Love at first touch..
pagmamahal sa unang pagdikit ng katawan
pagmamahal sa hindi akalaing dahilan
hindi man kayo naniniwala pero nangyari na akin 'to
Ako si LOrraine VEronica Sanchez also known as LOVE... Ito ang kwento ko
Habang naglalakad ako sa kanto hawak hawak ang tungkod ko,may nakabangga akong lalaki,my ghad,ang tigas ng katawan,hihihi
"WHAT THE HELL,ARE YOU BLIND?!!!" sigaw ng lalaki
"O-opo,pasensiya na po" naiiyak kong sambit
"UMALLIS KA NGA SA DINADAANAN KO,NAKAKASIRA KA NG ARAW!!!" Sigaw niya pa
"S-sorry po ulit" sabi ko at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad......
Di ko namamalayan na nakauwi na pala ako sa bahay,binibilang ko kasi ang bawat hakbang ko eh
"Love... Lumagpas ka na,balik ka dito" sigaw ng mama ko
"M-mama,sorry po,may nakabangga po kasi akong lalaki kanina eh,kaya ayun,nawala ako sa pagbibilang" sabi ko
"Ok lang yun anak" sabi ni mama
Mabait ang mama ko,kahit pasaway ako,mahal na mahal parin niya ako,di siya tumitigil sa pagdidisiplina sa akin.... Kahit na dapat tumigil na siya sa pagaalaga sa kin kasi matanda na siya..ayaw niya parin talaga,tumigil...
Nandito na ako kwarto namin,gabi na (sabi ni mama) kaya nakatingin lang ako sa kawalan,wala naman kasi akong nakikita eh...... Kasi Bulag ako,hindi sa pagibig kundi literal na bulag
--
Kinabukasan
--
Nandito ako ngayon sa tambayan ko,nagduduyan mag isa,lagi naman ehh,nilalayuan nila ako kasi BULAG daw ako.....
"Ay!!! Andito na naman yung bulag...." sabi ng babae,maarte yung pagkakasabi niya kaya nalaman kong babae
Sinamaan ko siya ng tingin kahit di ko alam kung saan ako nakatingin
"Tanga,bobo,gunggong,lampa bulag,nandito ako sa kanan,hindi sa kaliwa,hahahahahahahaha" tawa nung babae
Naiyak na lang ako sa pinagsasabi niya,nakakainis eh,nakakainsulto na,habang umiiyak ako,may naramdaman akong tumabi sa duyan ko,lalaki siya,naamoy ko yung pabango niya eh
"Oh,ito panyo" sabi niya at nilahad ko yung kamay ko,para di ko na agawin sa kanya
Pinunasan ko yung mata ko at may naamoy akong kakaiba sa panyo,di ko malaman kung ano yun,basta gusto lang bumaba ng mga talukap ng mata ko
--
Nasaan ako? Bakit parang di ko alam ang lugar na ito,iba yung amoy eh,
Tatayo na sana ako,pero nakatali pala ako sa upuan ko...
"Gising ka na pala...." Sabi ng kung sino
"S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Balik kong tanong sa kanya
"Tara na nga,baka malate na tayo" sabi nung parang bakla? Tapos tinanggal niya na yung nakatali sa upuan ko
"S-saan niyo ako dadalhin?" Nauutal na tanong ko
"Shhhh,Shut up... May gagawin lang ako sayo" sabi niya at hinuubad yung damit ko
"T-teka,wag mo kong rape-in,di pa ako handa... Para sa magiging asawa ko lang ibibigay si V " (virginity)
"Hoy,ilusyunada... Di kita re-rape-in... Tsaka di tayo talo noh,amp..." Sabi niya
"Eh,anong gagawin mo sa akin? Bakit mo tinanggal yung damit ko?" Tanong ko
"Bibihisan kita.." Sabi niya
-
Makalipas ang ilang minuto... Natapos na siya,kung anu-ano ang pinaglalalagay sa mukha ko
"Oh,ayan tapos na... Pak na pak ang beauty mo beshie" sabi niya
"By the way.. ako nga pala si Junior pero mas gusto akong tawaging Julianna" pagpapakilala niya
"Hoy Jun Jun.. Bilisan mo" May sumigaw na lalaki mula sa labas
"Ang sabi ko Julianna. ayoko ng JUNJUN..." Pagtatama niya sa pangalan niya ".... Ang kulit mo talaga" pagpatuloy niya
"What ever" sabi niya na lang
"Kailangan na nating umalis,may dadating na pulis mamaya" sabi nung lalaki
"Huuwaaaat? Merong dadating na pulis? My Gosh.. Hindi pa ako handang makulong huhuhu" sabi niya
"Kaya nga tara na eh" sabi nung lalaki,at ito namang si.... Ano nga ulit pangalan nito?...June?.July?.August?.... What ever
Hinila na lang ako nung bakla,sumakay sa kotse... Di ko makita yung kotse eh... 'Coz I'm Blind..
Maya maya,bumaba na kami sa kotse at pagbaba ko.. Ang ingay nila tapos nung napalingon siguro sila sa isang gawi..
"Happy B-day Love" sabi nilang lahat...
Teka... Birthday ko nga,ibig sabihin... Planado ito? Wahhhhh
"Sinong nagplano nito?" Tanong ko
"Ako" sabi nung lalaki sabi ng lalaking tumakip sa mata ko.. Hindi ko siya makita eh
"Kuyang..Matigas ang katawan?" Tanong ko
"Yeah.... Ako yung nakabangga mo kahapon" sabi niya
"I want to say sorry,to you dahil nasigawan kita" dugtong niya
"Ok lang naman sakin yun.. Kinabahan ako sa plano mo... May pa kidnap effect ka pa amp..." Sabi ko
"Sorry naman" sabi niya
"Next time,hindi na kita sisigawan" sabi niya
"Pwede bang manligaw?" Tanong niya
"Why me? Look,I'm blind" sabi ko
"Edi paooperahan natin yung mata mo" sabi niya
"Pero.. Gusto ko pag naoperahan na yang mata mo... Sasagutin mo na ako?" Sabi niya
Yun na ang tinatawag na Love at First Touch kaya sinagot ko na siya.. minahal ko siya sa simpleng pag dikit ng katawan
Makalipas ang ilang linggo ay nakahanda ng tanggalin ang benda ko sa mata...
Pero nung tinanggal na yung benda ko,laking gulat ko dahil bulag ang nasa harapan ko
Nung gabing yun.. tumakas ako kahit labag man sa loob koi
Di ko alam na gagawa pala siya ng paraan para matawagan ako...
[Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba sasagutin mo ako kapag nakakakita ka na?] Bungad niya sa telepono
"Pasensiya na,ayoko kasing magkaroon ng kasintahan na bulag eh" sabi ko
[Ok,Pasensiya na sa abala,basta alagaan mo yang mata ko ah] huling sinabi niya tapos namatay na yung tawag,napaluha ako dahil sa sinabi niya.....
Hindi ko alam na may lalaki pa palang ganto.. yung itataya niya ang paningin niya para lang sa babaeng minamahal niya.. pero naging makasarili ako.. hindi ko siya tinanggap kahit na,tinanggap niya ako nung ako ay isang bulag
Ngayon nagsisisi na ako
The End....
YOU ARE READING
Love at First Touch (One shot story)
Short StoryManiniwala kaba kung ang isang tao ay mapapamahal sa simpleng pag dikit lang ng katawan? completed short story all right reserved may 22,2019