C16 "Chastity"

5.4K 900 144
                                    

RID2#CHAPTER 16
CHASTITY

"Bakit ako ang iniistorbo mo? Para kang walang ibang friends" Loki said.

"Hindi unlimited ang supply ko ng alak!" he said at saka ako hinarap sa kinauupuan kong high chair, pero sinasalinan naman niya ako ng Brandy.

"Tang'na pipi ka na?"

"Just shut up, I want to think" singhal ko sa kanya.

"Wala ka namang isip, paano kaya yun" he chided.

"Gago"

"Gago you too" he cussed.

"Fuck si Marikit kasi" mamya ay sabi ko.

"Oo paalis na"

Tinignan ko siya. "Pauwi na sa Bicol" he clarified.

Muli ay sumimsim ako ng alak.

"She was asking me your where abouts, malay ko bang nandito ka? Kung di pa ako umuwi hindi ko alam na nandito ka"

"Nagaway ba kayo? Wow ha, ang tanda mo na para magmukmok, ano ka 16 years old?"

"Sige sermon pa, bwisit ka" singhal ko sa kanya.

"Ano ba kasi ang nangyari? Diba kayo naman na? Ano, away agad?"

"She doesn't really mean it. Nadala lang siya sa akin. Hindi niya naman ako mahal talaga. Fuck! "

"Give her time, nakakairita ka kayang lalake ka" Loki laughed.

"Seriously?" I scoffed.

"Ganto, pag ako babae at nililigawan mo ako, mag dadalawang isip din ako ano"

"Eh bakit niya ako sinagot?" I asked.

"Alam mo insan, madami insecurities ang babae, dapat alam mo na iyon. Tignan mo mga kilay nila, inaahit tapos dino-drawingan para kumapal ulit, how fuck up is that?"

"Minsan lang siya nagbunot ng kilay and do not compare me with a fucking brow" I scoffed.

"Talaga lang ha, napansin mo yun?"

"Shut up, you are not helping"

"Ikaw ang magulo, mukhang di ka nagpapakita sa kanya ni text o tawag wala tapos heto ka windang. Bobo lang?"

Inirapan ko siya.

"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina? " mamya ay tanong niya ulit.

He sighed. "uuwi na siya ng Bicol, pasukan na niya." He repeated.

Tahimik lang akong uminom.

"You know what uminom ka lang diyan. Ibibilhan pa kita. Tutal di ka naman nagiisip, no use talking to a person who doesn't think, ako na ang bahala kay Marikit. Huwag mo lang akong aawayin pag ako minahal non"

"You are fucking married, why don't you just be a husband to your wife and leave Marikit alone"

"Magkaiba tayo ng sitwasyon" he said.

"Whatever" sagot ko at natuon ang pansin ko sa nagriring na cellphone ko.

Ma'am ko calling...

Tinititigan ko lang iyon hanggang sa namatay then a text came.

Ma'am ko: Jessica asked me. Tinanong kung boyfriend talaga kita. Napaisip ako, ano nga ba tayo? Sa totoo lang nalilito na din ako.

Ma'am ko: Gavin please...

Sa tinext niya ay tinawagan ko na siya.

"Hello" she answered faintly.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon