chapter 4

0 0 0
                                    


Alam ko namang lahat nang tao deserve na maging depressed sa kahit na anong dahilan e.

Kaya hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

"Peoples deserves to be sad. But we didn't deserve not to have a friend. Kaya imbes na mainis ako, thank you na lang." Saad ko dito at tuluyan nang pumasok.

naabutan ko doon si ate na nag hahanda nang pagkain sa mesa.

"How's your day amelia?" She asked.

Ngumiti lang ako nang napaka lawak kay ate bilang sagot.

"Ate bakit hindi mo pala kasama si kuya henry?" I asked her.

"Actually nandito siya sa pinas ngayon. Kasama ko siyang naka dating kahapon. Pupunta siya dito bukas" Sagot nito.

Tango lang ang sinagot ko saka umupo na kami parehas para kumain.

Habang kumakain ay naisip ko agad ang punong bulod.

"Ate." Tawag ko.

Tumingin ito at tumaas ang mga kilay.

"Pwede bang sa punong bulod tayo maligo bukas?" Tanong ko habang patuloy na kumakain nang tilapya na ngayon ko na lang ulit natikman.

"Kung malinis, doon tayo. Pero pag madumi hindi ako papayag" Saad nito.

Ngumiti lang ako at tumango.

Mabilis akong natapos sa pag kain ko at umakyat sa kwarto ko.

Ang totoo kasi niyan ay hindi ko pa naayos sa mga lalagyan ang mga gamit ko. Excited kasi akong mag gala dito.

Sulit naman.

Nilagay ko sa malaki kong aparador ang mga damit ko.

Inilagay ko naman ang mga sapatos sa shoe cabinet at ang mga iba't ibang abubot sa another cabinet.

Malaki ang kwarto ko pero hindi mo maikukumpara sa laki nang kwarto ko sa maynila.

Ang kwarto ko sa maynila ay kasya ang limang higaan na malaki. Pero dito tatlo lang.

But it doesn't matter. Mas gusto ko ang ganito kesa sa sobrang laki.

Tinignan ko ang picture namin nung grade 10 pa lang ako.

Ang totoo nag loloko lang ako na hindi pa ako nag kaka boyfriend. Baka kasi madulas ako kila ate noon e.

Todo akong mag mahal noong grade 10 ako. Let me say that, that man is my first love.

Lagi kaming sabay umuwi. Tapos mag sisinungaling kami na mag bestfriend lang kami pag nasa harap na kami nila mom and dad.

Halos hindi na kami mapag hiwalay araw araw dahil kahit gabi na pumupunta pa siya sa bahay namin. Pinapayagan naman siya ni mom and dad kasi ang alam nga nila ay mag bestfriend kami at may tiwala ang mga ito sa kanya.

Hindi niya ako nahalikan sa labi kahit isa kasi gusto ko ay ang hahalik lang sa akin ay ang lalaking napakasalan ko na. Sabi niya nga mag pakasal na kami e.

He always kissed me at my forehead.

But anything change when i fell asleep.

Nang magising ako noon sa ospital ay nandoon siya at naiyak.

*~Flashback~*

Nagising ako sa kwartong may puting kisame.

At may nakita akong isang tao na nasa harapan ko at umiiyak. I don't know why he's crying pero para akong dinudurog nang makita ko siyang umiiyak nang sobra.

In Love 'Till LastWhere stories live. Discover now