Vianne's Pov
Tamad na tamad ako na tumayo sa higaan dahil masama ang pakiramdam ko. Nakulangan siguro ako sa nainom kagabi kaya ito ang inabot ko. Mas gusto ko talagang lasing na lasing dahil hindi sumasakit ang ulo't katawan ko sa umaga.
Naalala ko na aalis pala ako ngayon. Kung hindi lang sana utos ni daddy hindi ako pupunta sa kompanya na pag-aari ng pamilya namin. Kaya naman kahit nahihirapan ay pinilit ko pa rin pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Hindi na ako nagtagal sa banyo kaya wala pang kinse minutos ay tapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi na ako nag abalang tumingin pa sa salamin kaya pagkakuha ko sa bag ay bumaba kaagad ako.
"Morning, nay." Bati ko ng makita si Nanay Cho.
"Morning anak. Umupo kana iha, sabayan mo ang kuya mo kumain." Napakunot-noo naman ako sa narinig at saka diretsong tumingin sa mesa. Nakita kong kumakain na nga siya at wala sa loob na umupo ako sa silyang kaharap niya.
"You're coming with me," panimula ni unggoy nung pasandok pa lang ako ng kanin.
"Paano kung ayoko?" Paghamon na tanong ko na dahilan ng pagtitig niya ng seryoso sa akin.
"You have no choice, sasama ka sa ayaw at sa ayaw mo." Ngising asong sagot niya.
Aba't Lokong 'to! Nagpatayan kami ng tingin hanggang sa namatay siya. Syempre joke lang.
Ngumisi si unggoy nang nakaloloko. "I'll call dad," pananakot pa nito sa akin. Alam niya kasi na papagalitan ako ni daddy kapag hindi ako sumunod sa kanya.
"Fine! Happy?!" Inis na sabi ko.
"Yeah, very happy." Nakangiting aniya.
Grabe, ang pangit niyang ngumiti para talaga siyang unggoy. Feeling niya siguro ikinagwapo niya iyon.
Mamatay na ang kapitbahay namin pero hinding-hindi pa rin ako aamin na ang gwapo niya pag nakangiti.
•••
Papasok pa lang sa entrance ng kompanya ay marami na ang bumabati kay unggoy.
"Good morning, sir."
"Good morning, Mr. Cruz."
"Good morning, sir Yuan."
Kaliwat-kanan ang bati ng mga empleyado sa kanya pero deadma niya lang ang mga ito.
"Ang gwapo talaga ni sir Yuan."
May diperensya ang mata mo babae.
"Bagong secretary ni sir?"
Hinanap ng paningin ko ang nagsabi niyon para mabigyan ko ng isang milyon sampal ang kaso hindi ko makita.
"Omg, ang ganda ng girlfriend ni sir."
Oo maganda ako pero hindi niya ako girlfriend.
BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomanceYou are the best meaning of perfect romance my love.