CHAPTER 12
ALWIZA'S POV
"Ayan!" Pumapalakpak na wika ni Ate Aiziel matapos ako iharap sa salamin. Base sa tono niya ay tuwang-tuwa nga siya sa itsura ko ngayon.
Nagtataka naman akong napatitig sa salamin.
What the heck?! Anong kabaliwan 'to Ate?!
Halos manlaki ang aking mata hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa gulat. Sobrang sikip ng kulay pink na dress na suot ko. Habang suot-suot ko rin ang heels na kulay pink rin na may design na hello kitty. May suot-suot rin akong mickey mouse na hairband at hindi lang 'yon dahil sobrang daming chechebureche na nakalagay sa buhok ko--may ribbon? May mga nakatrintas? May naka-pony tail?!
Serysoso ba si Ate?!
"Perfect!"Muling sigaw ni Ate na humarap na sa akin. "Napakaganda mo ngayon, Alwiza!"Tuwang-tuwang dagdag niya at base nga sa tono niya ay hindi niya nga ko pinagt-tripan dahil mukhang seryosong-seryoso nga siya na sa gan'tong itsura niya ko ihaharap sa bestfriend niya.
Tsk! Dapat talaga hindi na lang ako pumayag na sumama dito kung alam ko naman na gan'to lang ang mangyayari dahil sa totoo lang MUKHA AKONG BATA!
Napabuntong-hininga ako dahil sa inis ngunit parang hindi naman ito nahalata ni Ate. Tuwang-tuwa pa rin siya sa mga pinaggagawa niya sa akin. Napansin ko rin na napakakapal ng make up na inilagay ni Ate sa mukha ko na halos magmukha na akong manika.
"Ate, seryoso ka ba talaga dito?"Biglang tanong ko dahilan para matigilan si Ate sa kaniyang ginagawa.
Napatingin naman siya sa akin at sa tingin niya pa lang ay mukhang seryoso na nga siya. "Kailan ba ko hindi naging seryoso?"Biglang tanong niya dahilan para mapatungo ako. "Ginagawa ko lang ang lahat ng responsobilidad ko bilang Ate." Malungkot niyang dagdag.
"Ate, hindi mo na po kailangan gawin 'yan, ang mahalaga magkapatid tayo! Hindi mo na kailangan ipakita ang pagiging ate mo sa akin dahil kung sino ka at ano kita ay iyon na 'yon!" Sinserong sambit ko.
Bahagya akong nagulat nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Sorry, naiingit lang kasi talaga ako sa bestfriend ko, siya kasi kahit saan, sa hirap man o ginhawa ay lagi niyang kasama 'yung kapatid niya."Malungkot niyang sambit.
Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa loob ng kwartong ito dahil kay Ate.
Hindi ko alam na ganu'n pala ang nararamdaman niya, dahil ang alam ko ay kinakahiya niya ako ngunit mali pala.
"Alwiza, suutin mo 'to."Mahinahong sambit nito na nasa likuran ko na isinabit sa leeg ko ang isang kwintas. "Bigay 'yan sa'kin ni Daddy bago niya tayo iwan nina Mommy."Dagdag niya pa at napahawak naman ako sa kwintas na isinuot niya sa akin.
Hugis puso ito pero wala akong pakialam dito dahil wala naman talaga akong pakialam sa taong nagbigay nito.
Muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Ate na ngayo'y nakangiti na at mukhang masayang-masaya sa kaniyang nakikita.
Tulad ko ay nakaayos na nga siya ngunit ang pinagkaiba lang namin ay mukhang matured siya sa kulay pulang dress na suot niya.
Naramdaman ko naman na halos hindi na ako makahinga dahil sa napakaliit na dress na pinasuot niya sa akin ngayon.
Tsk! Sersyoso ba talaga siya rito kasi parang kahit anong oras parang mapupunit na 'tong suot ko, eh!
"Ate, i-itong damit po."Utal na sambit ko.
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Fiksi RemajaMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...