"Jack, we're going to Manila tomorrow at sabi ni mommy doon ko tatapusin ang pag-aaral ko,"
Napawi ang ngiti niya matapos marinig iyon. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Jack Baliton is my long-term boyfriend. We've been together for two years, pero napansin ko ang pag-iiba niya noong nakaraan. Hindi na siya iyong sweet at caring tulad noon. Minsan na lang din kami magkita sa isang linggo.
"Tell me, hindi yan totoo" malamig niyang sabi.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit sa park. Konti lang ang napapadaan dito kaya hindi maingay.
Umiling ako. "No, it's true. Nakaready na ang mga gamit namin,"
"Wala ka palang kwenta eh! Sige umalis ka na, mas mabuti pa nga yun! Break na din tayo! Nagpakatanga pa ako sayo pero hindi rin pala kita matitikman,"
Galit siya pero mas lalong uminit ang ulo ko. How dare him to say that to me?! Bago ko pa siya masigawan ay umalis na siya at tumakbo.
Iyon lang ang habol niya sa akin?!
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ganito ang ine-expect kong mangyayari. Malayong malayo sa inaakala ko.
Akala ko papayag siya sa long distance relationship, hihintayin niya ako at babalikan ko siya rito.
Pero walanghiya! Hinihintay lang pala niya na may mangyari sa amin? Tapos kapag nakuha na niya? Iiwan din lang pala ako?
Fuck, anong klaseng pagmamahal ang meron siya? Liligawan niya ang isang babae tapos kapag naging sila na hihintayin na lang niya yung tamang pagkakataon na makuha niya ang virginity nito?!
What an asshole! Hindi ko alam na ganito siya! Hindi ko alam na nagmahal ako ng gago!
Pinunasan ko ang luha ko at napatulala na lang sa kawalan.
Don't cry, Chandrea. You don't deserve him.
Nakarating ako sa bahay at agad akong sinalubong ni mommy. Ngiting ngiti siya kaya napayuko nalang ako. Ayokong malaman niya na umiiyak ako.
Nang makalapit siya sakin. Napawi agad ang ngiti niya.
"Sweetie, what's wrong? Umiyak ka ba?"
Hindi ko na napigilin muli ang pagbuhos ng luha ko. Para bang tinutusok ng karayom ang puso ko. Siya ang first boyfriend ko, pero heto lang ang napala ko?
Ang akala ko dati kami na ang magkakatuluyan sa huli. Sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin ng magkasama. Pero hindi pala. He's an asshole!
"What happened?"
"Mommy, sana pala nakinig na lang ako sayo dati na huwag muna magboyfriend,"
Agad akong niyakap ni mommy. Humagulgol ako sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko.
"It's okay, Chandrea. Okay lang na magboyfriend ka, pero alam mo ang limitations mo. He broke up with you so that means you deserve someone better than him,"
Mas lalo akong napaiyak. My mommy is kind and sweet. Lagi niya akong kinukulit, kung tutuusin may pagka-childish siya. Mas childish pa sakin.
Tumigil na rin ako sa pag-iyak. Hindi ko dapat siya iniiyakan. I need to be strong!
Tama, hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito. May tao pa na mas deserve ako.
"Stop crying Drea, okay? Aalis na tayo bukas na bukas din."
Matamlay kong tinanguan si mommy tsaka na ako naglakad patungo sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay hindi ko na naman napagilan ang mapaiyak.
Ang sakit sa pakiramdam. Ang sakit sakit. Ano bang ginawa ko sa kaniya para saktan ako ng ganito.
Pabagsak akong humiga sa kama. Kinuha ko ang unan ko tsaka tinabunan ang mukha ko. Kung may paraan lang sana na kalimutan agad ang nangyari ngayong araw, ginawa ko na.
Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ko. Mabilis akong nagpanggap na tulog na. Ayokong makita ulit ni mommy na nasasaktan at umiiyak ako.
"Drea, I know you're still awake."
Napamulat ako at nakita ko agad ang tingin ni mommy. Ang tingin niyang napaka-seryoso.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to pero ako ang may pakana nun. Sinabi ko sa boyfriend mo na sabihin ang lahat nang iyon para mapalayo kayo sa isa't isa. I'm sorry,"
"What?! Mommy!"
"I know this will trigger you but I think this was the best decision to save you from that boy,"
"All this time! Ha! Akala ko nagbago na siya pero yun pala dahil lang sa kagagawan mo?! Mommy naman! Akala ko ba kakampi kita? Bata pa lang ako, ikaw na ang kakampi ko diba? Pero bakit?" Napahagulgol na naman ako.
"Ayokong magaya ka sa mommy mo, s-sakin" nauutal niyang sabi.
Napakunot noo ako dahil sinabi niya. "Ano bang meron sa past mo mommy at tila pinagdidiin mo ako na huwag magaya sayo?"
"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon. You should sleep. Maaga pa tayo bukas." malamig niyang pagkakasabi.
Sinarado niya ang pintuan at iniwan niya akong maraming tanong sa isipan ko. What the hell was that? What she did was wrong but for her that was the best decision to save me? Save me from what? From boys?!
Ayaw niyang magaya ako sa kaniya? Ano bang nangyayari sa mundong ito?! Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan.
Kinabukasan, ginising na lamang ako ni mommy ng maaga. Sinabi niyang maghanda na daw ako dahil parating na ang van na sasakyan namin.
Una kong ginawa paggising ko ay tinignan ang cellphone ko nagbabaka sakaling may text si Jack. Nadismaya ako nang makita kong wala ni isang text na dati-rati naman ay text niya ang bubungad sakin kinaumagahan. I guess, ginusto niya rin ang pinagawa ni mommy.
Matamlay akong sumakay sa van. Sa may bintana ako puwesto at sinandal ang ulo ko sa upuan. Magmula kanina ay malamig na ang trato sakin ni mommy. Hindi kami nag-uusap hanggang ngayon. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagtabi ni mommy sakin.
"I'm sorry, Chandrea."
Sana ganoon lang kadali patawarin ang isang tao kapag nag-sorry na sila. Pero hindi. Hindi ko muna mapapatawad si mommy sa nagawa niya. Naguguluhan ako sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin nang tanungin hanggang sa makontento ako pero naisip ko na hindi lahat ng tanong ko ay masasagot niya. Sa mahabang biyahe ay nakatulog na lamang ulit ako.
BINABASA MO ANG
Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)
Romance⚠️ Warning: Not suitable for younger readers and sensitive minds. This is for mature readers only.