Chapter 3

1.3K 35 3
                                    

Pagdating sa Shangri-la Makati ay may ilang beses pang nag-sign of the cross at nag-usal ng dasal si Ella. Kahit ilang beses na niyang pinapractice sa harap ng salamin ang kaniyang mga gagawin at sasabihin ay para pa rin nagkakarerang kabayo pa sa bilis ang kalabog ng kaniyang dibdib.

Inhale, exhale, inhale, exhale... ulit-ulit na usal niya habang nasa harapan ng salamin sa comfort room. Mabilis na drama lang to, tapos walkout ka na agad! Wag kang sasablay! Kaya mo yan, girl! Isipin mo lang nasa school play ka ganern...

Makailang ulit rin niyang tinignan ang sarili para masiguradong maayos ang kaniyang itsura. Inisip niyang special ang araw na ito kaya naman sinigurado niyang maayos na maayos siyang haaharap kay Trace at sa girlfriend nitong si Atasha. Parte ng pagpapanggap niya sa gabing ito ay ang mapaniwala na siya ang tipo ng babae na magugustuhan at kahuhumalingan ni Trace.

Kung may isang bagay na higit niyang natutuhan sa Theater Arts Club niya, iyon ay total performance, kumbaga ay ibigay mo ang lahat ng acting mo mula ulo hanggang paa, mula physical appearance hanggang sa emosyon para mukhang kapani-paniwala sa lahat ng makakasaksi. Kaya naman ito siya ngayon at nakaayos ng todo na animo'y sasabak sa photoshoot dahil sa ganda ng ayos ng buhok, damit, at make-up. Ika nga daw ay dapat palaging showtime!

Suot ang Red cocktail dress na pencil cut at may malalim na V-neck style ay na-emphasize ng sobra ang malulusog niyang dibdib at ang magandang kurba ng kaniyang balakang. "Inhale, exhale... hmmm, ayan... let's go! Malula kayong lahat sa dibdib ko!" tatawa-tawang biro niya upang pakalmahin ang sarili.

Mabuti na lang talaga at noon pa lang ay maalaga na siya sa kaniyang kutis kaya naman sa mga ganitong klase ng pagkakataon na kailangan niyang umarte na mukhang sosyal at ganda-gandahan ay talagang hindi siya magpapahuli. Simple ngunit seductive ang klase ng make-up na kaniyang ginawa, at may kaunting curl din sa may bandang dulo ng kaniyang nakalugay na buhok. "Okay. Wala ng atrasan to! Let's go! Fighting!"

Pagpasok ni Ella sa restaurant ay napansin niyang may iilan na mga customer ang lumingon sa kaniyang direksyon, maging ang babaeng receptionist at mga lalakeng waiter na nakasalubong niya papasok ay pawang nakapako ang tingin sa kaniya. Mabuti na lang pala talaga at tama ang ideya niyang magsuot ng kulay pulang damit dahil totoong agaw atensyon iyon. Feeling tuloy niya ay siya ang bida-kontrabidang babae sa teleserye na si Ruby. 

Hindi naman na siya nahirapan hanapin ang lokasyon ni Trace at nang girlfriend nito dahil pagdating pa lang ng mga ito sa venue ay agad siyang kinontak ng binata. Sinabi nito kung saan ito malapit nakapwesto at kung ano ang kulay ng suot nito pati na ni Atasha.

"Hi, Good evening," buong pormal na pagbati ni Ella. "What are you doing here, Love?" Aniya ng balingan ng atensyon ang lalake.

"Ella. Uhmm.. Ah, wow...you look magnificent." Halos nauutal nitong sabi habang hindi nakatitig sa kaniyang mukha at kasuotan.

Kung hindi lang niya alam na nagdrama sila, baka isipin niyang totoong nagulat nga ang binata sa pagdating niya. Kunsabagay, ganito naman lagi ang inaasal nito sa tuwing darating siya sa eksena. Akala mo totoong sising-sisi sa ginawang kunwaring pagtataksil.

"Thank you, babe." Iba yata ang acting at dialogue ng mokong na to ngayon? "I wasn't expecting to meet you here this early" kunwaring sabi niya sabay beso sa pisngi nito para mas magmukhang makatotohanan ang acting niya. "Ang sabi mo ay may business meeting ka pa diba?"

Sa gilid ng kaniyang mata ay pasimple niyang pinagmamasdan ang babae na nagngangalang Atasha. Sa picture lang kasi niya ito nakikita pero ngayon na kaharap na niya ito ay masasabi niyang napaka-sopistikada ng kilos nito. Hindi tulad ng ibang mga babae na nag-eeskandalo agad kapag pumapasok na siya sa eksena. "Oh, my apologies, may kasama ka pala? Is she the new business partner na kinukwento mo sa akin kagabi?" At saka ibinaling ang atensyon sa babae at nginitian ito ng matamis. Kunwari ay bait-baitan siya at inosente na walang kaalam-alam sa nangyayari.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon