RID2#CHAPTER 15
CONFUSED"Namimiss mo ba ang mommy mo?" out of the blue ay tanong niya.
"Ah Nanay ko?" I corrected him.
Tumango siya.
"Always pero mas ok na siya doon sa langit kaysa dito"
"I am sorry I wasn't able to go to her funeral"
"Ok lang yun, di naman ako importante sayo noon" I shrugged my shoulders.
"You already were" mahinang sambit niya.
"Wehhh"
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Ikaw lang ang manhid eh" sabi nito.
"Ako? Malay ko ba sa'yo. Lahat binabati mo, lahat pwedeng anuhin mo, ano ang alam ko na iba pala ako sa lahat?"
"Anuhin talaga Pffft" he scoffed.
Tumawa ako.
"I was warned by Ken. Kaya hindi nalang ako nagpursige sa iyo noon. Your friend wants to protect you from me. Hindi ko naman siya masisisi because he knew how I treated women before"
"Si Ken?"
"Don't get mad at him, dapat nga di ko na sinabi ito sa iyo but yes, si Kenneth. He asked me to spare you pero wala eh tinamaan ako sa kamanangan mo"
Kinagat ko nga ang kamay niya.
"Araaay" He cussed pero tumawa naman.
"Manang pala ha" I hissed.
"You know perfectly it is how you dress but it doesn't bother me now." Tawa ito ng tawa.
Sumimangot nalang ako. Truth hurts but can you blame me? Mas panatag ako sa pagkamanang ko. Nang umalis ako sa Nunez ay balik sa dating dresscode ako, nasa probinsya naman ako so I do not need to go with how the Manileñas wear their dresses.
"Don't get me wrong, I learned to adapt, really really really" tumawa na naman ito.
"Fine di ikaw na ang naka adapt" ingos ko.
"Pag maganda talaga Ma'am kahit ano ang isuot, maganda parin" sambit niya.
Nginisihan ko lang siya ng nakakaloko. Siya naman ay kumunot ng noo.
"What are you thinking?" he asked.
"Smooth talker ka talaga ano?"
"Do not exchange that to honesty."
"So honest ka?" I asked.
"Depends"
"On the nature of the topic? Of course wala naman talagang taong di nag sisinungaling" sambit ko.
Bumuntong hininga siya tapos ay nagpark na siya sa isang restaurant.
"Let's dine in" sabi niya.
"Diyan?" I asked.
"Ayaw mo?"
"Bagay ba ako diyan ? Bagay ba diyan ang kamanangan ko? " Turo ko sa sarili ko. The Restau looked like a formal dining type.
"Bagay ka sa akin at wala silang paki" He said at saka lumabas na.
Malandi talaga ito. Gaad.
"Gavin, pizza nalang" I said at pinigilan siya sa akmang pag hila sa akin palabas ng kotse.
"You sure?" he asked.
Tumango ako at isa pa di naman ako gutom.
He sighed. "Ok, let's buy you this pizza" sambit niya at saka ako niyuko at ginawaran ng halik.
BINABASA MO ANG
Rolling in the deep 2
RomanceThe reason she came working as a maid in Manila was her mother and has just died so Erikka Marikit Soliven or better known as Rikky to her friends and Marikit to the brother of her boss has decided to leave the city and to just stay at home to be ne...