Hillary's pov
Nag paalam muna ako kay papa na lalabas lang at mag lalakad lakad narin. Tumingin muna ako sa relo ko kung anong oras na 4 na ng hapon, kaya nakapag desisyunan ko na sa playground nalang tatambay. Maganda rin kasi yung place dun madaming puno at makakapag isip isip ka talaga, kahit na maliit lang siya ang ganda parin pag masdan. Pag dating ko umupo muna ako sa ilalim ng puno at tumingala lang sa mga langit buong mag damag
Nathan's pov
Hi! Ako si Nathan Chen ang pinaka poging kuya niya sa lahat. (Ikaw lang naman kuya niya -author) manahimik kajan! (Okay boss psh!). Pag labas namin galing kusina sinisi ko agad siya.
Ikaw kasi may kasalan kung di mo kami pinapakelaman ng girlfriend ko di sana tayo papagalitan ni mama!" Sumisigaw na sabi ko
"Anong ako? Ikaw may kasalanan! Ikaw nag simula kaya nagalit si mama sa atin kung di mo pinag tanggol yung girlfriend mo di tayo mag aaway dahil sayo kaya pinagalitan tayo ni mama! Ikaw may kasalanan at hindi ako!" tuwing babanggitin niya yung girlfriend lang may diin. Alam ko naman na hindi siya boto sa girlfriend ko kaya ganyan nalang siya mag salita.
"Ako na naman sinisisi mo, kung hindi ka sana sumali sa usapan namin ni mia hindi sana tayo mapapagalitan ikaw may kasalan! Palagi mo nalang pinag sasalitaan yung girlfriend ko! At staka tigilan mo ngayong pag diin ng 'girlfriend' may pangalan siya! Cathlyn ang pangalan niya!" sigaw ko na naman sakanya.
"Bat ba palagi mo nalang pinag tatanggol yung 'cathlyn mo' inaaway mo ako dahil sa kanya ah? Naging kayo lang niyan sinisigawan mona ako ngayon! Mag sama kayo ng 'girlfriend' mo! Inis na sabi niya sakin. Di ko alam kung san papunta yung usapan namin.
"Dahil mali ka kaya kita pinag sasabihan, igalang mo yung girlfriend ko! Pupunta siya dito mamaya kaya pakiusap lang ayusin mo yung pananalita mo sakanya. Pls nathalya." Pakiusap ko sa kanya, tinignan naman niya ako na parang nag tatanong. "Oo nathalya pupunta siya dito mamaya at wala kang ibang gagawin kung hindi maging mabuti sakanya" dagdag ko pa.
"Psh! Whatever Nathan" tinarayan niya lang ako at umakyat na sa taas.
Kahit kelan talaga yung babaeng yun napaka sungit.
Pumunta ulit akong kusina para mag paalam na makikipag kita kay cathlyn at sinabi ko rin na dito kami kakain. Binuksan ko muna yung gate para mailabas yung kotse ko, bigay to ni papa sakin nung mag birthday ako. Susunduin ko si cath sa kanila kasi pupunta kaming mall may bibilin raw siya dun kaya sumama narin ako. Pag dating ko sakanila sumakay lang siya at pumunta na agad kaming mall.
"Love ano bibilin mo dito?" Tanong ko habang nag lalakad kami papasok sa mall.
"Yung dress na nakita ko dito love, ang ganda kasi nung dress kaya gusto ko sanang bilin" sabi niya sakin habang lumilinga linga pa. Hinahanap niya siguro kung san niya nakita.
"Nasan naba kasi yun?" Asik niya pa. Ang cute niya titigan para siyang batang nag hahanap ng magulang, nakanguso pa kasi siya habang lumilinga linga sa palagid.
"AHA! nakita rin kita sa wakas, love tara pasok tayo dun" turo niya pa kung san niya nakita yung dress. Pumasok kami sa bilihan ng damit at nilapitan niya agad yung dress na sinasabi niya. Isang simple dress lang yun pero bagay na bagay sakanya."Love, upo ka muna dun. Susukatin ko lang kung bagay ba sakin, tas sabihin ko kung bagay ah" sabay halik sa labi ko. Napangiti pa ako sa ginawa niya sakin. Nag intay pa ako ng ilang minuto at lumabas narin siya sa wakas.
"Love bagay ba sakin?" Habang umiikot ikot pa. Napatunganga nalang ako at hindi na nagawang sumagot kaya tumango tango nalang ako. Ang ganda kasi nung dress at bagay na bagay sakanya, ang ganda niya tignan.
"Love papalit lang ako ah, jan kalang wag kang aalis. Wag karin lilingon sa iba kundi sapak ka sakin. I love you love"
"I love you too love, mag palit kana bilisan mo pupunta pa tayo kela mama" sumaludo naman ito sakin at tinalikuran ako. Siya yung girlfriend ko na niloko ako, oo 'minsan narin niya akong niloko pero anong magagawa ko?' mahal na mahal ko kasi siya kaya tinanggap ko ulit siya sa buhay ko, hindi ko kaya yata na mawala pa siya sakin. Tumitingin tingin rin ako ng damit para kay mama at papa, at para narin sa dalawa kong kapatid nung matapos ako nakita ko si cath na may kausap na lalaki.
"Kamusta kana? Ngayon nalang tayo nag kita, anong bago sayo? Tanong nung lalaki, medyo matangkad, maputis, ang kinis ng kutis, medyo pogi. Pero mas pogi parin ako syempre.
"Eto maganda parin, kasama ko yung boyfriend ko dito, hinahanap ko lang siya. Ikaw kamusta na?" Tanong ni cath dun sa lalaki. Sasagot na sana siya ng lumapit na ako sakanila.
"Love, san kaba pumunta kanina pa kita hinahanap?" Nakangusong tanong niya. cute.
"Bumili lang ako ng pasalubong kela mama, ikaw tapos kana? Tara bayaran na natin." palakad nasa kami ng biglang
"Nice to meet you josh, una na kami sayo" tumango lang ito at nag lakad na siya. Pumunta naman kami sa line para bayaran yung binili namin. 'Sinong josh kaya yun'. Pag tapos namin mag bayad niyaya ko muna siya na bumili kami ng cake para pasalubong sakanila. Anong oras palang naman kaya niyaya ko rin siya manood ng cine.
Pag tapos namin manood ng cine pumunta narin kami ng parking lot para pumunta na sa bahay 6 narin kasi kaya umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
THE LOST DAUGHTER
Novela JuvenilSino nga ba ang tunay na magulang ni hillary? Makakasama pa kaya niya ang tunay niyang nga magulang o ang pangalawang magulang niya na ang makakasama niya, pwede rin naman parehas niya makasama. Ano nga ba ang mang yayare kay Hillary pag nakita niya...