chapter 10

14 4 0
                                    

Title: Awkward

Napakurapkurap ako sa sinabi ni Lauv. Liligawan? Ako? Ha?!

Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya dahil sa intensidad ng titig nya sa akin.

Lumunok ako at nag-isip ng maaring isagot sa kanya.

"Lauv.. di ko alam ang sasabihin ko. Sa totoo lang.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko pagkasabi ko noon.

Totoo iyon! Di ko talaga alam!

"Hindi ko kailangan ng sagot. Liligawan naman talaga kita kahit ayaw mo." Tumayo sya ng maayos sa harapan ko at di nya pa iniiwas ang titig sa akin.

"Madam, okay lang sakin kung iiwasan mo ako. Siguraduhin mo lang na di kita mahahagilap." Ngisi nya at hinawakan ang braso ko.

"Ihahatid na kita. Masakit pa ba puson mo?" Nag-aalalang tanong nya habang maingat akong inaalalayan.

"Sorry wala ako kanina. Inuna ko ang laro ko e." Naglalakad na kami ngayon papunta sa train station. Mas mabilis iyon kaysa sumabay pa kami sa traffic.

"Natext na ni Manda sa tito nya na di ka makakapagtrabaho muna ngayon at sa next week." Aniya.

"Ahh okay." Shit! Parang nauubusan na ako ng pansagot sa kanya ngayon.

Di pwede 'toh! Muka na akong timang dito!

"Lauv, best friend kita. Baka naman selos bilang kaibigan yan?" Paninigurado ko sa kanya at bahagya syang iniwasan dahil sa distansya nya sa akin na sobrang lapit.

"Madam naman.." hinagilap nya ang kamay ko at tinapat iyon sa kaliwang dibdib nya.

"P-pagod k-ka lang Lauv." Nauutal kong sabi sa kanya nang maramdamang sobrang bilis niyon.

Inalis ko iyon sa dibdib nya. Halos mag-init na ang pisngi ko sa klase ng tingin nya sa akin.

Jusko ang stiff ko naman!

"Promise madam, ihahatid lang kita." At inalalayan nya ako

"Lauv, ayokong masira ang friendship natin. Baka mamaya kapag naging tayo tapos magbreak tayo e hindi na tayo magpansinan? Lauv, ayokong mangyari yun." Sabi ko sa kanya ng medyo makabawi na.

"Madam naman! Anong break? Di tayo magbe-break. Promise yun!" Ngiting ngiting sabi nya sa akin at inakbayan ako.

"So ano madam? Tayo na?" Ngising tanong nya habang masaya akong inaalalayan.

Siniko ko naman ang tyan nya at agad syang nag-react.

"Wow violent mo ngayon madam ah? Bullied boyfriend na yata ako ngayon."

"Lauv! Siraulo ka talaga!" Tumawa lang sya at kinulit pa ako.

Nang nasa loob na kami ng tren ay panay ang ngisi nya sa akin. Naka tayo kase sya at ako naman ay naka-upo. Nakahawak pa sya sa hawakan doon at wala na syang ibang ginawa kundi ang ngitian o ngisian ako.

Ang baliw na 'toh.

"Arriving at Yienta terminal station. Paparating na sa Yienta terminal station." Anang ng nagsasalita sa tren.

"Madam tara na." Inalalayan nya akong tumayo at sabay na ulit kaming naglakad papunta sa elavator.

"Madam, di ko na talaga tatanggihan ang kotse na ibibigay sa akin ni mommy." Sabi nya sa akin habang naka-akbay sya sa balikat ko.

"Huh? Bakit? Diba sabi mo, ayaw mong mag-drive kase masyado kang pogi?" Naalala ko pa noon nung mga araw na sinasabi nya yun.

"Aba oo naman madam! Pogi padin naman ako, pero syempre para maihatid ka na rin. Lalo na't tayo na naman diba?" Kumunot ang noo ko sa kanya at siniko ulit sya.

Tumawa lang sya sa ginawa ko.

"Umayos ka Lauv ha!"

"Okay loves. Hay kaya love na love kita e."

Ang nyemas na 'toh!

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon