Hillary's pov
Isang oras din ako nakaupo sa ilalim ng puno, kaya napag pasyahan kona mag lakad lakad nalang muna tutal 5 palang naman ng hapon. Narating ko na yung dulo nitong playground at nakakita ulit ako ng puno kaya umupo nalang ulit ako dun at tinanaw yung mga dahon na hinahangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lakas ng hangin dito.
Lamig shit.
Nagulat ako ng may tumabi sakin. Tinignan ko naman ito at isa lang masasabi ko ang pogi niya. Tinitigan ko ito at napansin ko na ang perfect ng kilay niya, tapos yung pilik mata niya ang haba, yung ilong niya ang tangos, yung labi niya parang ang sarap halikan.
Ano ba sinasabi mo Mia, anong ang sarap halikan? Hoy mahiya ka naman sa sarili mo? Shit ano ba sinasabi ko.
"Wag moko titigan" hindi siya tumitingin sakin pero pano niya napansin na tumitingin ako sa kanya. Weird. Tumingin nalang ulit ako sa mga puno at hindi na siya pinansin pa. Ang tahimik, napaka tahimik ng lugar nato, pero napaka ganda naman ng tanawin dito, para kasi siyang garden. Basta yun na yun. "Bago kalang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito" sabi niya, pero hindi parin siya tumitingin sakin.
"Matagal na kami dito nakatira, pero hindi lang ako pumupunta dito. Ngayon lang ako napunta dito." Naging tahimik ulit kaming dalawa at wala manlang gustong mag salita samin kahit isa. Ilang oras din kaming ganun kaya napag pasyahan konang umuwi na kasi mag gagabi narin. Tumayo ako at pinagpag ko yung short ko at tinali lang yung buhok kong nagulo dahil sa lakas ng hangin. Gusto ko mag paalam sakanya kaya lang napaisip ako na wag nalang kaya tumalik na ako at nag simulang mag lakad. Nakaka ilang hakbang palang ako ng may humawak sa kamay. "Hey, where are you going? Aalis kana ba? pwede ko bang malaman yung pangalan mo? Bago ka manlang umalis sana. Kung pwede lang?" Bat gusto niya malaman yung pangalan ko?
Para san pa? Bat ba ang dami niyang tanong nakakaasar ah!"I'm going home na sana, by the way, I'm Mia. And you are?"
"I'm Liam" inaabot niya sakin yung kamay niya kaya no choice ako nakipag kamayan ako sakanya at pilit na ngumiti sakanya.
"Una na ako, baka kasi hinahanap na ako sa bahay. It's nice to see you here" Sabi ko pa sakanya.
"Sige, ingat ka pag uwi mo, it's nice to see you too Mia." Tumango lang ako sakanya at nag simula ng maglakad, nakakailang hakbang palang ako ng lumingo ulit ako sakanya. Nakita ko naman siyang nakangiti ng malaki at kumakaway pa sakin, ngumiti lang din ako sakanya at umuwi na sabahay. Pag dating ko sa gate nakita kona yung kotse ni kuya sa labas. Tumingin ako sa relos ko at tinignan yung oras 'hala 7 na pala patay ako kela mama nito' agad akong pumasok sa loob at narinig kona si mama na nag sasalita.
"Ano natawagan niyo naba? Anong oras na kung san san nag susuot yung batang yun" galit na sabi ni mama, palapit na sana ako kela mama ng makita ako ni kuya 'lagot'.
"Eto na pala si Mia eh, san kaba galing kanina ka paraw hinahanap ni papa at mama! San kaba galing ah?" Pasigaw na sabi ni kuya. Yumuko nalang ako at hindi na nag salita pa, alam ko naman na galit sila sakin. "Ano san ka galing? Kanina kapa rin namin tinatawag hindi mo manlang sinasagot yung cellphone mo! Aba nag cellphone kapa kung hindi mo rin naman sasagutin yung tawag namin" mahabang sabi ni kuya. Tumingin ako kay ate na parang humihingi ng tulong, kaya lang galit rin siya sakin.
"Eh kuya nanjan lang ako sa playground, nag pahangin lang ako dun, staka nakalimutan kong dalin yung cellphone ko wala kasing charge kanina kaya kuya iniwan ko yung cellphone ko sa kwarto. Ma,pa,ate,kuya sorry na, di ko rin naman ginusto na mag alala kayo sakin e sorry" nakangusong sabi ko sakanilang lahat.
"Sige bunso wag mo ng gagawin ulit yun ah" sabi ni ate. "Mag paalam karin kung san ka pupunta ah para di kamo nag aalala ng ganto" sabi naman ni kuya. "Kumain kana ba anak? Gutom kana ba? May pag kain ng niluto ang mama mo, tara kumain na tayo" sabi ni papa.
"Sige pa gutom narin ako hindi kasi ako nakapag meryenda kanina, naiwan ko rin po kasi yung wallet ko sa kwarto hehe." Ngumiti lang ito sakin. Pag punta namin sa kusina hindi ko inaasahan na makikita ko si cathlyn ang girlfriend ng kuya ko. Tumabi nalang ako kay mama. Bale ganto yung pwesto namin
Papa
Ate mama
Kuya ako
Cathlyn vacant
Vacant "
" "Basta ganyan pwesto namin haha. Bale kaharap ko si kuya, tumingin ako kay cathlyn. Tinitigan ko ito ng biglang tumingin sakin kaya ngumiti nalang ako sakanya. Diba sabi ko sainyo kahit ayaw ko sakanya ginagalang ko parin siya. Tahimik lang kaming kumakain at walang balak na mag salita maski isa samin.
Sobrang tahimik ampt.
"Why are you here, ate cathlyn?" Hindi ko pinapalabas na sarkastiko yung tanong ko, pero mukhang napansin ni ate nathalya. Bigla kasi itong tumingin sakin. Tumingin naman si cathlyn sakin na parang gulat na gulat sa tanong ko.
"Mia!" nagulat ako sa pag tawag sakin ni kuya.
"I mean hindi ko lang ineexpect na makita kita dito. Ngayon ka nalang kasi ulit dumalaw" sabi ko habang hinihiwa yung karne.
"Busy kasi ako, this past few days kaya hindi na ako nakakadalaw dito hehe." Sabi niya pa habang nakangiti sakin.
tss busy san sa lalaki niya.
"Busy san?" tanong naman ni ate. Tumingin lang ito sakin at kumindat.
Kahit kelan talaga ate hahaha.
BINABASA MO ANG
THE LOST DAUGHTER
TeenfikceSino nga ba ang tunay na magulang ni hillary? Makakasama pa kaya niya ang tunay niyang nga magulang o ang pangalawang magulang niya na ang makakasama niya, pwede rin naman parehas niya makasama. Ano nga ba ang mang yayare kay Hillary pag nakita niya...