#TDBride
The Detective Bride
***
PROLOGUE
"Miss Aurelia, we failed." Sabi ng mga inatasan kong pabagsakin ang lalaking kinasusuklaman to the highest level.
"What!? You failed? Paano na 'to? This publishing company is my dream. How dare him destroy it!" I uttered frustratingly.
"Sorry Miss Aurelia. Ginawa naman talaga namin ang lahat pero sadyang mapagmatyag si Sir." Nakayuko ang mga ito.
Hinilot ko iyong sentido ko. Nakakataas ng dugo. Yung lalaki na iyon. Ano bang ginawa ko sa kanya? As far as I can remember, wala naman akong ginawa na ikinapahamak niya.
Shit niya talaga!
"Layas! Layas kayo dito baka mawalan kayo ng trabaho."
At dahil dun, mabilis na lumabas ang mga inutusan niya. Takot na baka mawalan sila ng trabaho.
Nakakainis talaga ng lalaking iyon. Hindi ko gusto lahat ng na sa kanya. Pati pangalan niya, ang pangit. Ang attitude niya ang pangit. Pangit lahat ng mayroon sa kanya.
Siya nga pala ang tinutukoy ko ay ang unidentified creature na si Rogelio Frederick. Diba ang pangit ng pangalan niya? Sobrang pang old class. Owner siya ng isang sikat na sikat ngayon na five-star hotel. Hindi lang iyan nagmamay-ari din iyan siya ng restaurant, malls, at iba pa. Yes! Ganyan siya kayaman. Kaya nga madali niyang napabagsak ang kompanya ko.
At yung isa pa. Nagmamay-ari din siya ng iba't ibang babae. Papalit. Paiba-iba. Oh diba? So ruthless to hurt women's feelings. Sabagay gwapo naman siya kaya hinahabol ng mga babae.
Ah! Bakit ko nga ba siya kino-complement?
"Aaahhhh." I shouted in frustration.
Sumigaw talaga ng pagkalakas-lakas para mawala iyong inis ko. Pero wa epek eh. Nakakainis parin.
Umisip pa ako ng ibang paraan. Pero itong utak na ito ang galing tumayming. Hindi gumagana ngayon.
Sinabunutan ko uli yung buhok ko. Tingin ko makakalbo ako nito. Ito kasing si Rogelio eh. Ang shit lang.
Patuloy ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan ng walang katok-katok.
"Sino bayan?" Inis kong sigaw.
Pumasok naman yung kaibigan kong maaasahan pero huwag mo lang paandarin ang pang-aasar mode niyan. Kaasar iyan siyang mang-asar.
"Hoy Leyds! Ano bang problema? Sigaw ka ng sigaw diyan. Akala ko nga nagsasarili ka na eh." Tinitigan ko siya ng matalim. "Joke lang. Eto naman ang highblood. Tatanda ka niyan ng maaga."
"Bitch please, not today please. Huwag ngayon, Vanelope."
Sumeryoso naman siya ng makita akong seryoso.
"Tungkol ba ang problema mo sa pagbagsak ng publishing company?" Tanong niya.
"Oo. Wala kasi akong maisip na paraan para ibalik ng Rogelio na iyon ang kompanya ko."
Nag-nod naman siya at nag-isip.
"Ahhh! May naisip ako!" Sabi niya with matching mischievous grin.
"Ano?" Parang hindi ako sigurado sa friend ko ha. Parang may sasabihin siyang kagim--
"Magmakaawa ka sa kanya sabay luhod and kiss on the shoes."
At yun nga. Kagimbal-gimbal nga.
"What!? Are you insane!? Why would I do that?"
"Bahala ka! Ikaw rin naman mawawalan."
And then lumabas na siya ng office ko.
"Argh!! Why would I do that? He is not worthy na luhudan ko. Mayghaaad."
Inisip ko naman ulit.
"Seems like this is my last chance."
***
A/N: Errors ahead. Please vote and comment. Also follow my profile para mainform kung kailan ang next update. Thanks!
BINABASA MO ANG
The Detective Bride
ActionIf there is a person that Lady Aurelia Benitez would not want to cross her path with, that would be Rojelio Frederick Gomez. Why? Una, hindi niya gusto ang pangalan nito. So old-class. Pangalawa, she hates his overall appearance. Pangatlo and the m...