C14" I love you"

5.6K 947 45
                                    

RID2#CHAPTER 14
I LOVE YOU

Paglabas ko ng lift ay kumakain na ang mga taga IT.

"Uyyy Rikky, salamat sa Jollibee" ngiti ni Moses sa akin.

Kumuha ako ng pineapple juice at tumabi kay Pharoah.

"Nasaan si Pain at Nate?" I asked them.

"Nasa banyo si Pain, si Nate nagresign na, si Boss nasa seminar" Moses said.

"Nagresign?" I asked.

"Oo mga one week after mong umalis" Pharoah said "na-broken hearted yata sa'yo" dagdag pa niya.

"Sira ulo" tawa ko nalang, sakto naman na bumalik na si Pain.

"Balik trabaho na nga kayo, shooo" taboy niya sa dalawa at saka ako tinignan ulo hanggang paa.

"Ang quick naman ng quickie" saad niya.

"Uminom ka ng holy water,. iyang bunganga mo talaga" sita ko.

He rolled his eyes. "Akala ko mamya ka pa? Ano iyon ihinatid mo lang ang jowa mo?"

"May bisita kasi siya" I said.

Tumingin siya sa relo niya. "Paalis ako, sama ka?"

"Saan?" I asked.

"Sa Satellite office"

Napaisip ako. Iiwan ko ba si Gavin? Baka magalit na naman.

"Sige" I said. I need air, bahala si Gavin sa buhay niya for now.

Pero hindi pa kami nakakaalis ay tumatawag na ang direct line ni Gavin.

"Where are you going?" he asked.

"Sasama lang ako kay Pain"

"Without telling me?"

Hindi ako makaimik. Ano nga ba ang sasabihin ko.

"Kinakausap mo pa naman ang pinsan ko" I managed to say.

"She already left but I have to go somewhere, bibili pa pala ako ng cellphone will you be ok for today?

"Ok" sang-ayon ko nalang.

"And Marikit" he sighed.

"Hmmmn?"

"I love you" he whispered.

Tumingin ako sa camera sa kisame. Alam kong nakamasid siya sa CCTV.

I smiled at him. "I think the feeling is mutual" sambit ko.

"Fuck! Stay where you are" sabi niya kaya natawa ako lalo nang marinig ko ng mga kaluskos ni Gavin sa linya.

"Hoy ateng, malelate ako sa kalandian niyo ni Gavin" irap ni Pain.

"Saglit lang, magretouch ka muna, humuhulas ang make up mo" sabi ko sa kanya para magpunta nalang siya sa banyo muna.

"For real? Sabi ng hindi maganda iyong foundation na iyon eh, diyan ka muna" he said and rushed to the toilet.

The lift opened at ang nagmamadaling si Gavin ang iniluwa non.

"Now tell it to my face Ma'am" sambit niya sabay hawak sa aking mukha.

Natawa ako sa demand niya.

"Ang alin?" Maang ko.

"Damn it do not play jokes with me. Sumisikip ang dibdib ko"

"Say it" he grunted.

"Ang alin nga?" Tawa ko.

Bumuntong hininga siya. "Fine kung ayaw mo di huwag" inis na sabi niya.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon