Chapter 8 - Katangahan

114 5 0
  • Dedicated kay CharlEne Cantorna Cabalar
                                    

Picture ng Letsyrk Band yung nasa taas.

Ralp-Kenzo-Lei-Zowin

*****

[ Krystel's POV ]

Sunday Morning.

Pagka gising ko agad kong hinanap si Zowin dahil wala na siya sa tabi ko.Napangiti nalang ako nang makita ko siyang nakahiga sa sofa.Sabing samahan ako,linayuan naman ako.Pero naniniwala naman ako na sinigurado muna niyang okay ako bago siya lumipat ng higaan.Isa pa babae ako at lalake siya,kung kami ni Lei ang magkatabi sa higaan okay lang pero kung si Zowin nakakailang.

Bigla nalang akong dinalaw ng hiya.May nyctophobia kasi ako,ito yung fear of dark.Pag nasa dark na lugar ako o yung walang ilaw,nagpapanic ako.Kaya kung minsan hindi ako nakakapag-isip ng maayos.Siguro dahil sa takot ko hindi ko na naisip na bawal kaming magkatabi ni Zowin.

Bumangon na ako at kumuha ng kumot.Kinumutan ko si Zowin,mukha kasing nilalamig pa siya.Bumababa ako para magluto.Ipagluluto ko nalang si Zowin..

Time check

6:07 AM

Tinatamad akong magluto kaya pinainit ko nalang yung linuto ko kagabi at frinied yung rice at nagluto ng hotdog and egg.Hindi ko alam kong anong gusto ni Zowin na inomin sa umaga kaya nag painit nalang muna ako ng tubig.

Lininis ko na din itong bahay dahil parang dinaanan ng bagyo sa daming nakakalat na sira sirang gamit.

"Ah G-Good Morning Zowin.K-kain muna tayo?"Ako habang nahihiya pang makipag-usap sa kanya.

"Wag ka nang mahiya sa akin."

Lagot,mind reader ba siya?Pansin niyo yun?parang nababasa niya yung mga iniisip ko?Alah!baka malaman niyang crush ko siya

"bakit?"ako dahil bigla niyang inilagay yung palad niya sa noo ko

"Tiningnan ko lang kung may lagnat ka.Sabi kasi ni Danica nagkakalagnat ka daw pag dinadalaw ng phobia pero wala naman"

nginitian ko lang siya.Minsan,nagkakalagnat talaga ako pag dinalaw ng phobia ko.

"Kain muna tayo?"aya ko ulit

Hindi sa feelingera o assumera pero pansin ko mukhang napapalapit na si Zowin sa akin.Bakit kaya lagi niya akong tinutulungan?

Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama mo yung taong gusto mo na kumakain sa bahay mo.Grabe noon pinagtatanggol lang niya ako,hindi ako makapaniwala na ang lapit na niya ngayon sa akin.Masaya ako dahil napapalapit na siya sa akin.

"Zowin anong gusto mong drinks?"

"Okay nang walang drinks.Hindi kasi ako umiinom pag umaga"

"okay"

.

.

.

Tapos na kaming kumain at alam niyo yung nangyari?nag volunteer pa si Zowin na mag hugas ng pinagkainan namin.Gentleman talaga.Sa una ayaw ko talaga dahil nakakahiya.Nagtalo pa nga kami,pero talagang matigas siya kaya sa huli siya parin ang nasunod

"Salamat talaga Zowin"

ako habang sinasamahan siya sa labas.Uuwi na kasi siya.

"Wala yun basta ikaw.Sige mauna na ako"

"Bye,ingat ka ha?"tumango lang siya at sumakay na sa kotseng sumundo sa kanya.

Papasok na sana ako sa bahay ng may mapansin akong helmet.At siguradong helmet ito ni Lei.Bakit naman napunta ito dito?Ah baka naiwan niya kahapon noon pumunta siya dito.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon