Samantha's POV
Ano ba itong si Desiree at Juvie, napakadali namang pagdugtung-dugtungin nung mga information na binigay nila sakin eh. Akala ko pa naman masyadong complicated hindi naman pala, wala tuloy thrill.
"So ibig sabihin si Sheila talaga may pakana ng lahat?"
Pagtatanong sakin ni Louisse.
"Oo, obvious naman eh. Gusto niya magkasira-sira kayo. Gusto niya rin na mag-isa na lang si Aya, yung parang lahat ng tao galit sa kanya."
Pag-explain ko naman sa kanila.
"Eh bakit kasi ang tigas ng ulo ni Aya eh, kung naniwala lang siya satin dati hindi na mangyayari ito."
Sabi ni Louisse na parang naiinis na nanghihinyang na chorva.
"Kaya nga eh. Napakadaling ma-uto kasi nun eh."
"Oo nga."
Silang dalawa lang ang nag-uusap. Pag may tanong lang sila dun lang ako nagsasalita.
"Kailangan malaman agad ni Aya toh."
"Oo nga, para happy ending na."
Tumingin silang dalawa sakin.
"Oo na, ako na mag-sasabi sa kanya."
Aya's POV
Haaay 2nd day ko pa lang na walang pasok boring na ako huhuhu :(
Wala man lang bang bibisita sakin??
Habang ako ay nagiisip ng gagawin ko sa 2 weeks, bigla kong nakita si Jerkey.
Naalala niyo pa ba yung teddy bear na bigay sakin ni Tristan??
Kinuha ko na si Jerkey dun sa pinakalalagyan niya.
"Hey Jerkey, namiss mo ako?? Sorry ha, busy kasi talaga ako. Super busy ako na mag-drama eh."
Pagpasensyahan niyo naman ako, ganyan talaga ako pag nababaliw este naboboring pala.
Inupo ko na si Jerkey dun sa kama ko, tapos kinuha ko na yung gitara ko.
"Makinig ka Jerkey kakanta ako."
So nag-start na akong mag-strum ng guitar.
Pa-iba iba pa yung tinutugtog ko, pero sa dulo sa Amnesia din ang babagsakan ko.
BINABASA MO ANG
Instant Girlfriend (REVISING)
FanficAng pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong umayaw-aayaw ka na.