Yamyam's POV
Lumilipas ang bawat araw hindi ko alam kung magiging masaya ba ako or malulungkot feeling ko kasi parang may mali parang may nararamdaman ako masakit banda sa dibdib ko.
Usually hindi ko naman ito nararamdaman masayahin akong tao laging positibo sa buhay..... Pero ngayong kahit anong pigil ko hindi ko siya mapigilan maramdaman at nararamdaman ko lang naman ito sa dalawang particular na tao.....
Si fumiya at lie....... Hayyyy ayan na naman sila naghaharutan sa tapat ng lababo parang ang saya saya naka tingin lang ako habang nagsusuklay sa may gilid sa may salamin hindi ko alam kung bakit dito pa ako nagpa pa gwapo meron naman salamin sa kwarto.... Pero sino ba niloloko ko eh kaya ako dito nagsusuklay kasi umaasa na ma pansin nya.... Kahit saglit lang kahit tingin lang......
Pero feeling ko hindi busy kasi sya makipagtawanan kay lie all eyes pa sya..... Hayyyy napa bunting hininga na lang ako.... Namo miss ko yun dati.....
Dati na sa akin lang sya tumatawa ng ganyan nasa akin lang ang atensyon nya sa akin lang ang mga ngiti nyan ganyan....... Nararamdaman ko na naman yun kirot na hindi ko maipaliwanag jusko parang gusto ko na pumasok ng confession room at sabihin kay kuya na magpatawag ng doktor baka kasi may sakit na ako sa puso.....
"selos ka nohhhh..." bigla akong napalundag ng mula sa Kaliwa ko sumulpot si kiara.....
Napatingin ako sa kanya at nagtataka "a-anong selos s-sinong nagseselos?" tiningnan ko sya ng mabuti kasi bigla bigla na lang sumusulpot at nagsasalita ang babaeng ito.....
Lumapit sya ng kaunti sa akin at tinitigan ako " ang sabi ko selos ka kay fumiya at lie" nangingiting sabi nya sa akin at pinatong pa ang kamay sa balikat ko.....
And then it hit me nagseselos nga ba ako tiningnan ko ulit sila sa salamin at huling huli ko na nakatingin si fumi sa amin medyo naka kunot ang noo pero saglit lang yun kasi biglang bumalik ang tingin nya kay
Lie at ngumiti ulit....... Hayyyy ayan na naman yun sakit na nararamdaman ko bigla ako napa hawak sa dibdib ko....."aminin mo na kasi na nagseselos ka hahahahha" nakangiting Saad nya sa akin at niyakap ako sa braso at sinandig ang ulo nya sa balikat ko " don't worry brother I got ure back" sabay kindat sa akin habang naka ngiti.
"alam mo echosera ka rin noh at sinong nagseselos tssskk ako masaya nga ako at may nakaka usap siyang iba bukod sa akin eh atleast diba" sabi ko sa kanya ( si kiara ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?) tanong ng akin utak.... "hindi talaga ako nagseselos pramis......" sabi ko kay kiara pero mas sa akin sarili kaasar.....
Tumango sya at mapang asar na ngumiti "OK sinabi mo eh perooooo titingnan ko pa rin kung sino mas seloso" kumindat na naman ang bruha jusko naiilang na ako sa isang ito ah......
"ah eh.... Kiara pwede layo layo kasi hindi tayo talo mamaya kung ano pa isipin nila jusko ma bugbog pa ako ni gino....." biro ko habang inaalis yun kamay nya na nakapulupot sa braso ko.
Ngunit lalo lang nya hinigpitan ang lapit at tumatawag (ano kaya nakakatawa sa ginagawa nya) tanong ng akong isip...." shhhh chill ka lang may inaalam lang ako hahahha tsaka hindi din tayo talo noh mahal ko kaya si gino......" habang tumatawa na may kasamang harot jusko ano kaya sumapi sa babaeng ito lakas tama eh.....
Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na nag ayos ng buhok pero pag tingin ko sa salamin na huli ko na naman na nakatingin sa akin si fumiya pero this time mas malalim na ang kunot sa noo at yun titig nya jusko kung hindi mo sya kilala natatakot ka talaga yun tingin nya na tipong may papatayin... Ngunit saglit lng yun dahil bumalik yun tingin nya kay lie pero this time hindi na sya nakangiti mukhang seryoso pero kahit na mashaket pa rin sa heart.....
Maya maya nagsalita si kia kia "mukhang may bagyo na alis na ako baka matamaan ako eh pero last push hahahaha gusto ko maging signal number 8 dito sa bahay eh...." naguguluhan ako sa sinabi nya pero nagulat ako sa sumunod nyan ginawa hinalikan nya ako sa pisngi pero ramdam ko na wala naman malisya " ayan ikaw na bahala mag payapa sa bagyo ah" natatawa niyang sabi sabay alis at labas sa garden area....
Naguguluhan man pero napangiti na lang ako kasi minsan talaga may pagkatopak ang mga Japanese tsskkk tsskkk may kilala kasi akong topakin din eh...... Habang napangiti at nasa kawalan bigla akong nagulat dahil biglang may sumigaw.....
"omaygastossss what happened to this country taraaaaggaaaaaa.......!" sigaw ni fumi..... Nakita ko na nagdadabog na gumagalaw sa kusina at nakasimangot na parang bata.....
Lumapit ako at nagtanong "what happened ba?" inosente kong tanong "wara!" habang padabog na nagpunas ng pinggang gamit ang basahan sabay biglang alis at pumunta sa kwarto ng nakabusangot.
Si lie naman ang tinanong ko "anyare dun?" nagtataka kong tanong sa kanya
"hindi ko din po alam eh basta bigla na lang nagalit at nag sungit" napaka mot na lang sa ulo so lie at itinuloy ang hugasin.Napakamot na lang din ako sa ulo tskkk yun hapon na talaga yun may mood swing daig pa ang babae napapailing na lang ako at umupo sa may sofa napaisip ako
Nagseselos nga ba ako?........
At bakit kaya tinotopak na naman ang hapon na yun?.........
YOU ARE READING
What if's - Fumiyam ( One Shots)
RomanceHi guy's this story is for teambabe only hehe don't take it seriously ginawa ko ito para mailabas ang pagka fangirl ko sa dalawa. First time ko gumawa sorry kung pangit try ko lang naman since miss ko na sila hehe dito ko ibubuhos ang pagmamahal ko...