chaka ng nilalaman nito. Seryoso Reign? Ito na yun?" Bumaling sya kay Reign na ngayon ay busy naman sa pagna-nail polish ng kamay nya.
"Hayst, walang hiyang Kai-kai! Nahuli ko sya kagabi Tintin!" Bumaling naman sa akin si Manda. Hindi na namin alam talaga kung ano na ang trip nya ngayon napaka-gaslaw na ng kilos nya sa harapan namin.
"Ang sabi nya, matutulog na sya! Tapos nakita ko pa sya doon sa may convenient store tapos kasama nya iyong matangkad na babae!" Tumayo pa sya ng maayos at inangat ang sarili nya sa isa pang monoblock doon.
"Ganito sya katangkad!" Aniya at nag-drama pa sa harapan namin.
Samantalang ako naman ay tulala kung ano ba ang magandang desisyon para sa next week.
Dadalo pa ba ako sa prom?
Ano na ba?! Argh!
"Hoy! Ano yan sinapian ka na din ng yokai? Ay! Trisha oh, inlove na din itong si Tintin! Good news diba? Akala ko nga mamatay na itong single eh!" Dumakdak pa si Manda kay Trisha na kakarating lang.
"Anong problema, Tintin?" Bumaling si Reign sa akin na hinihipan na ang kuko nya.
"Tss. Aalis na kami next week e. Kaya lang may concert pa akong dadaluhan tapos may prom pa sa friday. Di ko na alam ang magiging desisyon ko!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
"Ang magaling pa, sumama ka nalang sa mama mo doon sa kung saan man kayo pupunta. Maboboring ka lang sa prom. Tsaka pano ka naman makakapunta sa concert ng iCool e wala ka pang ticket diba kase wala ka pang sweldo?" Tuloy-tuloy na saad nya at ako naman ay mas lalong sumakit ang ulo.
Hindi ko pa nga pala nakukwento sa kanya ang tungkol doon sa ticket na binigay sa akin ni Drake. Ni hindi nga nya kilala si Drake eh!
Hayyy.
"Tara na mga bakla mamaya umusok na ilong ni ma'am Faith kase late na naman ang mga miss universe ng klase nya!" Humalakhak ng malakas si Manda at nag-apir sila ni Trisha sa unahan.
Nakakapag-taka, nasan si Ashton?
DUMATING na kami sa room at halos kasunod lang namin ang teacher namin na si ma'am Faith.
"Get your pens everybody! We have one our to take notes!" Tumayo kaming lahat para sa pagbati sa kanya.
"Okay get down. Magdi-discussion na tayong lahat." Tinalikuran nya na kami para maiayos ang projection nya.
"Hoy bakla, nasa na si Lauv mo?" Bulong sa akin ni Manda na kakaupo lang, galing sya sa likod.
"Ewan ko dun." Tiningnan nya ako na parang isang misteryo na di ko alam kung nasaan ba si Lauv.
Binagkibit balikat ko lang iyon at nakinig na sa teacher namin.
Sa totoo lang, nawala na sa isip ko si Lauv sa dami ng iniisip ko.
"Tss.. bakit naman ganyan yang sinusulat nya? Hindi naman ganyan ang tinuro nya last week diba?" Inis na inis na bulong ni Reign habang nakatalikod padin iyong teacher namin.
"Nalilito na rin ako minsan, parang ayoko na yatang mag-aral." Buntong hininga ko at bumuga ng hininga.
"Okay lang yan bakla, relax ka lang at least naman ay mamamatay tayo ng nag-aaral." Si Manda naman iyon at hinihilot ang sintindo nya.
Tumingin ako sa formula na sinusulat ko at naramdaman ko ang pagsakit ng puson ko. Napahawak ako sa gilid ng desk ko at halos di ko maigalaw ang katawan ko dahil sobrang sakit niyon. Nararamdaman ko ang panlalamig ng pawis sa noo ko.
"Shit.." bulong ko at dinama ang sakit ng puson ko.
"Oh? Anong problema?" Pagilid akong nilingon ni Trisha dahil nagsasalita pa ang teacher namin sa harap.
"Masakit ang puson ko.." nahihirapan kong saad at nakaramdam ng pagkahilo.
Meron nga pala ako ngayon at nalimutan ko ang pag-inom ko ng gamot kanina dahil sa sobrang aga ko kanina.
"Inatake na naman ng dysmenorrhea si Tintin.. besh, sabihin mo kay ma'am." Pinigilan ko si Reign sa pag-tayo nya.
"Wag na. Matatapos na naman ang time." Marahan kong sabi sa kanila at dinama ang puson ko.
"Pasaway naman. Sige wait ka nalang ha." Umusod si Reign para mas mabigyan ako ng space at nagpatuloy sya sa pagsusulat.
"Papakopyahin nalang kita mamaya, bakla. Relax ka nalang jan." Humarap na ulit sa harap si Manda at si Trisha naman ay ngumiti lang sakin at nag-thumbs up nalang.
Kinagat ko ang aking labi at tumungo nalang sa desk. Pakiramdam ko ay di ko na talaga kaya.
Shit! Nakaka-stress naman 'tong buhay na ito.
NANG matapos na ang klase ay agad na may dumating na ka-members ni Trisha at Manda.
"Girls may practice tayo sa gymnasium ngayon din!" Sigaw nung isa at napatayo naman agad sina Manda at Trisha.
"Reign! Ikaw muna ang mag-hatid kay Tintin sa clinic ha! Alis muna kami. Sorry bakla! Susunod nalang ako doon!" Nagkukumahog na umalis silang dalawa at naiwan kami ni Reign dito sa pwesto namin.
"Tara na besh. Bakit ba kase wala si Lauv?" Bulong nya at sya na din ang nagligpit ng gamit ko sa aking desk.
Inalalayan nya ako at ako naman ay di makatayo ng maayos dahil sa sakit ng aking puson.
"Ano ba Theo?!" Sinaggi kami ni Theo at halos matumba kaming dalawa ni Reign sa may bookshelves sa room.
Napamura ako nang tuluyan akong matumba at lumagapak sa sahig. Mas lalo tuloy akong nahirapan.
"Shiz.." bulong ko at kinagat ang labi ko.
"Hayop ka Theo! Papatayin kita!" Hinampas ni Reign si Theo sa may balikat at si Theo naman ay tila di inaasahan na nanghihina pala ako.
"Sorry! Fuck! Reign--aray ko masakit kase! Oo na sorry!" Patuloy parin sa pag-palo si Reign hanggang sa makalabas na silang dalawa sa room dahil sa pag-aaway.
Ako naman ay naiwan mag-isa sa loob.
"Tss.. ang baliw na 'yon." Bulong ko at dahan dahang tumayo. Kinuha ko ang aking bag at naglakad ng marahan papunta sa labas.
Napahawak ako sa railing ng maramdaman ko na naman ang sakit. Nahihilo na din ako at nangangatog na ang binti ko.
"Damn.." iyon na lamang ang narinig ko bago ako natumba at mandilim ang paningin.
