Sheila's POV
Hahahahaha!!
Ako na naman ang nag-wagi hahaha!!
Akala nila malalamangan na nila ako dahil iniwan nila ako sa ere?? Tss.. As if naman, in their dreams hahaha.
"Hey Ate Sheila, umiiral na naman yang pagiging demonya mo."
Ito ang ayoko pag sinasabi ko dito sa batang toh lahat ng ginagawa at gagawin ko eh.
"Okay lang yun baby, ikaw naman yung demonyita eh."
Nakita kong nag-pout siya sa sinabi ko.
"Angel kaya ako, ikaw lang demon diyan dinadamay po ako."
"Bakit si satanas dati din siyang angel diba? Kaya wag ka ng choosy."
"Tseee."
Pinagpatuloy niya na lang yung pagkain niya. By the way siya si Sheena, my younger sister. 2nd year high school, same school as mine.
"Ate Sheila, Ate Sheila, Ate Sheila!!"
Narinig kong may tumatawag sakin.
Nung lumingon ako nakita ko yung mga kaklase nitong kapatid ko na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Malamang sa direksyon namin, ako yung tinatawag eh, alangan naman sa lalaking nagtitinda dito sa canteen??
"Bakit? Pumalpak ba?"
Nakita kong nag-form sila ng evil smile, so ibig sabihin nun success.
"Nasaan si Carl, at yung dalawang lalaki pa?"
"Nandun po sa Guidance, kinakausap na po sila ni Ms. Chua, kasama na din po dun yung Aya ba yun."
"Ah sige, sige, dun. kayo susunod ako dun para makibalita."
Tumakbo na ulit sila papunta sa Guidance, nakita ko na naman tong kapatid ko na nakatingin sakin ng masama na akala mo nakapatay ako ng tao.
"Oh ano tinitingin-tingin mo??"
Pagtataray ko sa kanya.
"Ang sama mo talaga. Isusumbong kita kay Mommy."
"Wag ka nga, ibibili na lang kita ng poster ng Exo, manahimik ka na lang diyan señorita."
"Okay señora."
Ang babaw talaga ng kapatid kong ito.
Inaayos ko na yung gamit ko, para makasunod ako dun.
BINABASA MO ANG
Instant Girlfriend (REVISING)
FanficAng pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong umayaw-aayaw ka na.