Nagising ako sa sinasakyan kong bus nang bigla itong huminto. Papunta ako sa probrinsya namin, sa Bataan. Birthday kasi ng lola ko na doon nakatira.
'May sumakay lang pala. Ang layo ko pa!' Sabi ko isip nung nakita kung nasaan. 'Makapag-ML na nga lang.'
Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko na lang pinansin. Buti na lang may load ako at malakas pa ang signal dito. Tiningnan ko ang mga online doon sa "nearby".
"Aba maraming naglalaro ngayon ah."
In-add ko yung may pangalan na
"A L U C A R D" para naman may kasama ako. Buti naman at sumali siya. Gusto rin ata ng kasama.Ini-start ko na tapos enter. Syempre ginamit ko si Miya, favorite ko yon at expert na ako doon eh.
Habang naglalaro, pansin ko na sunod ng sunod sakin yung
A L U C A R D yung pangalan na Alucard din yung gamit. Tapos lagi pa niya akong nililigtas, ang lakas niya eh. Tinutulungan niya rin ako makapatay.Nagtype ako. "Oyy Alu! Bakit ba sunod ka ng sunod?"
Sumagot naman siya ng, "Wala lang. Gusto ko kasi na kung nasaan ka, nandoon din ako."
Aba, gumaganon. Kahit papano kinilig ako kaya sumagot ulit ako.
"KS ka naman eh tapos kinukha mo yung mga farm ko. :(" Natawa ako don sa nilagay kong sad face.
"Oops. I'm sorry, ml." Natawa ako pero nagtaka ako sa 'ml'.
"ml?"
"My love." Sagot niya na mas nagpakilig sakin.
Hindi na muna ako sumagot dahil natatawa pero at the same time kinikilig ako.
Level 15 na kaming lahat ng mga kakampi ko. Mas lamang kami sa kills at mas marami kami nasirang turret kaya feeling ko naman panalo kami.
Nakasunod parin sakin yung alucard pero mas marami na akong kills puro support lang siya. Halos lahat talaga ng kills binibigay niya sakin.
Papunta ako sa mid at nakasunod parin siya ng biglang sumugod yung Ruby ng kalaban kasama yung Eudora. Mabilis na naubos yung buhay ko kasi nagulat ako pero nakita kong sinalo lahat ni Alucard pero lumalaban parin.
Tumakbo na ako dahil konting konti na lang yung buhay.
"An ally has been slain."
"Thank you." Tinype ko dahil siya yung namatay para makaligtas ako.
Patuloy lang ang laro at palakas ng palakas na kami pati na rin ang kalaban.
"You have slain an enemy."
"Double Kill, Triple kill."
"An enemy has been slain." KS!!
"An ally has been slain."
"Legendary." Alucard.
"Double kill." Alucard."VICTORY." YES!! Panalo!! Ako MVP neto syempre.
Narinig ko yung word na "VICTORY" sa cellphone ng katabi ko kaya napatingin ako at si Alucard yung gamit niya.
Nakita kong gold siya at ang pangalan niya ay...
Nagpabalik balik ang tingin ko sa cellphone niya at sa cellphone ko. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.
Medyo natulala pa ako kasi, shit, ang gwapo niya besh.
"I-ikaw yung kalaro ko ka-kanina?" Medyo nautal pa ako sa pagtanong.
"Yeah." Natatawang sabi ng gwapong nilalang na katabi ko.
"I'm Alu by the way." Pakilala niya habang nakangiti. Naglahad pa siya ng kamay, syempre inabot ko.
"Miah." Namumula ang mukhang sabi ko. Ang gwapo!!
"Pero Alu talaga name mo?" Tanong ko kasi...ewan ko lang.
"Alu, short for Adrian Lorenz Urielo. My name is too long so I make it short." Sagot niya habang nakangiti.
"Okay." Sagot ko na lang habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"Nice to meet you, Miah, My Love." Sabi niya na ikinapula ng mukha ko.
Sobrang kinikilig na ako. Ang gwapo na, mukha pang mabait. 'Siya na siguro yung destiny para sakin.' Natatawa ako sa iniisip ko.
I think this will be one of the best day in my life. Sana matagal pa yung byahe.
YOU ARE READING
ML, My Love
RandomHe loves mobile legends but he loves her more. He love to play games especially mobile legends but will never play with her heart.