Pagpasok ni Ella sa KFC ay agad siyang dumiretso sa 2nd floor nang naturang fast food chain, doon kasi ang meeting place nila ni Trace. Agad din naman niyang nakita ito, hindi lang dahil sa namumukod tangi ang kagwapahuang taglay nito, kundi dahil nakasuot pa din rin ito ng Suit & Tie na suot nito kanina sa opisina. At parang gusto niyang matawa ng sobra habang titig na titig na nakamasid sa paglapit niya.
"Good evening, Mr. Hendelson." Pormal niyang pagbati sa binata.
"Oh come on, Ellary, just drop the formality." Naiiling nitong utos na halatang hindi sanay na ganoon siya kapormal sa harapan nito.
"But why? Diba pag-uusapan natin yung tungkol sa business deal na pinopropose mo?" pormal pa rin niyang sagot upang mas lalong inisin si Trace.
"Yeah, I know that." Sang-ayon nito habang nilingon-lingon ang kanilang paligid. "Are you sure you don't wanna eat somewhere else?" halata pa sa kilos at salita nito na hindi ito komportable na naroon sila sa isang fast food imbes na sa isang fine dining restaurant. "I can call and make a reservation at---"
"Dito ko gusto." Pagmamatigas niya kalakip ang mapang-asa na ngiti. "Nagki-crave ako sa gravy nila."
"There is this new restaurant in---"
"Ayaw." Mabilis na putol niya sa suhestiyon nito. "Kung ayaw mo dito Mr. Trace Hendelson, you may go. Basta ako, kakain ako." Sabay tayo para sana iwan ito.
"Wait," pigil nito nang hawakan ang kaniyang braso. "Fine. Let's eat here." Pagpayag nito kalakip ang pilit ng ngiti. "Ako na lang ang oorder, wait for me here."
"Okay. Spicy Chicken sa akin, and sundae, bucket of fries, and make sure maraming-maraming gravy." Utos niya ng bumalik sa pagkakaupo at hayaan si Trace na umorder para sa kanila.
"Naglilihi ka ba?"
"Oo."
"Sinong Daddy?"
"Yung alagang goldfish ng kapatid mo dun sa office niya."
"Wow. Invite mo kong Ninong, ha?" Kunwaring manghang reaksyon ni Trace na halatang nang-aasar lang naman.
"Pwede ba bilisan mo na lang?" irap niya rito dahil nagugutom na talaga siya. "Kapag hindi ka pa umalis, kakainin kita ng buhay!"
"O-okay..." Nanlaki ang mata ni Trace sa kaniyang binitawang salita. Buti na lang at hindi na ito nag-react pa at mas pinili na lang manahimik at umalis.
Doon lang din niya na-realize na medyo may kakaibang meaning nga ang sinabi niya. Anak ng tokwa ka naman Ella, maghinay-hinay ka nga! Kaunting pa Maria Clara naman!
Makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik na ito dala ang order niyang pagkain. Tinulungan naman din niya ito sa pag-aayos ng mga iyon sa kanilang table. Mabuti na nga lang din at maganda ang nakuha nitong pwesto, naroon sila sa may bandang sulok katabi ng glass wall kaya't may rason siya para pagmasdan ang paligid imbes na tumitig sa mukha ng gwapong kasama.
"So what do you want me to do?" pormal na tanong niya habang kumakain sila.
"Can we save that for later and just enjoy the meal first?" suhestiyon ni Trace na halatang enjoy na enjoy din naman sa pagkain ng hawak nitong Chicken.
Aayaw-ayaw ka pa kanina tapos ngayon ikaw pa pala tong mas excited kumain. Kahit paano'y palihim siyang napangiti sa itsura nito ngayon. Sino ba naman kasing mag-aakala na mapipilit niyang kumain sa isang fast food chain ang isang kagaya nito na galing sa napakayamang pamilya at mas sanay na kumain sa mga mahal at kilalang restaurant. Siguro ay kung makikita ito ng ibang empleyado ng kanilang kompanya ay tiyak na hindi maniniwala ang mga ito.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romans(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...