Sampung taon ako nang makilala ko siya. Magkatabi lang ang aming mga bahay. Nagsimula kaming mag-usap noong nasa terrace kami ng aming mga tahanan. Nahihiya pa kami sa isa't isa dahil hindi namin alam kung paano magsisimula. Ako na ang unang nagsalita.
"Hi." Kahit nahihiya sinikap kong ayusin ang aking pananalita.
"H-hello." Pansin kong medyo nanginginig siya kaya nginitian ko nalang para hindi siya kabahan.
"Bagong lipat ba kayo dito?" Tanong ko.
"Oo." Aniya
"Ako nga pala si Khai Lee, ikaw anong pangalan mo?" Pagpapakilala ko.
"Ako si Kristine Kaye, Kaye ang madalas na tinatawag nila sa akin." Nakangiti niyang sambit.
Hanggang sa nagkwentuhan na kami ng kung anu-anong mga bagay tungkol sa aming buhay. Aaminin ko kahit bata pa lang kami, nagkagusto na ako sa kanya. Sobrang bait at napakamasayahin kasi niya.
Habang lumilipas ang mga araw mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Lagi kaming magkasabay sa pagpasok sa paaralan. Sabay rin kaming umuuwi sa aming mga tahanan. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay.
~~~
Lumipas pa ang mga taon. Naging mas malapit kami sa isa't isa. Ang mga minuto ay parang mga oras kapag kami ay magkasama. Sa tuwing ngumingiti siya ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Sa tuwing lumalapit siya ay parang tumitigil ang aking mundo. Sa tuwing magkahawak ang aming mga kamay, sumasabay ang kabog ng aking dibdib na para bang gusto na nitong kumawala sa kanyang kinalalagyan.
Masaya ako kapag kasama ko siya. Malungkot kapag wala siya. Gusto ko nang umamin sa kanya kaso nauuna ang pagkatorpe ko.
Hanggang sa isang araw, may lumapit sa kanyang lalaki. Ang mga ngiti nila sa isa't isa ay doble ng sa amin. May naramdaman akong kirot sa dibdib ko na para bang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Ang sakit palang makita siyang mas masaya sa piling ng iba.
Nagyakapan sila na mas dumagdag sa sakit na nararamdaman ko.
Nakita ko nalang na papalapit na pala sila sa akin. Umayos ako ng tayo. Hindi ko pinahalata ang sakit na naidulot nila sa akin.
Nang tuluyan na silang makalapit, ngumiti ako ng pilit, ngumiti ako kahit sobrang sakit.
"Khai Lee siya si Miguel, boyfriend ko. Miguel siya si Khai Lee, bestfriend ko." Nginitian ko siya ng pilit at nagshakehands kami.
Mas dumoble ang sakit nang marinig ko ang sinabi ni Kaye. May boyfriend na siya, may boyfriend na siya nang hindi ko nalalaman pero ano nga bang karapatan ko eh BESTFRIEND niya lang ako. At yun yung mas masakit na hanggang dun nalang ang kaya niyang ibigay sa akin.
Nagpaalam na ako sa kanila at kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagpatak ng luha sa mata ko.
Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na lang ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto ko nang hindi pinapansin sila mama. Siguro naguguluhan sila sa inaakto ko ngayon kasi kilala nila ako na masayahin at walang problema sa buhay. Pero ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko. Na parang pinatay ako ng paulit-ulit.
Sobrang sakit, sobrang sakit na umasa ka na magugustuhan ka rin niya, na mamahalin ka rin niya. Pero sino bang may kasalanan? Diba tayo rin naman, kasi tayo yung umasa, tayo yung umasa kahit walang kasiguraduhan. Tayo yung sumugal, sinugal natin yung puso natin kasi umaasa tayong mamahalin rin tayo ng taong yon. Pero tayo ang may mali, kasi sumugal pa rin tayo kahit hindi natin sigurado kung tayo yung mananalo. Tapos kapag natalo tayo, wala tayong masisisi kung hindi yung sarili natin.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali. (One Shot)
RandomPangako mamahalin kita hanggang sa Huling Sandali ng buhay ko. - Khai Lee