The Last Letter

6 0 0
                                    

Dear Gabby,

Happy 3rd Anniversary. Ilang taon na pala ang lumipas simula noon una kita makita.

2nd Semester, 2nd Year College days....

"Sige na, lapitan mo na!" Sabay tulak ng dalawang babae sa kanilang kaibigan.

"Oo na." Ang sabi ng babae sabay hampas ng papel sa dalawang kaibigan.

"Gabby naman, hindi naman kalandian to eh para sa research natin to. Kung ayaw mong lapitan ako lalapit, sige ka!" Sabi ng isang babae.

" Sige na nga." This is a crucial situation for Gabby, despite na tahimik siyang babae, napakamahiyain pa. But she is a college student now, and she needa to change herself. She needs to have confidence specially for the course that she's taking, education.

"Excuse me. I am Gabriela Vergara from College of Education, major in PE" Sabi niya sa isang grupo ng students from College of Criminology sabay tingin sa kanyang mga kaibigan sa likod who was rooting for her.

"I heard some of you are sports player, meron kasi kaming research for sports, pwede bang pakisagot tong survey questions?" Tanong ni Gabby, hoping to get their approval.

"Oo sure, itong si Johan football player to." Sabi ng isang guy sabay turo kay Johan.

I didn't expect to fall inlove again after all the heartbreaks that I've been through.

After 7 months...
1st Semester, 3rd Year College days

"Hi Gab." Sabi ni Johan habang naka tayo sa labas ng pintoan ng classroom ni Gabby.

"Johan ikaw pala." sagot ni Gabby kay Johan

"Ehhh andyan nanaman suitor mo!" Tuksong sabi ng dalawang kaibigan ni Gabby habang papalabas ng classroom.

"Oy kayo talaga!" Sabi ni Gabby sabay hampas sa dalawa.

"Uwi na kami ah. Bye Mr. Criminology." Paalam ng dalawang kaibigan sa kanila.

"Ba't ka andito?" Tanong ni Gabby habang sila ay nalalakad.

"Halika, may papakita ako sayo." Sagot ng binata sabay hila ng kamay ni Gabby patakbo. Pumunuta sila sa garden ng school. It was a lovely night with the bright moon shining above them.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ng dalaga na hinihingal dahil sa kakatakbo.

"Dito sa lugar nato, dito kita nakita, nagbabasa ka dito noon habang ako naman nagtatraining class." Paliwanang ni Johan. "Hindi ko maalis tingin ko sayo eh. Hindi ko mapaliwanag kung bakit, pero yung moment nayon, January 19, 2013, bumilis yung tibok ng puso ko."

"Bola!" Asar ni Gabby sabay pabirong hampas kay Johan sa ulo.

"Totoo. Kaya ngayong nakilala na kita, hinding hindi na kita pakakawalan Gab!" Sigaw ni Johan sa garden ng school. Bigla siyang lumuhod sa harap ni Gabby.
"Alam ko naman na hindi kapa ready para sa isang relasyon, pero gusto ko lang isigurado kung may pag-asa ba ako sayo?"

"Ano kaba tumayo ka nga." Ilang na sabi ni Gabby habang tinatayo si Johan.

"Hindi ako tatayo dito Gab hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko. Do I have a chance Gab? Hindi naman ako nag mamadali eh. Gusto lang malaman kung gusto mo bang ipagpatuloy ko to." Convinsingly said by Johan.

"Handa kang maghintay? Kahit hanggang pag graduate natin?" Tanong ni Gabby habang naka pamiywang.

"Oo naman." Sagot ng nakaluhod na binata.

"Okay. That's a challenge for you." Sabi ni Gabby

"Really?" Tanong ng binata sabay tayo. "Challenge mo din na wag kang mainlove agad."

"Feeling mo!" Sabi ni Gabby sabay tulak sa binata. "Halika kana nga."

I saw something in you. At habang unti unti kitang nakikilala, nakaramdam ng pag-asa na may magmamahal sa akin ng tunay, na hindi ako sasaktan at hindi ako ipagpapalit sa iba. At naramdaman ko yun sa pag-aalaga at sa pagpapahalaga mo ang pamilya mo.

"Ba't ka umiiyak?" Worriedly asked by Johan sa umiiyak na si Gabby.

"Wala na si Mama Jo." Sagot ng dalaga habang hinahabol ang hinga sa kakaiyak sabay yakap kay Johan.

"Iiyak mo lang yan." Comfortly said by Johan habang hinihimas ang likod ng dalaga.

After one week...

"Kailan ka babalik sa school Gab?" Tanong ni Johan over the phone. "Malapit na finals natin."

"Hindi ko na alam Jo, umalis na si Papa." Hagolgol na sagot ng dalaga. "Hindi ko na alam gagawin ko, wala nang mag papa-aral sa kapatid ko."

Ikaw ang pinaka malakas na babaeng nakilala ko. Ang ibang tao makikita ka na mahina, pero pagnakilala ka nila ng tuluyan makikita nila kung gaano ka bumangon para sa kapatid mo. Mas lalo hindi ako sumuko na pasagutin ka. Kasin I want to see you succeed in life. And I want to be part of it.

Graduation day 2016

"Congratulations Gab!" Sigaw ni Johan pagkatapos ng ceremony sabay bigay ng boquet of flowers kay Gabby.

"Thank you." Sabi ni Gabby habang tinatanggap ang flowers at niyakap niya si Johan. "Congratulations Jo. I love you."

"Huh?!" Gulat na gulat si Johan when he hearf those three words that came from the mouth if the girl he love and waited for 2 long years. "Ii--s that true? Totoo ba yung narining ko? Sinasagot mo na ako?"

"Yes," Gabby said confidently. Atlast, she is finally taking step towards bravery. Bravery to fall inlove.

Pero anong nangyari sa atin Gab? Naghintay naman ako, pero bakit ikaw sumuko sa atin? Kaya naman natin diba? Sobrang dami kong tanong sa isip ko hindi ko masagot kasi wala ka. Iniwan mo ako. I promised to wait for you to love me Gab, how can you not believe that we can achieve our dreams together? Or maybe hindi mo ako sinali sa mga pangarap mo. Handa naman akong maghintay ulit Gab. I will never lose hope.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Here AgainWhere stories live. Discover now