Chapter 45

29 0 0
                                    

⚜️ Meet New Friends ⚜️


Mellea's POV

Nagising ako nang may maramdaman akong kumakalikot sa ulo ko. Napamulat agad ako at marahan kong kinusot ang mata kong nag-aadjust pa sa liwanag ng paligid. Nang malinaw ko nang nakikita ang paligid, nabigla na lang ako ng malaman kong hindi pala ako nakabalik ng guild kagabi.


Nandito pa rin ako sa gitna ng kagubatan at nakakapagtaka dahil may naka-balot na sa aking piraso ng tela. Umikot ang tingin ko sa gilid ko pero wala akong nakita.


Ngunit, ikinagulat ko ang dalawang nilala na nasa likuran ko ngayon.


"Waaaaaa!!!!" gulat na napatayo ako sa dalawang kakaibang nilalang na nakangiting nakatitig sa akin.


Ang isa ay may papak at nakalutang sya sa hangin at ang isa naman ay may matabang pangangatawan na hanggang beywang ko lang ang taas,may dala syang pamalo na malaki at may sombrero syang dahon sa ulo.


"Sino kayo?! Lumayo kayo sa akin!!" naisigaw ko na lang habang umaatras palayo sa kanila. Takot na tako pa din ako dahil ngayo lamang ako nakaita ng mga ganitong nilalang.


Oo, nakakita na ako ng demonyo at halimaw pero nakakatakot pa rin pala talaga kapag nakita mo sila sa malapitan at 'yong ngayon mukhang hindi din naman sila mukhang mga masasamang nilalang.


"Prinsesa! Hindi kami masasama." dinig kong sabi ng nilala na may matabang katawan.


Kahit papaano ay kumalma ako sa sinabi nya, sa itsura nila ngayon hindi naman mukhang mananakit sila.


"Maniwala ka sa sinasabi ni Naron, Prinsesa. Hindi kami masasama. Katunayan kami ang nagbigay ng balot sayo upang mainitan ka sa malamig na gabi." sabat ng babaeng naka-lutang sa hangin. Sa tingin ko isa s'yang fairy kagaya ni Tinkerbell.


"G-ganun ba? S-salamat sa inyo." nahihiyang tugon ko. Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil hinusgahan ko sila agad, hindi naman sila talaga mukhang masasama kasi kung may gusto silang gawin na hindi maganda sa akin, nung gabi palang dapat wala na ako.


"Wag ka na mag-alala, Prinsesa. Ayos lang, naiintindihan ka namin! Wag na po kayo sa susunod magpaabot ng gabi dito dahil may mga mas kakaibang nilalang pa po ang gumagala dito sa gabi. Mabuti na lamang ay nakita po namin kayo dito." nakangiting sabi nito at ganun din ang kasama nya na nagngangalang Naro.


Marahan namang ako lumapit sa kanila para suriin ang mga kahanga-hangang mga nilala na ito dahil hindi naman talaga sila masasama siguro naman ay pwede kong silang maging kaibigan.


"Salamat ulit," tugon ko.


Iniunat ko ang aking kamay para hawakan ang mukha ni Naro, natutuwa kasi ako sa kanya ang cute-cute para syang si Wuba sa pelikulang napanood ko. Halos magkamukha talaga, nga lang ang pinagkaiba nila ay hindi sya raddish.


"Pwede ko bang hawakan ang iyong pisngi?" tanong ko ngunit hindi sya sumagot. Napansin kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Tila ba napangiti sya sa sinabi ko.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon