Hi. Ako nga pala si joy, ang pangalan ko ay kabaliktaran ng buhay ko , masyadong magulo,puno ng problema.
Isa nga pala akong scholar ng sa isang kilalalang university, alam kong di kapani-paniwala pero totoo ito,kahit ako di ako makapaniwala na naka pasa ako sa exam. 97.96 ang general average ko. Nung highschool ako. Nung una ayaw pa pumayag ng mom at dad ko.
Si dad ay nagtratrabaho si isang kumpanya dito sa states. Masyadong kumplikado kung kami lang dalawa ni dad ang makikipagsapalaran dito kaya sumama narin si mom ,si mam ay nag tratrabaho sa kumpanya as news anchor. Masyado silang busy kaya minsan ako lang ang naiiwan sa bahay kasama ang pet namin nasi lucky. Pomeranian siya .
Habang hindi pa nag sta start ang klase dito sa states nagpapakasaya muna ako, katulad ng pagkain ng pizza,panonood ng paborito kong programa,at ang ilakad sa park si lucky.Alam ko para sa iba boring to.pero dito ako nagiging masaya.
Bandang alastres pumunta ako sa may park para ilakad si lucky medyo malayo ang nilakad namin, pero napapawi naman ang pagod ko sa magagandang view na makikita dito sa states
Ibat-ibang klase ng puno ang makikita.
Marami din mga cafeteria at mga fastfood sa lugar na ito.Habang naglalakad lakad kami ni lucky sa may park, nakita ko ang isang clown nakaupo siya sa may fountain at tila malungkot siya kaya nilapitan ko para makita ang mukha niya. Nalungkot ako ng makita ko ang mata niyang namumugto at patuloy ang pagtulo ng luha niya.
Naiilang man ako nunng mga oras na yun pero tinuloy ko parin ang balak ko na mag tanong.
"sir may problema po ba kayo??hindi siya sumagot at tinignan niya lang ako.umupo ako sa tabi niya. Mga isang minuto na walang kibuaan,hanggang sa nagsalita siya at sinabing" Natanggal ako sa trabaho,Ginawa ko naman lahat para makapagpatawa ,ibinigay ko naman lahat eh,pero bakit ganun tinanggal padin nila ako." nung sinabi niya yun masyado akong nadala at napatingin sa mukha niya. Masyado akong naa-awa pero wala akong magagawa kundi pagmasdan ang isang taong umiiyak sa harap ko.at para gumaan ang loob niya pinayuhan ko si kuya" sir alam ko po na pinagsikapan niyo ang trabaho niyo kahit mahirap at nahihirapan kayo. Kaya siguro kayo natanggal sa trabaho niyo kase may nakalaan pa na mas magandang opurtunidad para sa inyo ang diyos."tumayo ako at ngumiti kay kuya, habang humahakbang na ako palayo tinawag niya ako at sinabing "THANK YOU" sabay ngiti sa akin. Natuwa naman ako kasi alam ko napagaan ko ng kaunti ang nararamdaman niya.
Pagkatapo ko makipagusap kay kuya dumaretso na muna ako sa restaurant bawal ang hayop dun kaya tinali ko muna ang tali niya sa may puno.pumasok na ako sa loob ng resto unti lang ang tao nung mga oras na yun,kaya pumila na ako at umorder ,habang naghihintay umupo na ako at pinagmamasdan si lucky na naglalaro sa labas at dumating na ang aking inorder at mga 8 minutes din akong nasa loob mag aalasingko na ng kami ay nakabalik sa park , guatong gusto ng umuwi ni lucky tila ba't di siya mapakali ,sa isip isip ko nagugutom na siya.kaya nagmadali kaming umuwi sa bahay.
Pag-uwe pinakain ko agad si lucky at nanood ako sa sala.hinihintay kong umuwi si mom at dad. Dalawang oras ang nakalipas dumating na sila. Sinusundo kasi ni dad si maam para sabay na umuwi.
YOU ARE READING
The Train
Mystery / ThrillerMinsan kailangan mo lang ay imulat ang mata at maniwala.