Chapter 4

1.2K 31 4
                                    

"Ano nga pala ang gagawin mo bukas, Ella?" tanong ni Trace habang kumakain sila. gaya ng sabi nito ay inilibre nga siya nito ng dinner at hindi ito nagsisinungaling ng sabihin nitong masarap ang special Lechon Baboy na nakalagay sa special menu ng restaurant ng gabing iyon. Kahit paapano ay doon natuon ang atensyon niya matapos ang naganap na eksena.

"May kick-boxing session ako sa gym."

"You're taking up kick-boxing lessons? Since when?"

"Since you and Jace started pranking me? Kailangan ko ng self-defense para mabugbog ko kayong dalawa pagdating ng tamang panahon."

"You really hate us that much, don't you?" di makapaniwalang reaksyon ni Trace na saglit pang napatigil sa pagkain at tinitigan siyang maigi. "Hindi ba nadidistract sa ganda mo yung trainer sa gym niyo?"

"Babae yun."|

"Oh really, what's her name?" excited na tanong nito na parang di galing sa break up.

"Nevermind." Grabe talaga ang pagiging playboy nito.

Hindi na nga siya magtataka kung isang araw ay mabalitaan na lang niyang may magki-claim na nabuntis nito. Kunsabagay, no one would ever dare touch any member of the Hendelson Family. Especially, Trace Hendelson, heir to one of the biggest Electronics Corporation in the country. At ang tulad nito na alam kung paano ima-manipulate ang lahat ng assets nito para masiguro ang kaligtasan nito, hindi ito basta-basta makakanti ng sino man. Lalo pa't bihasa rin ang lahat ng magkakapatid na Hendelson sa physical combat at paggamit ng mga weapons dahil ang pamilya nito ay nagmamay-ari din ng pinakamalaking security agency na nagdedeploy ng mga highly skilled officer sa buong Asia.

Trace had surrounded himself with everything he needed, which unfortunately, also made him a spoiled man that can get away with anything. Especially with women. Lagi kasing may sumasagip dito. Tulad niya.

But right now, she's decided that she'll no longer help him.

Trace picked up the lonely flower on the vase that decorated their table. Natigil siya sa pagsubo nang hawakan nito ang kamay niya at binigyan siya ng tingin na batid niyang kinabaliwan na ng napakaraming babae.

"Nasabi ko na bang napakaganda mo kanina, Ella?"

"Oo," tinamatad niyang sagot sabay bawi ng sariling kamay.

"But I still think that you were more beautiful when you're just yourself." He dramatically offered her the flower. "Gaya ngayon."

"Trace."

"Yes?"

"Ilang beses ko na bang sinabi sa iyong hindi na tatalab sa akin yang pagka-playboy mo?"

Ngumiti lang ito. The jerk was really cute. "I know. But I like praising you. Baka sakaling matunaw ng mga salita at kaguwapuhan ko ang pagiging siga mo."

"Ouch!" Malakas itong napasinghap nang sipain niya ito sa ilalim ng kanilang mesa.

"Pag hindi ka tumigil, susunod kong sisipain yang nasa gitna ng mga hita mo." Buong sarkasmo niya itong nginitian.

"Ang mahal naman ng singil sa ngiti mo." sambit nito ng umayos ng upo at bahagyang ilayo ang upuan sa Mesa, halatang natakot ito sa pagbabanta niya. "Pero napangiti kita ngayon, so that's an achievement. Puwede na akong kunin ni Lord!"

"Mabuti pa nga."

"On second thought, next time na lang." Ipinatong nito ang siko sa mesa at nagpangalumbaba sa harap niya. "Gusto ko pang makita nang paulit-ulit ang mga ngiti mo—aw!"

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon