“ Madame Booba, ano po kayang mangyayari sa akin in da nir future?” Napaangat ako ng kilay nang marinig kong mag-English si manong. Aba, inglisero!
Pumikit muna ako saka nagdasal sa latin. Pero kunwari lang.
“Abcdefghijklmnopqrst... Ayan na! Nasisilip ko na!”
Nagulat pa si manong nang sa biglaan kong pagdilat ay nagpatay-sindi ang mga bumbilya.
“Hala! Ano 'yun madame Booba?!” Kinakabahang tanong niya.
Inilahad ko ang mga baraha sa harapan niya.
“Iyan ang aking kapangyarihan. Hinahatid ng hangin ang kapalaran,” sambit ko. Pero ang to too niyan ay si Budoy ang may kagagawan niyan. Si Budoy ang alaga kong aso na mahilig maglaro ng switch. Mabuti na lang talaga at magaling tumayming ang asong 'yon.“Pumili ka ng baraha.”
Kumuha siya ng isa. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at doon naman niya inilapag ang card na napili niya. Muli ko itong dinasalan.
“123 AsawaniMarieWalangPanty—manong may love life ka na?” siryosong tanong ko. Umiling-iling ito at nagaalangang ngumiti. Kinilabutan ako nang masilip ko ang ngalangala niya mula sa bungi niyang ngipin sa harapan. Ah, kaya naman pala! May Bluetooth naman pala itong si manong.
“Naku! Share It na ang uso ngayon, manong.”
Kunot-noong napatingin sa akin si manong.
“Anong sher it?” tanong niya.“Ahahaha! Sher it-o na ang panahon para magka-love life ka. Iyon ang sinasabi ng baraha, manong.”
Muli na namang napangiti si manong. Napapikit na lang ako sa kilabot.
“Maganda ba siya? Sexy? Maputi? Mayaman?” 'di mapakaling tanong niya. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon. Aba't sumusubra na ang isang 'to.
“Sa tabi-tabi, manong. Nandiyan lang siya sa tabi-tabi.”
“G-gano'n ba. Sige, salamat. Ito na muna ang bayad ko.” Nagmadali siyang tumayo pagkalapag niya ng sampung piso.
Naramdaman ko ang pagiinit ng ulo ko at ang paglaki ng butas ng ilong ko.
“ANONG MABIBILI NG SAMPU MO! BARAT KANG HINAYUPAK KA! MAKATULUYAN MO SANA SI GURANG!!!” Halos mag-ala-incredible Hulk ako sa kakasigaw.
Magwawala pa sana ako, kaya lang ay may dalawang taong pumasok sa tent ko. Isang babae at lalaki. For sure, magjowa ang dalawang 'to. Agad ko silang sinalubong ng ngiti, kaya lang pagharap ko sa lalaki ay bigla akong nabanas. Makatingin naman 'to, akala mo papatay!
“Ano po 'yun ma'am?” magalang kong tanong.
“Ah, Gust—” Magsasalita na sana si ateng ganda nang biglang umepal si kuyang pogi—pero kabanas pa rin siya!
“Fortune teller ka 'di ba? Malamang magpapahula siya!” Umirap pa ito sa akin.
Teka! Anong ipinaglalaban ng isang 'to. Kung makapagsalita akala mo may alitan kami dati, e ngayon lang naman kami nagkita.
“A-ah, maupo na po ang magpapahula.” Pinilit ko pa ring ngumiti, kahit na nagmumukha akong nag-i- indorse ng pustiso—pero orig. talaga 'tong ngipin ko ha!
Kinuha ko ang baraha ko at saka nagdasal, katulad nang kanina. Muli na namang nagpatay-sindi ang mga ilaw.
“A-anong nangyayari, miss?” tanong ni ateng ganda. Bigla kong idinilat ang mata ko at tinignan siya ng matalim.
“Parating na ang mga impormasyon sa hinahara—”
“Ow, I got you! Ikaw lang pala ang nagpapatay-sindi ng ilaw ha!”
Natigilan ako at napatingin sa direksiyon nong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang nakaangat na ang kurtina kung saan nagtatago si Budoy. Hala! 'Yung galis niya mabubunyag! Magtatampo na naman 'to.
Lumapit siyang nakangisi sa lamesa ko. Hindi naman ako makapagsalita sa hiya.
“Umalis na nga tayo rito! Sinabi na kasing hindi totoo 'yung mga ganito e!” Napatayo 'yung babae nang hatakin siya nong lalaki. Ilang hakbang na lang bago sila makalabas ay huminto siya sa paglalakad at saka lumingon sa akin.
“Alam mo, miss. Hindi ka lalago sa panloloko mong 'to. Masuwerte ka't hindi ka namin isusumbong, pero oras na makita ko pa ang pagmumukha mo, alam mo na kung saan ang kalalagyan mo!” Pagkatapos no'n ay tuluyan na silang umalis.
Nanlulumong napa-upo ako sa mono block kong upuan. Napatingin na lang ako sa sampung piso ni manong.
“Hanggang saan ang aabutin ng sampung 'to? Kurneto? Kulang pa sa akin 'yon e! Paano 'yung mga kapatid ko?!”
Hinayupak kasi talaga na lalaking 'yon. Malaglag sana siya sa manhole.
Ngayong wala na akong pagkakakitaan sa panghuhula, mukhang kailangan ko ng magisip ng ibang raket na mapagkakakitaan. Espiritista kaya?
BINABASA MO ANG
Kalokohan Story (Janica's Katunggakanture)
ChickLitSiya si Janica Escolta, ang babaeng 'di nauubusan ng raket. Ang babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa pera. Para saan nga ba ang pera? Para mabuhay. Pera na ang bumubuhay sa tao, iyan ang totoo. "Aba't tamang-tama ang tinuran mo, author!" -Janica...