12

32 3 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang umalis si Mingyu ng apartment nila. Nalulungkot si Seungcheol dahil sanay na itong palaging kasama si Mingyu. He knows he acted like a child, pero 'di niya napigilan ang emosyon niya. It's true, it feels like he has no one.

Maya-maya pa'y may kumatok sa pintuan. Agad namang tumayo si Seungcheol sa pagkakahiga sa sofa at pinagbuksan ang kumatok.

When he opened the door, he was amazed by the fascinating beauty of a long-haired man in front him. Shit, ang ganda niya. He thought to himself.

Mukha siyang anghel.

The man in front him smiled, a sweet smile, and that's the moment he felt his heart race.

"Hi." The man greeted him.

"H-hello. Anong kailangan mo?" Tanong niya. Nauutal siya at hindi man lang niya maialis ang mga mata niya sa lalaking nakikita niya ngayon.

"Ah, hindi ba't naghahanap ka ng bagong roommate? Nandito ako para sana itanong kung pwede bang ako ang maging roommate mo?" He said.

Hindi makagalaw si Seungcheol. Hindi niya alam pero he's so distracted with his beauty.

"O-oh. Sandali magpapakilala muna pala ako, ako nga pala si Jeonghan." He said, extending his arm.

"Ah, I'm Seungcheol. Pasok ka, check mo muna yung bahay." Sambit niya at pinatuloy niya naman si Jeonghan.

Bakit ang ganda niya? Yan lang ang tanging laman ng utak niya ngayon. It's like this is his first time seeing a beautiful person. Akala ko maganda na si Jihoon, may mas gaganda pa pala.

Agad siyang napatakbo sa sala nang ma-realize niyang magulo ang bahay.

"Shet, sorry. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis simula nung umalis yung kasama ko nung isang araw." Sabi niya habang nagliligpit ng mga gamit.

"Ayos lang," Sagot naman ni Jeonghan. "Sanay naman ako." Pahabol nito ngunit hindi siya narinig ni Seungcheol.

"Upo ka."

"Thanks." Umupo naman si Jeonghan at ngumiti. He can't believe it. Nandito na siya. It's not like this is his first time to be here, pero it feels really new to him.

Yes, it's Jeonghan. That Jeonghan. His Angel.

Story of Another Us • jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon